11

129 4 0
                                    

"Jacco? The star player ng soccer team ng school?" Tanong ni Yza.

Kasalukuyan kaming naghahanda para matulog.

Nagsusuklay ako ng basa kong buhok, siya naman nag lo-lotion. Naka balot pa ng towel ang ulo niya. Nauna akong maligo kaya mas nauna kong naalis ang towel sa ulo ko.

"Yes. And ang bango niyaaaaaa bes!" Sabi ko. Ewan pero hindi naalis sa ilong ko ang amoy niya. Anytime ay naaalala ko na parang nandito siya.

Well, Jacco, pogi nga yun. Kaya nga kilala ko eh? Kilala siya sa school.

"Daming nagkakandarapa dun diba. Ingay sa may field tuwing practice nila. Mas maingay pa sa court."

"Uy umiingay din naman sa court kapag naglalaro si Sixto." Sabi ko.

"Well, di na masyado ngayon. Dahil pag nanunuod si Maoriya, sinasamaan niya sila ng tingin haha!"

"Kahit kay Brigs may mga nag chi-cheer sa court eh."

"Oo, at inis na inis sa gano'n si Dina diba?"

"Oo! Sobra maapektuhan yun si Dina pag may nagkakagusto sa jowa niya."

Napatango ako doon at naalala ko nga na kakaiba ang kilos ni Dina towards me. And it's so nakaka bother!

"Yza, may sasabihin ako sa'yo.."

Kita ko namang lumingon siya sa akin habang inaalis niya ang towel sa buhok niya. Tumayo siya. Sinundan ko siya ng tingin hangga't maisabit siya ang towel sa may sampayan. Atsaka naglakad palapit sa akin.

Umupo siya sa tabi ko.

"Ano yun?"

I love the way she is. Ang sweet nung lumapit pa siya sa akin.

Tinignan ko si Yza. Hanggang balikat ang buhok niya. Pink ang lips niya kahit hindi ito patungan ng kung anong inilalagay sa labi. Maliit ang mukha niya. Manipis ang kilay niya pero bagay naman kahit hindi patungan ng lapis. Maliit ang matangos na ilong. May cheek bone siya at may dimples! Ang cute cute!

"Hey..." Sabi niya.

Malambing din ang boses niya. She has this angelic voice! Yung akin kasi parang naghahamon ng digmaan.

Natawa ako bago nagsalita, "Kasi.. hihingi lang sana ako ng advice."

"Anong klase?"

"It's not about love life. Kasi alam kong wala kang alam doon. Diba sabi mo BINHI ka pa, and golden rule sa inyo ang pag-aaral muna bago pag jojowa." Sabi ko.

"Uy! Itinuturo din naman sa amin kung paano ang dapat mangyari o gawin patungkol sa love life na iyan!" Aniya.

"Ay sorry. Oo na! Pero hindi talaga about lovelife. Hmmm.."

"Ano pala?"

"It's about uhm, my self? Lagi kong kalaban ang sarili ko Yza. Alam mo iyan. Palagi akong malungkot. Gabi-gabing umiiyak. Hindi malamang dahilan or baka sa sobrang dami ng dahilan, hindi ko na alam ano talaga nakaka apekto ng sobra sa'kin. I have no peace inside me.."

Tumatango-tango lang siya.

"... Parang pasan ko ang mundo. Nobody's listening. It's like I'm shouting for help but no one's around so no one's gonna help me, gano'n. I'm always in pain kahit na alam kong nandyan kayo para damayan ako. Kinakawawa ko ang sarili ko. Pero hindi ko mapigilan eh? Sarili ko kinakalaban ko."

"Alam mo Lithuania? Isang pagsamba lang ang katapat niyang pinagdadaanan mo."

"Huh? Pagsamba?"

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon