02

171 12 0
                                    


Lunch break namin. Nandito kami sa Usual spot naming magba-barkada. Ang may ari kasi netong University na aming pinapasukan ay boyfriend ni Maori.

Oo na may boyfriend yung babaitang iyon. At oo na, ako na ang wala.

Well, pati itong si Yza. Sabi kasi niya bawal pa sakanila, binhi pa daw siya, pag 18 above ka na, dun lang pwede.

Literal na LEGAL AGE sakanila yung 18.

Eh ako nga, 13 palang ako nagka jowa na ako.

"Anong ulam kaya nabili nina Maori at Sixto?" Tanong ni Yza habang hinihimas himas ang kaniyang tiyan.

Eto, ang slender ng katawan, pero puros pagkain naiisip.

"Feeling ko prito prito nanaman, fried chicken?" Sagot ko.

"Sabagay, ayoko din namang magsabaw ngayon. Ang init init." Ani Yza.

Oo nga, napaka init ngayon.

"Aircon naman dito ah?" Sabi naman ni Dina.

Tatlo kaming narito. Si Maori at yung boyfriend niyang si sixto ang nag order ng lunch namin. Namiss ko silang makita na naka school uniform. Huhu! White blouse and Gray pants. Oo, kahit pa first day palang ay naka complete uniform na kami. Ganto kahigpit itong University.

"Oo nga naman. Pero kasi, ang init parin. Gano'n na yung level. Di ka ba naiinitan?" Ani Yza.

Sumagot si Dina na ginagalaw pa ang mahabang buhok na nakalugay,
"Hindi eh?"

"No wonder nakalugay ka pa. Siguro kung nagtali ka na ng hair, do'n ko maiisip na naiinitan ka na."

Natatawa nalang ako sa sinasabi ni Yza. Ang cute niya kasing magsalita. Bagay na bagay sa height niya. 4'9 lang ang kaniyang height eh.

Eh kaming tatlo, Dina, maori at ako.. Halos pantay pantay. Naglalaro sa 5'3 to 5'4.

"Hmmm, nakakainis naman si Brigs!" Biglang sabi ni Dina. Nagtitili pa nga.

Kita kong hawak niya ang cellphone niya habang kilig na kilig sa binabasa.

"Bakit bakit?" Tanong ko.

"Pinadalhan daw niya ng flowers si mommy sa office."

"Woah?!" Naalala ko naman, never ginawa ni Brigs 'yon noon. Hindi nga kami legal kay mama eh. Takot siya.

"Oh? Legal na kayo?" Tanong ni Yza. Yan din gusto kong itanong kasi sa pagkakaalam ko, hindi din sila legal. Ayaw din nitong si Brigs.

Umiling iling si Dina, "Hindi. Kaya sinusuyo muna niya si mom by sending flowers. Ayaw pa niyang harapin. Naiintindihan ko naman rason niya."

Tumango-tango si Yza.

Ako, pilit kong kinakalma ang makulit kong isip. Argh! Bakit ganooooon? Hindi ako mapaniwala sa mga pa effort effort ni Brigs base sa kwento ni Dina?

Eh kasi nga last week nag text 'yon sakin, niyayaya niya ko for coffee.

Eh kilala ko yung lalakeng 'yon. If he asked you to have a coffee with him, tipo ka no'n.

Saka why would he invite his ex na hindi alam ng girlfriend niya? Oh dude, kahit pa sabihin niyang wala namang malisya na lalabas kaming dalawa, that's still considered as cheating. Kasi hindi alam ng girlfriend mo na nag iinvite ka ng iba.

Umiling ako sa naiisip ko.

"Malapit na nga pala monthsary namin ni Brigs." Ani Dina.

"Ilang months na nga kayo?" Tanong ko.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon