Maria Lithuania Gabrella's POV
(Mariya Lit-wanya Gabrelya)
Ang sakit.
Baket may mga gabing ganto?
Yung ramdam na ramdam mo na mag-isa ka?
Oo, single ako. Ilang buwan na nga ba? 11? Oh? Mag-iisang taon na pala?
Mag-iisang taon na pala, pero baket di parin ako sanay?
I mean, baket may mga gabi na kailangan kong makaramdam ng sobrang lungkot?
Yung pag-uwi mo galing kung saan, akala mo may text or chat na from someone, pero wala....
Ugh!!
Tapos kung anu-ano na yung papasok sa isip mo. You'll start questioning your self worth.
Na bakit may mga babaeng sobrang prinsesa kung ituring?
Pero bakit ikaw.. Bakit ikaw, hindi mo maramdaman 'yon?
Baket ikaw, iniwan? Baket ikaw, pinagpalit? Nung mga taong binigyan mo ng pagkakataon na mahalin mo? Wala ka namang masamang ginawa, pero naiiwan kang mag-isa?
Family love? Psh.
Oo na, broken family kami. Nanay ko at tatay ko ang unang nagpatunay na walang maayos na relasyon.
Iniwan kami ng tatay ko. At yung nanay ko? Ewan kung ano ang plano sa buhay. Sinasayang nalang niya yung buhay niya sa paglalasing at pagsusugal.
Nung umalis si papa, nakalimutan niya yatang may LITHUANIA pa sa mundo. Na may tao pala siyang dinala ng siyam na buwan sa sinapupunan niya noon. Na buhay at malakas parin hanggang ngayon.
Nakalimutan niya ako.
Kami nalang sana ang magdadamayan sa mundo, pero pinipili niyang lumayo.
Sobrang hirap.
Sobrang sakit.
Huwag niyo kong sisihin.
Kayo, busog kayo sa pagmamahal, mula sa pamilya niyo palang...
Eh ako? Kulang na kulang.
PERO BAKET NGA MAY MGA GABI NA GANTOOOOOO?! NA KAILANGAN KONG MAGDRAMA?! NA KAILANGAN KONG MARAMDAMAN ANG PAG-IISA?!
MASAYA NAMAN AKO! MAY MGA ARAW NGANG LUMILIPAS NA HALOS AYOKO NG MATAPOS. PERO BAKET MAY MGA PAGKAKATAONG GANTO SA BUHAY?!
YUNG ISANG GABI NA IIIYAK MO NALANG LAHAT. MAG-ISA. YUNG SARILI MO KAKAUSAPIN MO, ASKING QUESTIONS... ABOUT HOW CRUEL YOUR LIFE WAS, eh samantalang masaya ka naman kahapon.
Na bakit ngayon, pakiramdam mo, parang ikaw ang pinaka malas na tao sa mundo.
Bakit?
Pinupunasan ko ang basang pisngi ko, naiirita ako sa sarili ko. Napaka drama ko. Kung siguro mag a-audition ako sa star hunt ay agad tatanggapin ako. Haha!
Nakikita ko ang repleksyon ko sa salamin sa harap ko. Nakaupo ako. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng mukha ko hanggang ang balikat ko na naaabot ng salamin.
Maganda naman ako eh!!!!!!! Madaming nagsasabi. And nakikita ko mismo ngayon! Nakikita ko ang sarili ko. Maganda ako.
Pero hindi porket maganda ka, magiging masaya ka na.
Walang pinipili ang kalungkutan kung sino gusto niyang dapuan.
Wala.
Walang exemption.

BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...