FIRST BORN
This story is based from personal experience and real happenings. November 2, 2012, 7th month na ng tyan ng pinsan ko sa first born nila at lalaki pa ang baby. Nasa Taiwan ang asawa niya so sa compound namin siya nakikitira para naman may kasama siya. To give you a background para mas mavisualize nyo; sa compound namin ay 2 ang bahay at 1 separate na kwarto na inuupahan ng mga pamangkin ni tita. Sa amin ng papa ko at sa tita ko kung saan tumira ang pinsan kong buntis. Ang kitchen nila tita ay nasa bandang likod ng bakuran at open, parang yung kusina nila Pinang sa Be My Lady na palabas. Ang pinaka-wall ay gawa sa buho at ang back door nila ay kaharap ng kwartong inuupahan sa amin ng mga pamangkin ni tita. Actually wala talagang ‘door’ ang back door kundi door way lang. Mapuno sa likod bahay at ang katabing lote sa likod namin ay bakante. Ang bahay namin ng papa ko ay nasa harap na part, mga isaag metro lang ang pagitan sa bahay nila tita.
Here it goes, November 1 ng hapon nagpaalam si tita na uuwi sa bukid para bisitahin ang puntod ng mga parents niya. So ang natira lang sa compound ay kaming 4; ako at ang papa ko, si ate Jel (pregnant) at si ate Billy na may trangkaso, pareho silang nasa kwarto sa taas. Around 10pm, ako na lang ang gising, nanonood ako sa kitchen nila tita, then all of a sudden may nadinig akong tumatalon sa bubong ng mga kapitbahay palibot namin. Bilang ako na lang ang gising, nagpausok ako gamit ang kuko ng baka at inilibot sa bakuran namin hanggang sa tumigil yung tumatalon sa bubong. The catch is, every time na humihina ang usok, bumabalik yung mga nagtatalunan sa roof at mas lalo pa silang lumalapit to the point na nasa roof na sila ng kwartong nasa likod ng kusina nila tita. Pumasok ako sa kusina at tinuloy ang panonood ng tv until mga around 1:30am ng November 2, nakadinig ako ng huni ng galit na baboy malapit sa kwarto sa likod bahay. Pero wala naman kaming baboy o mga kapitbahay namin. Mga 15 minutes rin siyang humuhuni so tinawag ko na si papa. Noong dumating si papa, nawala yung humuhuni at nagsabog na lang kami mg asin sa likod-bahay hanggang sa bubong. Niyaya na ako ni papa na matulog.
Around 3:00 am, according to ate Billy (Nipa ang bubong nila ate), nagising si ate dahil may nadinig siyang kaluskos sa bubong nila. Hanggang sa parang binubutas na, kapag pina-flashlight-an niya, tumitigil naman. Ang ginawa niya, is tinakpan na lang ng kumot yung kama ng kapatid niyang buntis. Mag-uumaga na noong nakatulog siya. Noong umaga na, nakita naming butas nga ang bubong at yung pumapasok na sikat ng araw ay sentro sa tyan ni Ate Jel.
PS: Matagal ng inaaswang si ate pero ito yung pinakamalalang atake.
2ND PART
ANSWER TO QUERIES: Sa mga nagtatanong kung ano nangyari sa baby after ng incident sa 1st part, okay naman po at nadeliver ng maayos si baby boy. And I’m a girl. May nagtanong kung ano pwedeng ipangontra, I would enumerate kung ano yung mga ginamit namin.
Dahon ng Badyang - Kamukha ng dahon ng gabi pero mas makati sa balat.
Dried Seahorse
Makabuhay - It looks like a vine na may maliliit na bukol-bukol
Kuko o sungay ng baka, pampausok (Goma will do too pero mas masakit sa ilong)
Punyal na tanso
Buntot pagi
Wear black clothing
Banaog, pampausok - It is a kind of coral so sa ilalim pa ng dagat nakukuha, and is very effective. Mabango sa tao, mabaho para sa aswang.
Native na luyaOkay, back to the story. Nangyari ito nung buntis pa rin si Ate Jel. As I mentioned in my previous post, ang bahay namin ay nasa harap na part ng compound and L shaped yung structure ng bahay namin. Sa mahabang part ay yung sala at kwarto, sa maiksing part naman ay yung kusina. Less than one meter lang ang pagitan ng bahay namin at bahay nila ate, so basically, halos dikit lang talaga. Kapag umakyat ka sa bubong ng sala, bintana na nila ate ang katapat noon. So, around 11 in the evening, nakadapa ako sa kama habang nagbabasa noong may nadinig akong lumagabog sa bubong ng kwarto ko. Wala kaming kisame kaya nakita kong nayupi yung yero na binagsakan pagtapos noon, din na siya uli gumalaw. After a few minutes, naramdaman kong naglalakad na siya papunta sa sala kung saan natutulog ang papa ko. Lumabas ako ng kwarto at ginising si papa, sinabi ko na may naglalakad sa bubong namin. Nakiramdam si papa pero yung naglalakad sa bubong, tumigil rin, parang pinakiramdaman niya rin kami. Tahimik lang kami then naglakad ulit siya papalapit sa part ng bubong namin na malapit sa bintana nila ate. Kumuha ng flashlight si papa at lumabas ng bahay para tingnan yung bubong pero wala kaming nakita. But still nadidinig namin yung naglalakad dahil sa pag ingay ng yero. Pumasok ako sa bahay para kumuha ng asin. Noong nasa loob na ako, nadinig ko na tumakbo yung nasa taas ng bubong so tumakbo rin ako palabas para habulin siya at kasunod ko si papa na galing sa bakuran namin. Yung takbo niya ay mula sa sala hanggang sa kusina bago siya tuluyang lumipad. Pagdating namin ni papa sa laundry area wala na siya. Ang nadinig nalang namin ay yung huni na ‘kikikikik’ galing sa kabilang lote na bakante. Nagsaboy nalang kami ng asin sa mga bubong. Ginawa pa niyang runway yung bubong namin.
ICE
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)