08

107 8 0
                                    


"Girl, 'yang si Selenophile.. Ex siya nitong si Christy. Bago ang Daddy mo, siya ang boyfriend. Naghiwalay sila dahil sa hindi ko nalamang dahilan. Pero ang tanging nasagap ko lang ay hindi na nagka girlfriend pa ng iba si Lalake mula noon hanggang ngayon. So it means, single ang fafa. Subalit, hindi pa tapos magmahal ng iba."

Pumalakpak si Yza after magsalita ni Maori. Nandito kami sa dorm. Ala pasok ngayon.

"Alam mo dapat, nag criminology ka. Tapos maging private investigator! Kasi ang galing mo eh!" Ani Yza.

"Narinig ko lang gurl. You know. I have my connections.."

Nagtatawanan sila. Ako? Eto iniisip ko ng malalim ang narinig ko. Like, sinong tanga ang lalakeng aasa pa sa gano'n? Well, sabihin na nating hindi na siya umaasa dahil nga sabi niya kagabi, kung masaya si Christy sa iba, hahayaan niya dahil yun ang pagmamahal para sa kaniya. Pero ang mahalin parin yung ganong klaseng babae, after all?

What's gotten into him?

"Napaka bobo amp.." Sabi ko.

"Shh.." Saway ni Yza. Opx. Sorry.

"Gurl, gusto ko ding makilala ng maigi iyang si Seleno na 'yan."

"Seleno?"

"Yes, yun daw nick-name niya."

Umirap ako. Ang gwapo sana ng pangalan. Seleno? Kaso...

Gosh! I hate him!!

"Hay nako. Kalimutan na natin siya. Let's forget everything about him. Wala na akong pakialam sakaniya. Nakakainis siya!" Sabi ko.

"Hay nako! Mabuti pa ngaaaa!" Ani Yza.

"So, ano na? Naghihintay na si Dina at Brigs!"

"Tara na!!"

Wala kaming schedule ng class today pero pupunta kami sa School. May event kasi next week na kailangang planuhin. And kasama kaming mag to-tropa sa CSSG officer. President namin si Brigs. And yes, dito nabuo ang friendships namin lahat. Fresh na fresh pa diba?

Sinundo lang kami nitong si Maori, para syempre.. Tipid pamasahe. Ano pa ba silbi ng tropa diba?

Pagdating namin sa school ay dumiretso kami sa office of CSSG.

Nadatnan namin doon si Dina at Brigs, kasama ang ilang mga representatives ng bawat department.

"Hello!" Nagbatian ang lahat.

Umupo na kami sa mga upuan na nakapalibot sa isang oval table na malaki.

Dito namin gaganapin ang meeting.

"Hintayin lang natin yung bagong adviser ng CSSG." Ani Brigs.

"May napili na?" Tanong ko.

Tumango siya, "Yes."

Ang dati kasing may hawak sa CSSG or College Supreme Student Government ay
nalipat ng department. Tumaas ang posisyon niya. Kaya't kailangang palitan.

"Babae din?" Tanong ni Maori.

"I don't know?" Sagot ni Brigs. Bago siya lumingon sa may pintuan.

Maging kami ay napalingon sa pagbukas ng pinto.

And what the---

Kasabay lang naman ni Sixto si Seleno. They're talking about something and ang seryoso nila both.

"Girl, sinusundan ka.." Bulong ni Maori sa'ken. Inilapit niya pa talaga ang sarili niya eh.

Si Yza naman tumingin lang kay Seleno. Oo nga pala. Hindi niya alam na iyan yung pinag-uusapan namin kanina.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon