Hunter

88 0 0
                                    

Kwentong Embalsamador

Classmate ko si Alan nung fourth year. Pero medyo aloof ako sa tao non kaya saka lang kami naging close nung 2014, nung nagkita kami ulit, nung nag organize yung adviser namin ng reunion.

Dahil sa hirap ng buhay at kagustuhang makatulong agad sa pamilya, pagkatapos ng highschool, nag vocational course lang sya. Alam nyo naman na siguro kung anong kinuha nya. Sabi kasi sa kanya, yun ang in demand, abroad tyaka dito satin. Pag yun ang kinuha nya, makakakuha agad sya ng trabaho. Kaya kahit shokot sya sa dugo at internal organs, gorabels sya para sa kinabukasan ng pamilya nya. Si Alan pag titignan mo, hindi mo maiisip na bi sya. Bet nya ang boy, bet nya ang girl. Lalaking lalaki kasi datingan nya. Nagstay na rin sya dito samin for good kasi nagkaroon na ng branch yung funeraria nila dito. Di ako mag nename drop ng funeraria pero bigyan ko kayo ng clue, Matanglawin. Una syang nadestino sa may malayo, basta malayooooo. Ayoko talaga magbanggit ng specific place, ayokong mabash.

Pero nung mga unang buwan nya sa trabaho nya, hindi raw nya alam kung anong una nyang mararamdaman: diri o takot. Sabi lang daw nung kasama nya ring embalsamador na mas matagal na sa kanya, hindi lang raw sya sanay, pero pag lumaon na, masasanay din sya. Minsan kasi nung nag eembalsamo sya, may part na isasaksak nya yung hose/tubo para makuha yung dugo. Pagkabaon raw nya, biglang bumangon yung bangkay. Normal daw talaga, may mga cases na ganon daw talaga, pero alam nya na hindi normal yung napabangon nga pero nakasakal sa kanya. Wa poise raw sya non, sigaw sya ng sigaw. Mahigpit yung pagkakasakal sa kanya. Kahit yung senior nya, halatang natakot din.

Umuulan daw non nung may ineembalsamo silang matanda. Lalaki. Inatake sa puso. Tirik ang mata. Dapat pag namatay na ganon, pag ipinikit mo yung mata, hindi na mumulat ulit. Pero hindi daw, habang nililinisan nya yung katawan, pamulat mulat daw yung mata. Kaya ang ginawa nya, kumuha sya ng towel saka nya itinakip sa may mata. Nagulat na lang sya nung pagkatanggal nya ng towel, parang nag bi-beautiful eyes pa daw yung matanda.

Nung may nilamayan naman don sa chapel ng funeraria, maraming tao, may free wifi kasi. Nagdidistribute sila ng pagkain nung yung isang kasama nya patingin tingin sa may kabaong. Sya naman nilapitan nya saka tinanong. Hindi sya sinagot pero may itinuro sa kanya. Hindi nya raw alam ang gagawin nya nung makita nya yung isang nagbibigay ng pagkain, kamukha nung inembalsamo nya. Nung napunta silang kitchen talon lang sila ng talon nung kasama nya.

Syempre stay in sila ron. Sya ang kasama nya sa kwarto yung senior nya. Hinihintay nila yung pagdating nung branch manager nila don sa lugar na yon hanggang sa makatulugan nila. Nagising na lang sila, nung magsisigaw si Blacky, kasamahan rin nila. Hindi raw makapagsalita, basta nakaturo lang. Nung tinignan nila yung tinuturo nya, nagsitakbuhan sila palabas. Kasi may nakalutang na ataul sa may harapan nila. Hinabol raw sila hanggang sa labas. Muntik pa silang masagasaan ng manager. Pinagalitan daw sila, bakit daw sila sumisinghot ng baoma. Bantulot na pumasok sila kasabay nung manager para lang lumabas ulit. Bakit kasi, parang inaantay sila nung nakalutang na ataul. Hindi na rin nag iisa, tatlo na. Para raw silang tangang sigaw ng sigaw habang palabas. Ang ending, sa may van sila natulog. Nung mag umaga, inilipat nila yung mga ataul sa may spare room. Inilalabas na lang nila pag may titingin.

Nung humagupit sa probinsya namin yung bagyong lando, october 17, 2015 yon tanda ko yon kasi habang nagluluto ako ng almusal, nilipad yung bubong ng dirty kitchen namin. Nawalan ng kuryente. Pinaghanap ako ng mama ko ng may generator para maki charge. Kaya naisip ko si Alan, tinext ko sya, pwede daw maki charge sa kanila. Sinundo nya ako samin, saka sinundo din namin yung ibang tropa ko na naging tropa na rin nya. Last yung bessie ko. Habang pumapatay ng oras, yung kasama nya ring embalsamador, nagkwento samin.

Bago raw sya mapunta sa kompanyang yon, may pinanggalingan na syang maliit na funeraria sa ncr. Kadalasan sa funerariang yon daw pinupunta yong mga biktima ng salvage, ejk mga ganon. Yung mga walang nagcleclaim na pamilya. Saka yung mga med school naman, binibili para pag aralan. Matanda na si Kuya, around 50+ na sya. Ganap daw yon baguhan pa lang sya.
So may dumating na bangkay, apat. Nakita daw sa may creek. Expected mo creek, may tubig, iisipin mo bloated na yung mga katawan pero hindi daw, parang kamamatay pa lang nila kung hindi mo maamoy yung katawan, lalo yung dugo. Sobrang baho na daw, masuka suka lahat ng nakaamoy. Yung dugo pa raw itim, itim talaga. Pag purong dugo daw talaga kung titignan parang itim pero pag namantsa sa damit, red. Pero yung dugo raw nung apat, itim talaga kahit ipunas sa puting tela. Mag iisang linggo na wala pa ring nagcleclaim.

Mag iisang linggo na wala pa ring nag cle claim. Mag iisang linggo na rin na may kakaibang nangyayari don sa funeraria. Parang lagi na may nakatingin sa kanila. May mga nawawalang pagkain, karne pa nga eh. Fourth night nung nagkagulo kasi may inembalsamo sya, pag gising nya ng madaling araw para jumerbaks, may mali don sa inembalsamo nya. Nawalan ng atay, nahighblood yung may ari ng funeraria dahil don. Sino daw hayop ang magnanakaw ng atay? Hinayaan na lang, basta hindi na lang sinabi don sa pamilya.

Napansin nila nung kaibigan nyang nagtratrabaho din don, parang nakangiti yung isa sa mga bangkay na nakita sa creek. Nilinisan rin nila yung mga yon, pagkatapos embalsamuhin pero yung nakangiti, may bahid daw ng dugo sa kamay at kuko. 6th night may ilang lalaki ang pumasok sa funeraria. Yung set up daw kasi, sa may ground floor, andon yung parang reception ng funeraria. May basement, don nangyayari yung mga pag eembalsamo. Second floor, dun sila nag iistay. Mga rugged daw suot nung mga lalaki, may mga takip sa mukha. Kaya akala nilang una magnanakaw. Pero imbes na baril, tabak yung hawak nila. Marami sila, more than 10 daw. Pinapasok sila lahat sa loob saka pinadapa. Sya at yung may ari lang daw yung isinama sa may basement. May apat na pumwesto sa tapat nung mga bangkay. Sabay sabay daw na tinaas yung mga tabak, ung tatlo daw nasaksak agad na direkta sa puso. Halos lumuwa daw mata nya non kasi kita nya daw talaga kumapit pa yung mga bangkay sa mga lalaki, narinig pa nya yung 'ugh' nung mga yon na parang buhay pa. Pero mas lalo syang natakot nung yung isa nakipagbuno pa don sa sasaksak sa kanya. Kinailangan pang tulungan nung katabi nya para tuluyang masaksak. Nung nahimasmasan sila, kinausap sila nung isang lalaki, parang pinuno nung mga nanloob sa kanila. Dapat daw hindi na nila pinaabot na ganon katagal yung mga yon. Matao pa naman sa lugar nila. Hindi rin malinaw kila Kuya kung anong klase yung mga taong yun. Pero iisa lang talaga yung bilin nya kila Alan. Oras na may ganon silang maencounter, wag sila mag aalinlangan na saksakin sa puso. Kakilabot diba?

Hunter

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon