Ang ganda pagmasdan ng buwan. Bilog na bilog. Napapaligiran din siya ng mga bituin. Nagkalat sila sa kalangitan. Ang ganda!! Ang ganda ganda!!
Kaya naniniwala ako sa Diyos eh. Patunay lang ang lahat ng Kaniyang nilikha, para isipin ng tao na may nag iisang makapangyarihan na gumawa ng lahat.
O, Diyos. Pinaniniwalaan po kita. Naniniwala din po ako sa Inyong magagawa. Uh, opo wala akong kinaaanibang relihiyon, pero alam ko pong hindi ka po selfish para mag focus lang sa isang grupo, lahat po pakikinggan Mo. Lahat po gusto Mo makasama sa langit, dahil Ikaw po ang pinakamabuti sa lahat.
Totoo naman diba?
Pero bakit naisip ko si Yza, At yung kinaaaniban niya? Eh kasi sobrang pilit nila yun sa pag-aanyaya eh? Yung gusto nila yata lahat ng tao maging kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
Wala namang masama doon. Choice naman ng tao kung sasama sila eh? Pero ba't ang tiyaga nila Yza? Aaahh! Kasi nga daw, sinasabi nila, Iglesia Ni Cristo lang ang maliligtas.
Well pinaliwanag naman iyan ni Yza. Na pag sinasabi nila yun, hindi daw sila nagpapaka selfish o ano, kaya nga daw sila nag aanyaya habang may panahon pa eh. Kasi gusto nila na ang tao mapunta sa alam nilang ikaliligtas. Kasi daw kung ikaw ba alam mo na yung tama, matatahimik ka ba?
Minsan talaga nagtataka na ko bakit mas naaalala ko pa mga sinasabi ni Yza kaysa sa mga prof ko.
Well, oo, nagdadalawang isip din ako sa ideya na yun, yung sa sobrang dami ng relihiyon o sekta o grupo sa mundo, may nag-iisa bang totoo? Yung talagang sa Diyos? Yung SIYA mismo nagtayo gano'n? Yung sarili Niyang relihiyon?
Kasi naman, iniisip ko din ganto, diba nga ang daming nakatatag na relihiyon o sekta sa mundo, edi syempre iba-iba ang mga doktrina ng mga iyan, iba-iba ang paniniwala. Iba-iba pa nga kung sino ang tinutukoy na Diyos eh. Pero naniniwalang IISA lang naman. Yung sa pagkakakilanlan, doon nagkakatalo. Oh naiisip ko dun, lahat ba yun different ways leading to God?
Eh magkakaiba nga ng paniniwala. Magkakaiba nga ng tinutukoy na Diyos eh. So ano yuuuuuun? Saang Diyos sila mapupunta sa dulo? Kaninong Diyos?
Iisa lang ang Diyos, oo. Nagkakasundo doon ang marami. Pero sino yung relihiyon na nagtuturo ng tunay na kalagayan o pagkakakilanlan ng tunay na DIYOS na nag-iisa?
Kasi aaaaggghh!! Naguguluhan talaga ako. Payag ba ang Diyos na ma misinterpret ng IBA Niyang lingkod ang pagka Diyos Niya, ang kalagayan Niya? Tanggap Niya na ba yun? Na basta alam nilang Iisa Siya, pwede na. Tanggap na sa langit basta sumasampalatayang may iisang Diyos. Gano'n kaya?
At bakit ako ganito mag-isip? Bakit?
Hayz! Nahahawa na yata ako kay Yza. Bukambibig niya puro ganyan eh.
Umiling iling ako. Walang makakasagot sa mga tanong ko dyan. Saka kung may makasagot man, baka di ko din paniwalaan, kasi malay ko ba kung totoo yun o hindi diba. Hayaan na natin ang bagay na iyan. Ang mahalaga ay sumasampalataya ako na may Diyos na nag-iisa.
Bakit naniniwala ako na nag-iisa Siya? Kasi ano, feeling ko pag madami sila, baka mag agawan sila trono, tapos syempre anong mangyayari sa mundo? Syempre walang gano'n. Isa lang ang Diyos. Siya ang pinaka perfect sa lahat. Pag Diyos ang usapan, walang imposible, walang katulad. Nag-iisa. Kaya alam ko ISA lang talaga siya.
Umupo ako. Pinagpag ko ang likod ng ulo ko, may konting buhangin eh. Gano'n din ang upper and lower back ko. Kinuha ko ang coffee sa tabi ko. Ayst! Lumalamig na!
Uminom ako. Aaaahhh! Perfect place for a cup of coffee!
May napansin akong maliit na kulay puting bato sa may paanan ko. Pabilog ang hugis nito. Ang cute! Kinuha ko ito, atsaka inikot ikot sa kamay ko. Sing laki siya ng piso. Ang lamig niya. Binulsa ko ito.
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
De TodoSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...