NSNMMM?

56 0 0
                                    

** Ordinaryong buhay, ekstraordinaryong mga tao III **

Umaga nun, pero walang pasok. Lumabas ako, inaabangan namin ni James yung potpot. Potpot tawag namin dun sa nagtitinda ng pandesal na nakabike. Sa harap kami ng funeraria. Nakaupo kami, nakikipagkwentuhan sya run sa kumare nya nung lumabas yung warlock naming kapitbahay. Bumili sya sa tindahan nung kumare ni James. Hindi sya mapakali, tingin sya nang tingin sa gawi namin. Naalala ko yung nakita ko na nakalusot sya sa siwang. Kinilabutan ako. Tapos napansin ko, bumubulong sya.
Pagbalik namin ni James ng bahay, bigla syang nangati. Pansin ko na yun sakanya, binibiro ko pa nga na hindi kasi sya naliligo. Hapon nun, dumating si Tyo Berting. Nakita nya si James na nagkakamot ng braso. Bigla nyang hinawakan, luminga sya sa paligid. Sinenyasan nya kong sumunod sakanya sa likod. Nakaharap kami run sa bahay nung warlock.

"Hindi sila titigil"

Natampal ko noo ko, naalala ko yung parang bumubulong yung kapitbahay. "Tyo sorry!"

"Nangunguha na sila ng buhay Ana. Kinuha na nila anak ni Rina na walang kamalay-malay dahil lang sa inggit. Hindi ko alam bakit sila naiinggit. Kita mo bahay nila, di hamak na mas maganda ng ilang ulit bahay nila. Kubo lang kung tatawagin 'tong bahay ng kapatid ko"

"Tyo, alalahanin mo rin, kung hindi mapride yung bayaw mo, napagawa na ni Jay at James 'tong bahay. Alalahanin mo, kung anong propesyon ni Jay"

Nagmumura sya. Tapos may naisip ako. "I"ll handle this Bert". Kinotongan nya ako hahahaha.

Inantay kong magsabado, maaga kasi pasok ng mga bata pag weekdays. Hindi ko maaabangan yung warlock, charot. Nakikipagkwentuhan ako kay kumare, nung lumabas yung lalaki. Pagkalabas nya, dun ako sa may harap ng tindahan pumwesto. Tinitigan ko lang sya.

"Tinitingin mo anak?"

"Ang tatay ko po maskulado na matangkad"

Natawa si kumare. Tinitigan ko pa rin sya. Mukha na 'kong tanga pero ok lang. Linggo ganun na naman. Si Eyah, normal lang na bata ulit. Mas gusto kong ganun sya. Hindi ako nakararamdam ng kilabot sakanya pag normal na bata lang sya.
Lunes ng hapon, nagpaprint kami ng assignment ni Eyah. Madilim na nung makabalik kami. Nasalubong namin si warlock. Bigla na naman syang bumulong. Nung nagtapat na kami, bigla syang hinawakan ni Eyah sa braso.

"Bakit apo?"

"Wag mo kong tinatawag na apo. Isa kang taong may dungis na ang kaluluwa. Hindi ka ba natatakot eduardo?"

"Bast----"

"Mas matanda ako sayo, ng ilang ulit hindi mo mabibilang sa daliri. Hindi lang ako maaring makialam sa mga katulad mo pero darating ang araw pagsisisihan mo at ng buong angkan mo ang ginagawa ninyo" Binitawan nya si warlock tapos ako na ang hinawakan nya. "Tara na mama, nadudutom na po ato" Naiwan dun si warlock nakanganga.

Mula nung mamatay baby ni Rina, kada aalis ako ng linggo para magpunta kila Sir Roy, sumasama sya. Nagba-bible study kasi sila run. Nakikita ko sakanya na masaya sya sa natututunan nya. Lagi nyang sinasabi sakin, sobrang gumaan yung pakiramdam nya. Nalulungkot pa rin sya sa pagkawala ng baby nya pero ayon sakanya, God's will.

"Ana, ang sama ng panaginip ko" Katatapos ko lang mamalantsa nung pumasok syang kwarto.

"Ano yun?"

"Tinubuan raw ako sa buong katawan ng pigsa. Kadiri, grabe parang to------" Natigil sya sa pagsasalita nung may sumigaw ng nanay. Napalabas kaming pareho, akala namin si nanay na namin. Yun pala sa kabilang bahay. Si Kuya Yoks na kagawad e pumunta kasama sila James. Pagbalik nila, nagsusuka-suka sila.

Yung asawa ni warlock namatay na. Kitang-kita nila yung isang kandilang itim na wala ng ninggas. Dun nakahandusay yung babae may tangan na manika, voodoo doll. Pero ang nagpasuka sakanila, yung mga pigsa sa buong katawan nito halos lahat pumutok na, dumadaloy pa yung nana, ang lansa. Na ikipinagtaka ng lahat, kasi nung umaga wala pang pigsa yung babae. Nayakap ko si Eyah.

"Ikaw may gawa nun bebe?"

"Hindi ako mangkukulam Yuviana. Gusto mo bang ibalibag kita. Si Rina, sya ang kinukulam"

Yung panaginip ni Rina? Oh my johnny. Pero bakit?

"Kasi nya mama bad sila. Tapos nakilala na ni Tita Rina si God, tinanggap na nya sa heart nya po" Kumindat sya sakin. Si Eyah na ba ulit 'to? Tapos natawa ako nung bigla syang yinakap ni James na hindi ko napansin nasa loob na pala ng kwarto.

"Ang galing talaga ng babykangkang ko" Nagharutan silang mag-ama.

***

Pagkagaling sa school, nagluto ako. Marunong magbihis mag-isa si Eyah kaya hinayaan ko na. Nung natapos na 'ko dun ko napansin na hindi pa sya lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko sya. Andun sya, umiiyak.

"Bakit be?"

"Mama yung may horns sa likod ni Teacher may hawak syang tali, nilagay nya yun sa leeg ni Teacher"

Parang tambol yung pinti ng puso ko. Pagharap ko sa pintuan, may lalaking nakasandal sa amba ng pinto.

"Ang nakikita ng batang si Eyah ay katulad ng nakikita ni George. Isang paraan pa rin ng panglilinlang nila"

"Alam ko yun. Pero anong gagawin ko?"

Lumapit sya kay Eyah. Hinalikan nya sa ulo. Tapos tumayo, naglakad. Nung nasa may labas na sya ng kwarto, bigla syang lumingon. "Kung anong kahit kailan hindi nagawa ni Jaja, Ana"

Nakakakita ng mga vision si Jaja. Pulos kamatayan ng mga tao. Pero ni isa, hindi nya napigilan. Kaya para kila Jay, sumpa ang ganung kakayahan. Pero.......Pero magagawa ko bang mapigilan? Diyos ko, tulungan mo po ako. Kung ito ang gusto mong gawin ko at ni Eyah, tulungan Mo ako.

Parang isang sagot sa panalangin. May dumaan agad na tricycle. Pumunta akong school pero wala na run si Teacher. Kaya sumakay ako ulit, papunta sa bahay nya. Nakalock pinto. Inisip kong mabuti si Teacher, pagmulat ko ng mata, nasa loob na ko. Pagkatingala ko, nakabigti na sya pero pumapalag pa paa nya. Inalalayan ko paa nya. Kaso hindi ko sya maibaba. Pag umalis ako mabibigti sya ulit.

"KUYA UNTOY! PLEASE KUYA KUNG NARIRINIG MO AKO ILIGTAS NATIN 'TONG TANGA'NG 'TO MAGBIBIGTI TAPOS PIPILITING TANGGALIN YUNG TALI SA LEEG"

Biglang nalaglag si teacher, pati ako natumba. Tapos may nanabunot sakin, pagtingin ko, si Kuya Untoy. Nakangiti tapos naglaho na. Salamat po God. Salamat po. Umiyak nang umiyak si Teacher sa balikat ko. Nahuli raw kasi nya yung asawa nyang may babae. Yung dalawang anak nya, pinapunta nya sa mga magulang nya.

" 'Cher, masakit. Pero hindi ka ba naawa sa mga anak mo? May babae na nga papa nila tapos ikaw magbibigti? Alam mo ba kung anong klaseng trauma ang iiwan mo sakanila? Kung anong klaseng buhay ang iiwanan mo sakanila?"

"Sorry, sorry hindi ko na uulitin sorry"

"Kasalanan sa Diyos ang kitlin ang sariling buhay 'Cher. Kung nangbabae asawa mo, sa mga anak mo ikaw magfocus. Hindi dapat na suicide ang isagot mo sa problema mo"

Ang sarap sa pakiramdam. Nung gabing yun, nakangiti ako kahit patulog na 'ko. Pero biglang bumangon si Eyah tapos hinaplos ako sa pisngi.

"Ana, sana hindi mabago ang paniniwala mo"

"Syempre hindi. May faith na ako kay God, kay Jesus"

"Sana nga Ana. Panatilihin mong matatag, mahal na mahal ka ng batang 'to wag na wag mo syang iiwan. Kailangan ka nya sa buhay nya"

Tapos nagising na lang ako umaga na. Napaliguan na ni James si Eyah. Pagpasok namin sa school, masigla kaming binati ni Teacher. Tapos hinila ako ni Eyah.

"Ma, yung may horns wala na sa tabi ni Teacher hihihi"

Nasaanmamamue?

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon