49

47 7 0
                                    

After ng breakfast sa bahay, we're now heading to my favourite place. Na ang tagal ko ding hindi napuntahan. Kung noon, na di pa ko Iglesia Ni Cristo, para sa akin doon ko nilalabas lahat lahat. Isinisigaw lahat lahat na walang huhusga dahil sa walang ibang taong nakakarinig. Ngayon na INC na ako, alam kong sa kapilya na ang dapat takbuhan. Panalangin na ang dapat kapitan.

But still.. I miss that place!

Nagkukwentuhan lang kami ni Seleno habang nagdadrive siya at nasa tabi niya ako. Naalala ko ang unang sakay ko dito noon, at ang mga ilang sakay ko dito noong nasa baguio kami.

Yun ang ilan sa mga napag uusapan namin ngayon. Those days. Good old days. Good dahil okay kami nun. Pero di hamak na mas good naman ngayon.

Parehas kaming natawag sa loob ng Iglesia. Nauna lang siya.

Napakabuti ng Diyos sa amin. Yun ang higit naming inaalala. Mga kabutihan ng Diyos sa aming buhay.

"Grabe! Dahil kinuha mo yung space na 'yun, na miss ko yun puntahan!" Sabi ko.

Tinutukoy ko yung resort niya ngayon na bakante noon.

"Don't worry. What's mine is yours." Kumindat siya.

At kinilig ako!

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

Hindi din ako agad nakapagsalita.

"Hanggang anong oras ka pwede?" Tanong niya.

Tinignan ko siya, "Am I a minor?"

Humalakhak siya,
"I mean.. Nagpaalam ako sa parents mo na dadalhin Kita ngayon and they seem okay kahit anong oras. Pero ikaw.. tinatanong kita."

"Maybe, 9 or 10?"

"Okay what time is it?" Aniya sabay tingin sa wristwatch niya na kulay gold. "It's just 10am."

Ang aga pa pala.

"Saan tayo magla-lunch?"

"Doon na sa resort. Nagpahanda na ako. And I will introduce you to my staffs."

"Sino yung nasa front desk? Ang cute niya!"

"Geneva? Yaaah! You met her nga pala. And you're with Vinno that time."

"Nagselos ka dun?"

"Dinibdib ko lang naman. Hindi ako nakausap ng staffs hanggang kinabukasan."

"Oh sorry na."

"Yeah, nakausap ko na din si Vinno about that. Tinanong ko kasi siya. And sagot niya lang na he's not interested on what and who's mine. Kahit nga daw noon wala siyang hilig sa business dahil into sports siya. Kaya galit na galit sa'kin nung nakaraan, kasi sakaniya napunta posisyon ko dun. Eh ayaw niya nun."

"Basta masaya ako na okay ka na sa kapatid mo. Okay ka na sa pamilya mo. I'm so happy. I really am."

"Thank you, Ania. Sorry kung natagalan ako. Nainip ka ba?"

Isiningkit ko ang mga mata ko, "Konti na lang mag mo-move on na ako."

"That's impossible, baby!" He giggled.

I know right!

I know right!!

Nang maiparke niya ang sasakyan niya sa parking lot ng resort niya, excitement ang naramdaman ko.

Finally! I will get to know his new world.

How can he run this beach resort?

Nakilala ko siya noon bilang school staff. Bilang batikan sa corporate world. And now, may sarili na siyang business. Yung siya lang mismo ang nagsimula. A beach resort! Ang galing!

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon