07

128 6 0
                                    

"Lithuania?"

Pinunasan ko ang basang pisngi ko nang may marinig akong tinig sa paligid.

And familiar siya.

"Lithuania?" Tawag niya ulit.

And there, I saw Yza Manuel. My dorm mate!

"Yza?!"

Naglakad siya papalapit sa gawi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

And nakita ko ang ayos niya, naka suot siya ng dress tapos may bitbit siyang tote back. Kilala ko 'yan ah?

"Galing akong insayo.." Aniya.

Sabi na eh. Naka porma siyang pang insayo. Choir practice. Oo nga pala insayo nila, at kadalasan ay naglalakad lang talaga 'to eh?

"Bakit nasa labas ka? Tapos na ang event niyo?" Sunod sunod niyang tanong at parang nag-aalala pa.

Nilapitan niya ako.

Umiling ako bago suminghot, "Hindi pa."

"Lithuania, umiyak ka.. Kilala kita..."

Umiling ako, "Wala 'to."

Di ko na dineny, kasi talaga namang halatado pag umiyak ako. Kahit konti at saglit na iyak lang.

Ewan ko ba!

"Bakit?" Pangungulit niya. Hinawakan niya na din ang kamay ko.

"Naiiyak lang ako kasi.. Kasi nga si Daddy ikakasal na. Ang sakit lang." Palusot ko. Wala na kong balak pang i chika yung encounter namin nung Selenophile na iyon.

"Di natuloy plano niyo?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang tanging alam ko lang, ay naguguluhan ako. Hindi ko malaman kung gusto ko pa bang ituloy yun o hindi.

Kung tama ba yun o hindi.

"Yza... Hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa." Naalala ko nanaman bigla si Selenophile.

Yung pagpipigil niya.

Duh!

"Alam mo, kapag hindi ka kumportable sa isang bagay.. Huwag mo ng ituloy. Kapag nababagabag 'yang kalooban mo, ibig sabihin.. Mali 'yan." Napaka seryoso niya. Well.. That's Yza.

Natawa ako doon, "Well I guess, I still have my guardian angel behind me."

Umiling si Yza, "No. Sadyang may Diyos lang tayo na hindi hahayaang mapahamak tayo."

"So, hindi ko na itutuloy?"

"Ano ba sa tingin mo ang dapat?"

"Parang hindi ko gustong gumawa ng gulo ngayon. Pero kasi, kapag hindi ko ginawa ngayon, mawawalan ako ng pagkakataon. Baka.. Baka matuloy ang kasal nila. And hindi ko yun makakaya. Wala manlang akong ginawa."

Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ko bago nagsalita,
"Lithuania.. Sana maunawan mo itong sasabihin ko, Bilang kaibigan mo na rin... Kahit gano pa kasama ang sitwasyon at ang tao sa atin, huwag na huwag kang gaganti."

"Pero.. Kung di ako gaganti, sino gagawa no'n para sa'ken?"

"Lithuania, maniwala ka sa'ken.. Pero ako sumasampalataya na ang lahat ng nagaganap sa buhay natin ay kalooban ng Diyos. At Siya din ang bahalang bumawi para sa'yo. There's no good in such thing like revenge. Diyos lang ang may karapatang magparusa ng tao."

Eto nanaman.. Pag ito ang nakakausap ko talaga, di pwedeng di mabanggit ang Diyos.

At kapag nabanggit niya na ang Diyos, parang tumitiklop ako. Kasi... Diyos na 'yon eh? Tapos na ang usapan.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon