NSNMMM?

115 1 0
                                    

Ang abnormal na buhay ng isang ordinaryong half VII

Mula nung magtanong ako sa sarili ko kung bakit Ang ang tawag nila Alen kay Jovani, may mga napapansin na ko sakanyang, kakaiba. Tao sya pero minsan nahuli kong kumakain sya ng hilaw na karne.

"Hinawaan ka na rin ba?" Minsang tanong ko.

"Hindi. Sa gusto ko lang natikman anong lasa pag hilaw"

May isa pa. Dati rati hindi sya nagpapabango ng oa sa tapang. Pero mula nung makita sya ni Alen, naninipa na yung pabango nya. Tapos kung noon ok syang kausap, bigla na lang hindi ako naging komportable sakanya. Lahat kami. Isang gabi, ginising ako ni Minerva. Giniya nya ko palabas. May nagsasalitang babae.

"Jay mahal na mahal kita, please sumama ka na sakin"

Hindi ko kilala yung boses. Tumingin ako kay Minerva. Sumenyas syang sumilip ako. Pero bago ko magawa yun, may humila sakin. Si Gino. Hinila nya rin palabas sila Kris. Nagtuloy kami sa sementeryo.

"Sya yun" Nagtype sya sa phone nya. Si Jovani.

"Ano?!" Tinakpan ni Gino bibig ni Jane.

"Puny*ta ka ang ingay mo"

Mas inobserbahan ko sya pero binilinan kami ni Gino na wag kaming pahahalata, wag babanggitin pangalan nya.
May mga pagkakataon na naririnig pa rin namin syang may kausap sa cellphone, boses babae sya. Sa tuwing naririnig ko syang ganun, may kung anong kilabot ang umuusbong sa loob ko.
February hanggang July ng 2017 hindi namin nakita si Boss. Kahit si Perla walang balita sakanya. Pag tinutulungan namin si Perla, kahit ayaw naming kasama si Jovani wala kaming magagawa. Isang araw may dinala kay Perla na sinasapian.

"Pasensya na kayo h-hindi ako marunong sa ganyan. Umalis na kayo"

Nagulat kami nung biglang lumapit si Jovani. Umuusal ng mga salitang hindi ko maintindihan. Pero si Perla nanlalaki ang mata na nakatingin sakanya. Tumayo yung lalaking sinasapian, mas matangkad sya saming lahat. Tapos lumutang sya. Napayuko kaming lahat nung mabasag ang mga salamin. Si Jovani lang ang nanatiling nakatayo. Pero hindi man lang sya natamaan ng mga salamin. Tapos sabay silang bumagsak nung lalaki. Nung nagising sya bigla syang nagwala, may tinuturong hindi namin makita.

"Jovani ano bang tinira mo bakit ganyan ka bigla?" Nung hindi na makatiis si Gino. Nanatili namang tahimik si Perla. Pero narinig sya ni Minerva na kausap si Boss sa telepono.

"Lagi na lang po nawawala mga gamit namin. Nag-aaway na po kami"

Tumikhim si Perla. Cue na namin yun para puntahan yung bahay. Napabuntong hininga kami nung pagdating namin, hindi lang lilimang pulang dwende ang nasa bahay. Masama ang tingin samin ni Jane. Malamang alam nila yung nangyari sa kinulong naming kauri nila.

"Ano bang gusto nyo para hindi nyo na paglaruan mga nakatira rito?" Umupo si Kris sa tabi nung isa. Nung aalis sana yun, hinawakan ni Kris yung balbas nya.

"Maingay sila. Walang galang"

"Kami ang nauna rito"

"Mga walang isip"

Nagtuloy-tuloy na yung mga daing ng lahat. Nakakabingi yung sabay-sabay nilang pagsasalita.

"Sandali" Tumayo si Kris. "Nagpadugo ba sila bago simulang gawin tong bahay?". Tumango yung mga duwende. Mukhang nagagamit ni Kris yung panghihipnotismo nya sakanila. "Nagbigay galang sila sainyo sa pagpapadugo, pero anong ginawa ninyo? Na kung iisipin hindi nila alam na andito kayo pero nagpadugo pa rin sila. Ayaw nyo ng ingay nila, umalis kayo. Tandaan nyo nagpadugo sila"

Nasa lugawan kami sa may Rarim nung may pulubing umupo sa tabi namin. Inalok sya ni Gino ng lugaw. Tumango sya. Yung babaeng nagsisilbi aangal sana. Pero nagtitigan sila ni Gino.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon