*** Ordinaryong buhay, ekstraordinaryong mga tao V ***
Nakilala ni Nanay si Aling Bibe nung pinagbubuntis nya si Jay. Maselan sya nun at konting kibot lang ay dinudugo na sya. Grabe rin syang maglihi. Inaabangan nya yung nagtitindi ng fishball sa harap ng bahay nila nung may tumigil na kalesa. Nagtanong daw ng direksyon yung babaeng nakasakay doon. Tapos nagpasalamat kay nanay.
"Bago sya umalis, sabi nya sakin kamukhang-mukha ko raw yung pinagbubuntis ko. Pero mahihirapan daw ako sa panganganak kaya ma-si-cs ako"
Pagkapanganak nya kay Jay, parang tadhanang nagkita sila sa ospital, nanganak din yung kapatid ni Aling Bibe at nasa iisang ward lang sila. Totoo ngang na-cs si nanay kay Jay. Biniro sya ni Nanay na kukunin syang ninang ni Jay. Sa araw ng binyag, laking gulat nila nung dumating sya.
"Dalawang taon lang si Jay nung nag-alanganin ang buhay ko. Hindi na ko makatayo sa sakit, may nana na ang ihi ko. Grabe na yung uti ko. Si Bibe ang nagpagaling sakin, utang ko sakanya ang buhay ko"
Pagkasabi nun ni Nanay ay kimi akong ngumiti tapos binuhat ko na si Eyah, nagpaalam na kong matutulog na kami. Pagkahiga namin, tumihaya si Eyah.
"Utang sa tao ang buhay nya. Kung hindi naman tinulot ng Diyos na gumaling sya, hindi yun mangyayari. Alam mo bang nasasaktan ang Diyos sa tuwing may magsasabi ng ganun Ana?" Nagsasalubong ang mga kilay nya at halatang nagpipigil ng galit.
"Hayaan mo, kakausapin ko si Aling Bibe"
Pagkasabi nya nun, humiga na sya at pinagsakilop ang mga kamay. Nagdasal sya. Ganun din ang ginawa ko. Nagpasalamat ako sa mga biyaya at humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan. Humingi ako ng gabay at lakas Sakanya para sa gagawin ko.
***
Nagpaalam ako kay James na pupunta kila Boss ng sabado. Pero ang talagang sadya ko, si Tyo Berting. Inisip ko kasi, si Tyo Berting magaling na manggagamot bago nya talikuran lahat, siguro kung kasama ko syang magpapatotoo kay Aling Bibe, mas madaling makikinig ang matanda.
***
Mga dalawang minuto nang tumatawa si Aling Bibe. Sinimulan ko, sinegundahan naman ni Tyo. Pero tawa sya nang tawa. Umaalog yung mga bibil nya. Nakikitawa rin yung dalawang demonyo na kanina ay nasa may mangga pero nung dumating kami ay kapanabay naming pumasok sa loob. Pumwesto sila sa magkabilaang gilid ni Aling Bibe. Nanghina ako bigla sa presensya nila, kahit si Tyo. Pero nung makita ko syang tumungo, kung maari ko lang na sabunutan ang sarili ko ginawa ko na. Magdasal ka Ana. At para akong uminom ng cobra, buhay na buhay na ulit dugo ko.
"Aling Bibe, demonyo yang dalawang yan" Singit ko sa pagtawa nya. Tumahimik sya.
"Ang dalawang ito ay gabay pa ng nanay ko, ng nanay nya, ng nanay ng nanay nya ng mga ninuno naming nagmana ng karunungan. Lahi kami ng manggagamot Ana, alam yan ni Berting Ana. Kasi magkatulad kami. Pero hindi ako hangal katulad nya" Sasabat na sana si Tyo pero tinaas ni Aling Bibe ang kamay nya, nanahimik si Tyo. "Ang daming tao ang may sakit na hindi mapagaling ng siyensya Ana, mga kinukulam, binabarang. Binigyan kami ng karunungan para tumulong sa mga katulad nila. Bakit ko iiwanan kung nakatutulong ako sa iba? Hindi ba sabi ng bibliya tulungan mo ang kapwa mo?"
"Tulong gamit ng karunungang galing sa demonyo Vivian? Nasaan ang mga anak mo ngayon? Nailigtas mo ba sila? Kung talagang galing sa Diyos ang karunungang yan, sana buha----"
Tumayo si Aling Bibe tapos pinagmumura si Tyo. Dun ko nalaman na may lima palang anak si Aling Bibe, pero lahat namatay. Cancer. Umiiyak na sya, wala akong nagawa kundi pakalmahin sya.
"Aling Bibe kukuha lang po akong tubig. Wag na kayong sumigaw alalahanin nyo bp nyo"
Bago ako makaalis para kumuha ng tubig hinawakan nya ako sa laylayan ng bestida ko. "Hindi sila demonyo Ana, mga gabay namin sila. Mga anghel sila sabi ni Nanay"
Nagsasalin na ko ng tubig sa baso nung magring ang cellphone ko. Si Niko. Kahit nagtataka eh sinagot ko. Halos mabingi ako sa lakas ng boses nya.
"ANA KUNG NAKILA ALING BIBE PA KAYO ANA MAKINIG KA SAKIN UMUWI NA KAYO NI TYO"
Sasagot sana ako kaso may kumalabit sakin. Napa-oh ako kasi ang pogi nung lalaki. Hindi sya mukhang pilipino.
"Hi"
"H-hi"
"Anong pangalan mo?" Tanong nya sa pilipilit na tagalog.
"A-ana" Nahulog cellphone ko pero parang wala lang sakin. May kung ano sa utak kong nagsasabing pulutin ko yun kasi may sinasabi si Niko'ng importante pero mas malakas ang hatak ng poging nasa harap ko.
Giniya nya ko sa sala. Nagbago yung mood ni Aling Bibe. Si Tyo rin, prente ng nakaupo. Parang may mali pero hindi ko matukoy. Ano nga bang ipinunta namin ni Tyo kay Aling Bibe? Hindi ko mahanap sa isip ko.
Tapos mula sa kwarto, may lumabas na isang babae. Ang ganda nya, natibo ako bigla. Sabi ni pogi, asawa nya. Shet bagay sila. Ang saya nilang kakwentuhan. Nung mapatingin ako sa bintana, madilim na. Tapos yung babae inaya kami sa kusina. Kakain na raw. Eh hindi naman sya tumayo mula kanina, anong kakainin namin, yung lamesa?
Pero pagpunta naming kusina, may nakahain ng mga pagkain. Mga kasi nasa limang putahe. May inihaw na isda, may karne, may gulay.
"Niluto ko yan kanina" Hinawakan ako nung lalaki sa balikat. Yung mga tanong sa isip ko kanina, bigla na lang na hindi ko na pinansin. Umupo na kaming lima. Masaya ang kwentuhan.
Nung natapos kaming kumain, sabi nung babae sya na lang bahalang magligpit. Nagpunta ulit kami ng sala at dun may babaeng naghihintay. Saan sya dumaan? Pero nung mapagsino ko, napa one step backward ako. Nanay ko yun.
"Wag kang matakot Ana. Nanay mo sya" Bulong nung lalaki sakin. Bakit ang tatas na agad nyang managalog? Bigla na lang sumulpot yung babae sa gilid ko. Hinawakan ako sa kamay. Lahat ng takot ko sa pagkakakita sa nanay ko nawala. Ni hindi nga ako tumanggi nung patabihin nya ako sakanya. Hindi rin ako tumanggi nung hawakan nya ako sa tyan. Saglit na nanlaki yung mata nya. Tumingin sya run sa dalawa. Pero ako, nakatingin lang sakanya. Eto ba yung mukhang gamit nya nung maka one night stand nya si papa? Ang ganda. Sana all. Tapos yung strap ng bestida ko ibinaba nung lalaki. Napalunok ako. May iniisip akong tao pero hindi ko maapuhap sa isip ko. Pero sumisigaw ang puso kong tumanggi ako. Pero nung ibaba nya yung isa pa, hindi ako makagalaw. Nararamdaman ko yung init ng hininga nya sa kanang tenga ko.
'ANA! ANA! ANA! ALAM KO NANDYAN KA ANA GUMISING KA!'
Napatayo ako bigla. Sa pagtayo ko, nasapol ng ulo ko yung baba nung lalaki. Pero hindi ko sya pinansin. Si Niko yun. Yung pinto palabas ang lapit lang mga sampung hakbang pero kahit tumatakbo na ko hindi ko pa rin marating. Paglingon ko, nakasunod na rin sakin si Tyo. Tapos para kaming hinahabol nung tatlo. Si Aling Bibe nakatulala lang. Hinawakan ko kamay ni Tyo. Mas binilisan namin yung takbo. Pero napakalayo pa rin nung pinto. Pero yung boses ni Niko at nung kausap nya parang ang lapit lang.
"Ana labas na!" Si....Si Makoy ba yun?
"Makoy ang layo layo ng pinto!"
Narinig kong nagmura sila ni Niko, ang lapit lang nila!
"Sandali lang may nangyari kila Panget sa may pampanga parang ganito na hindi" Si Niko.
"Yung naengkanto sila. Isipin mo kung anong mag-uugnay sayo sakanya! Ikaw yung huli nyang nakausap" Yung style ni Makoy parang batang nagmamaktol. Para akong loka-loka na umiiyak, natatakot pero natatawa.
"Ana naririnig mo ko?" Si Niko ulit.
"Oo malinaw"
"Yung cellphone mo Ana sagutin mo, subukan natin ha? Pero magdasal muna tayo"
Napatigil ako sa pagtakbo. Tinatanong ako ni Tyo kung bakit pero ang focus ko, nandun sa silong ng mesa. Andun yung cellphone ko. Please sana mapindot ko pa. Naisip kong magparoon para mabilis. Pero parang may pumigil sakin. Parang may boses na nagsabing, kunin ko sa makataong paraan. Bumitaw ako sa hawak ko kay Tyo. Patakbo akong pumunta sa mesa, hahablutin sana ako nung dalawa pero bigla akong yumuko, diretso ako sa silong ng mesa. Tumutunog na, tinatawagan na ko ni Niko.
"Huli ka" Biglang lumitaw yung lalaki.
Sinagot ko yung tawag ni Niko. "Diyos ko iligtas mo po kami" Saka ako pumikit. Napatili ako nung may humila sakin, lalo na nung nauntog ako sa mesa.
"Ako na 'to Ana" Nung nakita kong si Niko nga tapos nasa labas na kami kahit si Tyo. Nawala na yung babae at lalaki, naging tila espirito na lang silang walang mukha. Si Aling Bibe tulog sa mahabang upuan. Nayakap ko si Niko pero walang malisya.
Sa bahay nya kami dumiretso. Yung pader ng sala nya punong-puno ng pictures ng pamilya nya. Tapos nila Jay. Tapos nangiti ako nung makita na may picture din na kasama ako. Kaibigan na talaga nila ako.
"Nangyari na yun kila George?" Tanong ni Tyo.
Tumango si Niko. "Parang. Yung abandonadong ospital sa pampanga. Na engkanto sila run. Paikot ikot sila"
"Niko paano mo nalamang....." Hindi ko magawang ituloy. Nangangatog pa rin ako.
"Si Eyah. Kanina, mga alas otso, pinatawagan ako kay James. Umiiyak sya Ana, nakikiusap na puntahan kita" Para syang pagod na pagod. Kahit si Makoy at Tyo. Malamang pati ako. "Hindi demonyo yung dalawa Ana"
"Engkanto?" Tanong ni Tyo. Kanina pa sya umiinom ng tubig.
"Hindi Tyo. Fallen angels"
Tapos bigla kong naalala yung sinabi ni Aling Bibe. "Mga anghel sila" Kinilabutan ako. Kung nakakatakot ang mga demonyo. Mas nakakatakot ng ilang ulit ang mga fallen angels.
"Niko anong laban natin sakanila? Paano natin mahahatak si Aling Bibe sa tama? Paano natin sila lalabanan? Mga anghel mga yun kahit pa tumiwalag na sila sa Diyos"
Ngumisi si Niko. "Diyos Ana, Diyos at ang umaapoy nating pananampalataya"
Nangiti na rin ako. Tama, pinaka makapangyarihan sa lahat ang kakampi namin. Walang dapat ikatakot. Ang daling sabihin pero napakahirap harapin.
***
Pagka uwi ko ng bahay. Inaapoy na ko ng lagnat. Ang init pero nilalamig ako. Nagsusuka ako. Hindi ako makakain. Gusto na kong dalhin ni James sa ospital pero hindi ako pumayag. Ayoko sa ospital. Lunes hindi pa rin ako gumagaling. Nabalitaan ko ring pati si Tyo eh may sakit. Ang taas daw ng lagnat. Si Rina ang naghatid sa mga bata sa school. Ako lang mag-isang naiwan sa bahay.
Hindi ako makatulog sa sakit ng ulo ko kaya nakatulala lang ako sa taas nung marinig kong natumba yung harang sa may sala. Yero kasi yun na may nakapakong tabla sa mga dulo para hindi masugat yung mga bata, kaya rinig na rinig ko yung pagkatumba.
"Anak ng tinapa, baka yung mga pato na naman" Kahit masakit ang ulo eh bumangon ako. Kalilinis lang ni Nanay madudumihan na naman. Kumuha ako ng pamalo para pangbugaw sa mga pato. Pero nung nasa sala na ko, walang pato hindi rin natumba yung harang. Kaya nga lang may putik putik sa sahig. Hala? Ang laking pato naman? Tapos napa second look ako. Wala yung parang web sa bakas. Diba may ganun yung pato. Bakas lang ng tatlong daliri. Tatlong malalaking daliri, parang sa manok? Bigla na lang akong kinilabutan. May ganun bang kalaking manok na halos kasing laki na ng paa ko yung bakas?
Pssst
Pssst
Nanlaki ulo ko. May sumisitsit galing sa taas. Bumalik sakin yung pagtawa ko sa mga bida sa mga horror movies kasi lumingon ako. Bakit ako lumingon? Paglingon ko nakadikit na agad yung mukha nun sakin. Ramdam ko yung gaspang ng balat nya. Paatras akong lumayo na gamit lang ang pwet ko. Dun ko nakita ng maayos yung sumitsit. Payat ang katawan na walang saplot hindi ko maaninag kung lalaki ba sya o babae kasi kulubot yung balat nya tapos yung leeg nya pilipit. Yung harap ng ulo nya nasa likod. Pwet nya lang kita ko.
"Ana ana pakielamera. Katulad katulad ni Eyah" Tumuwid sya ng tayo, ang tangkad nya, tatatlo lang din daliri nya sa paa. Tapos ang bilis nyang kumilos kasi nasa harap ko na naman sya, amoy na amoy ko yung hininga nyang amoy bulok na karne. "Humingi ka ngayon ng tulong sa Diyos mo!" Tapos iniamba nya sakin yung kamay nyang tatatlo lang din ang daliri. Pumikit ako. Sa pagmulat ko, umiiyak na si Eyah sa tabi ko. Haplos ni Rina buhok ko tapos nilalamig ako, tinutok nila sakin yung electricfan.
"Ana mabuti na lang gising ka na. Bakit ka kasi naglinis may sakit ka pa. Hayaan mo lang kasing dumada si tatay"
Pinatay ko yung electricfan baka mamatay ako sa lamig. Tinignan ko yung oras, 9:45 pa lang.
"Bakit nandito na kayo? Katatapos pa lang ng recess ah?" Kinandong ko si Eyah. Bigla akong kinabahan nung makita na yung panyo nya pulos dugo na.
"Ok sya pag pasok. Kaso nung nagstart na yung klase nila bigla na lang gustong umuwi Ana. Sabi nya mawawalan na naman sya ng mama. Hindi ko pinakinggan pinaupo ko na lang sya sa likod sabi rin ni Teacher, pero nung recess na ayun pagkabukas ng pinto biglang nanakbo palabas ng gate. Kahit yung dalawang guards hindi sya nahabol. Mabuti na lang yung nagtitinda ng mais sa harap ng school nahablot sya. Yun din naghatid samin dito. Lahat ng pinapara naming tricycle parang hindi kami nakikita"
Tumango lang ako. Nakatingin ako sa panyo. Nung napansin siguro ni Rina na dun ako nakatingin tinapik nya ko. "Naabutan ka namin na dumudugo bibig at ilong mo. Pinulsuhan kita agad. Wag k-----" Bigla syang tumingala. Napatingala rin ako. Sabay kaming sumigaw nung makita yung halimaw. Yung paa nya yung nakakapit sa tabla. Sa sala kasi walang kisame.
Biglang tumayo si Eyah. Tapos pagkatayo nya, natumba yung harang sa pinto. Lalaki yung pumasok. Si Edel. Bitbit nya yung bag ni Eyah.
"Sa pangalan ni Hesus lumayas ka demonyo"
Yung boses nya ang lakas na nakapanghihina. Napatakip kami ni Rina ng tenga. Na mabuti na lang kasi sumigaw yung halimaw bago naging usok at nawala. Pagkaalis, parang walang nangyari kasi ngumiti si Edel.
"Yung bag ng baby naiwan, wag ka ng iiyak hindi ka iiwanan ng Mama Ana mo"
***
Nung umayos na kami ni Tyo Berting, pinuntahan namin ulit si Aling Bibe. Pero kasama na namin si Niko. Huwebes nun at ang daming nagpapagamot. Merong nawawalan ng gamit. May nagpapahula kung sinong nanglason sa mga alaga nyang gansa. May lalaking akay ng isa pang lalaki na hindi makapaglakad. Napatayo ako nung gamutin nya yun at wala pang isang minuto biglang nakapaglakad ng maayos yung lalaki. Lumuhod yun kay Aling Bibe at hinalikan nya ang mga paa nito. Nagpasalamat sya kay Aling Bibe. Katulad ng sabi ni Nanay, sabi nya utang nya lahat kay Aling Bibe.
"Hindi ako manggagamot na nanghihingi ng bayad. Hindi ako peke" Nag-aayos sya ng mga kandila sa altar. Tapos hinalikan nya yung paa ng birheng maria. "Ang inang birhen nagpakita sya sakin nung bata pa ako. Yun ang senyales na sakin mapupunta ang karunungan"
"Anong sinabi nya sayo nung magpakita sya sayo?" Tanong ni Niko na nakatingin sa mga libro na nasa altar.
"Tumulong. Tanungin nyo si Berting may nagpakita rin naman sakanyang santo"
Sabay kaming napatingin ni Niko kay Tyo. "Si san vicente. Pero Vivian, imulat mo ang mga mata mo. Katu----" Sinamaan sya ng tingin ni Aling Bibe.
"Hindi mo ba natanong sa sarili mo kung bakit karamihan sa mga katulad mo ay ang kapalit hindi magagamot ang sariling mga anak?" Si Niko.
"Kung ang inang birhen hindi nagtanong ng mamatay ang anak nya sa krus, ako pa kayang tao lang?"
"Tao lang si Maria Aling Bibe. Tao lang. Iniiwas kayo ng paniniwala nyo sa tunay na Diyos. Anumang kapangyarihan na galing sa mga katulad nila" Tinuro ni Niko yung dalawang fallen angel na nasa labas. "At nila" Yung itim na usok na nasa ulunan ng mga rebulto. "Kahit ang mithiin ay para sa ikabubuti, hindi yun tama. Kanina yung napagaling mo, sinong sinamba nya? Ikaw. Yun ang gusto ng mga yan"
Nanatiling tahimik si Aling Bibe. "Anong pangalan nung aso mo? Cashmere? Pinatay mo yung aso mo para pagpractice-an mo ng necromancy hindi ba? Nagbabakasakali kang magagawa mo rin sa mga anak mo. Pero Aling Bibe, nagtagumpay ka diba? Nabuhay mo si cashmere, anong dahilan at hindi mo yun ginawa sa dalawa mong anak na ang mga labi ay nasa likod bahay?"
"Umalis na kayo" Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa pisngi nya. May nasapol si Niko. Damdamin ng isang ina.
"Parusa sayo ng Diyos ang nangyari sa anak mo Aling Bibe. Pang ilan na ba kami sa hindi mo pinakinggan? Matagal mo ng alam ang totoo pero hindi mo magawang aminin sa sarili mo. Totoong anghel ang nagbigay sa pamilya nyo ng karunungan. Pero hindi anghel ng Diyos. Totoo nga't napapagaling mo sila sa mga sakit nila. Natutulungan mo sila. Pero alam kong alam mo na sa pag galing nila may mas malaking problema silang hinaharap. Sinong hinihingan nila ng tulong? Imbes na Diyos, ikaw. Diyos ka ba Aling Bibe?"
"UMALIS NA KAYO!"
***
Masakit. Mas masakit pa sa heartbreak. Pero sabi ni Niko habang pauwi kami nun, ganun talaga. Hindi lahat naniniwala. Hindi lahat kayang talikuran ang nakagisnang paniniwala. Sabi nya sa sampung tao na makakarinig ng totoo, dalawa lang dun ang magbabago. Yung walo tatawanan ka.
Nung gabing yun, umulan ng malakas. Marahil tumatangis ang langit sa mga kaluluwang hindi naipanalo.
Makalipas ang isang buwan. Nagsasabit kami ng christmas lights sa harap ng bahay nung dumating si Aling Bibe. Ang laki ng binagsak ng katawan nya. May benda sya sa ulo. Bigla na lang syang yumakap sakin.
"May cancer yung dalawa kong apo Ana. Kasalanan ko"
Biglang lumapit si Eyah tapos nagmano sakanya. "Lola, hindi mo po kasalanan. Sabi nga po lagi ni Taytay Jay ko, thy will be done. Tapos sabi ni Ninong Niko ko, lahat ng nangyayari may dahilan. Kailan lang nating maniwala at manampalataya na walang hindi magandang plano ang Diyos sa mga nilikha Nya. Kain na po tayo ang payat mo na po Lola"
Sa unang pagkakataon tinawag nyang lola si Aling Bibe. Habang kumakain, kwinento nya na magdadalawang linggo pa lang syang tumitigil sa panggagamot. Sa loob ng dalawang linggong yun, wala syang maayos na tulog. Lagi syang binabangungot. Pati pagkain nya apektado. Nagkakaroon sya ng hallucinations. Minsan napapasigaw na lang sya kasi nakikita nya may ipis o uod sa kinakain nya. Pero pag mahihimasmasan sya eh normal na pagkain lang naman. Tapos yung mga bulong.
Napatakip ako ng bibig nung itaas nya yung blouse nya. May malaking pasa. Nung nilislis nya yung manggas meron din, malaki rin.
"Yung ginamot ko nung nandun kayo na nakapaglakad, bumalik sya sa bahay. Sabi nya mula nung magamot ko sya nagkamalas-malas sya. Yung anak naman nya ang hindi makalakad dahil nasagasaan. Yung asawa nya tinubuan ng maraming pigsa sa katawan. Hindi ko sila ginamot. Nagpunta silang ibang albularyo. Gabi nung may kumatok. Pagbukas ko ng pintuan pinagpapalo na ko sa ulo. Sabi raw nung albularyo ako yung nangkukulam sa asawa nya nakulangan daw kasi ako sa bayad nya nung nagpagamot sya sakin. Ana hindi ako nanghihingi ng bayad. Kung ano lang yung makayanan"
Hindi pa run natapos. Pagkalabas nyang ospital at nakayanan na nyang magpunta sa palengke kinuyog sya kaya sya nagkapasa. Mangkukulam daw diumano sya.
Galit na galit ako. Hindi lang sa mga anghel na tumalikod sa Diyos na syang dahilan ng paghihirap ni Aling Bibe. Kundi pati sa mga taong nanakit sakanya. Mali yung ginamit nyang paraan sa pagtulong. Pero hindi yun dahilan para kawawain nila yung matanda.
"Yung tanong nung kasama mong lalaki nun Ana. Kung bakit hindi ko sinubukan sa mga anak ko yung ginawa ko kay cashmere" Tumango ako. Naalala ko yun. "Nakita mo naman si cashmere diba? Hindi na yun yung aso ko nung nabuhay sya ulit. Hindi tumatahol si cashmere, hindi nananakit. Ayokong maging ganun ang mga anak ko. Hindi ko mapatay si cashmere ulit. Kaya nagulat ako nung masagasaan sya at namatay ng totoo. Ilang beses na syang natabig. Pati ilang beses ko na syang sinaksak sa puso pero ayaw nyang mamatay. Natauhan ako pag-alis nyo nun pero hindi pa rin ako agad agad tumigil"
"Ano pong nagpabago ng isip nyo ng tuluyan?"
"Nagdasal ako Ana. Direkta Sakanya. Sabi ko kung nasa maling panig ako bigyan nya ako ng senyales kahit isa lang"
"Binigyan po kayo?"
Tumango sya. "Namatay yung dalawang puno ng mangga. Nung araw na nalagas na yung huling dahon ng dalawang puno, tumigil na akong manggamot Ana"Nasaanmamamue?
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)