SPECIAL CHAPTER

43 8 0
                                    

Selenophile La Guardia's POV

A woman in elegant red gown.
My soon to be wife!

"Hey, Mahal.." Sabi ko. Sinalubong ko siya dito sa bungad ng resort.

Ikinapit ko ang braso ko sa bewang niya. Ang bango bango niya.

"Hi, Mahal!" Sagot niya.

Idinikit niya rin ang sarili niya sa akin.

"I miss you!!" Aniya. At ramdam na ramdam ko ito.

"I miss you too!" Sagot ko agad.

Miss na miss na miss ko 'to! Hindi ko na kayang malayo dito.

Kaya naman, mag po-propose na ako sakaniya. Ngayon din.

But first, uunahin kong ibigay sakaniya yung necklace from frandsofloVe. It's an "Ocean wave" shaped pendant.

Inilabas ko ito sa bulsa ko.

"Lithuania.."

Nakita niya agad na may inilabas ako sa bulsa ko. At halatang tuwang-tuwa na siya agad.

This girl can buy everything but I admire her for appreciating little things mula sa mga taong espesyal sakaniya.

Lucky and blessed to be one of her fave peeps!

"A necklace?" Sabi niya. Kumikinang ang mga mata niya.

I nodded, "Yes. For you, baby.." Itinaas ko ito.

"Waaaahh! An ocean wave pendant? I like the gold!"

"Yeah, alam mo? Sa tuwing maririnig o makikita ko ang mga alon sa dagat? Ikaw ang naaalala ko. I know na kahit gaano katagal, gaano kabagal, gaano kalayo, alam ko na worth it ang pagdating mo. Worth it ang paghihintay ko. And kapag dumating na, kapag malapit na sa'kin, I will treasure every moment na kasama ka. Because you are worth the wait. You are worth it."

Nakatingin siya sa akin ngayon na para siyang mababasag anytime, na kailangan niya ng suporta ko for her to stand. Well, hindi ako aalis, Ania. Ako ang pinadala ng Ama to support you for life.

"Ikakabit ko na ha?" Sabi ko. Para kasing wala siyang balak sumagot. Well she's overwhelmed I guess!

"Wait!" Nagulat ako sa sinabi niya.

Kumunot ang noo ko, "Why?"

"Seleno, I got you a necklace too."

Pagkarinig ko nun, naramdaman ko namang nang-init ang mga pisngi ko. I'm blushing hundred and one percent!

Buti nalang hindi pa gaanong maliwanag dito. Mula sa liwanag ng buwan at ilang led lights sa mga puno, nasisilayan ko ang ganda ni Lithuania. Ng future girlfriend ko.. ng future wife ko.

"Really?" Sagot ko.

Mula sa handy bag niya inilabas niya ang isang jewelry box na kulay black.

Dali dali niyang inilabas ang kwintas doon.
"Here oh! Crescent Moon shaped!" Aniya.

Kita ko nga ang Crescent Moon shape pendant nito. Gold din gaya ng ibibigay ko sa kaniya.

"Wow!" Wala akong masabi!

"Crescent Moon, kasi.. It's just.. tuwing nakatingin ako sa itaas kapag gabi. It's very rare for me to see a moon shaped like this. And kapag finally, natiyambahan na ganyan ang shape ng buwan, I get to be very happy! Parang tuwing nakikita kita? Lagi akong masaya. Mahirap lang kasi minsan naiisip ko paano kung sobrang saya ko sa ganun? Tapos ikaw makikita ko someday, na masaya sa iba? But God really is amazing! Alam Niya kung paano ibibigay sa iyo ang bagay na makapagpapasaya sa iyo. May sarili Siyang paraan. And now that you are very near to me? Pangako, mamahalin kita Seleno. Gaya ng buwan na kahit minsan hindi buo, kahit hindi ko tanaw. I was born to be faithful sa Ama, at sa iyo."

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon