09

144 7 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit parang naging okay ako matapos ang girl bonding namin ng tropa. Alas sais kinse na kami nakauwi ni Yza dito sa dorm. Dumiretso na din kami sa kwarto dahil kumain naman kami kanina sa Jollibee kanina.

Favourite naming mag to-tropa yun dibaaaa. Kaya ang saya saya!

Iba magpasaya si Jollibee!!

"Saya natin ah?" Bati ni Yza sa akin. Kalalabas niya galing banyo. Naligo siya. Kasalukuyan niyang pinupunasan ng towel ang basa niyang buhok.

"Ako? Medyo.." Tugon ko.

Nagbabasa kasi ako ng mga comments doon sa profile picture ko na kapapalit ko lang kanina. Picture ko kahapon. Si Maoriya ang kumuha. Yung habang naglalakad ako sa gitna. Hawak ko ang gown ko. Yung habang nagsasalita si Christy sa harap hahahahah!

Kinunan pala ako noon ni Maori. Nakatingin ako sa nga tao at nakangiti na parang nagtagumpay HAHAH!

Eh kasi naman, nakuha ko naman talaga ang atensyon no'n. Well, maliban kay pesteng Seleno na tanging kay Christy nakatanaw.

Well, I don't care! Ang ganda ng kuha ng litrato!

"Sus! Sana ganyan ka lagi! Nakangiti!" Ani Yza. Nakaupo na siya ngayon sa kama niya.

Humalakhak ako, "Gan'to naman ako ah!"

"Sus! Palagi ka kayang malungkot." Aniya.

"Thank you, dahil napapansin mo iyon mahal kong kaibigan. Subalit ayokong magdrama ngayon, kaya't tigilan mo iyang topic na iyan. "Sabi ko naman.

"Yiiieee!! Oo na!!"

"Good."

Humiga siya sa kama at kinuha din ang cellphone niyang nakalapag doon.

Naging busy kaming dalawa sa pag ce-cellphone.

Busy lang ako sa pag i-scroll up and down sa FB feed ko. And to my surprise....

Nasa people you may know lang naman ang pangalang Selenophile La Guardia, at larawan niya din dito na Black 'n white ang filter. Naka side view siya at halata kung gaano ka ayos every details ng mukha niya.

WAIT? WHAT? Bakit ko ba siya napupuri nang di ko namamalayan?

Itinaas ko ang kanang kilay ko bago ko pinindot ang pangalan niyang naka bold. Hindi ako stalker. Curious lang ako.

Wait, tamang term ba yung curious?

Well oo nalang. Kasi naman... May kaugnayan siya doon sa babaeng gustong gusto kong pabagsakin.

Nang mapunta ako sa timeline niya. Nabasa ko ang bio niya.

Broken 🥀

Iyan. "Broken" Tapos may emoji sa tabi na rose tapos nalalaglag yung petal. Lamniyoyun? Eto oh " 🥀"

Kita ko ding may mga connected accounts siya like twitter and IG.

Una kong pinindot yung DP niya. Dun ko malalaman kung famous siya sa Facebook. And oo nga! Dahil 1.2k ang lahat ng reactions noong single photo na iyon. And take note, mas madami ang pumuso.

Hindi naman ka puso puso para sa akin!

Ibinaba ko lang hanggang sa makita ko ang picture niya with his Daddy.

Wait, kaya binitawan ni Vinnolfo La Guardia ang posisyon niya sa group company nila with daddy, ay dahil tatakbo siya sa pagka mayor sa darating na halalan?

Daddy nila yung Vinnolfo. And kilala ko siya.

Sino nga pala ang papalit doon sa posisyon niya? Nag-aaral pa si Vinno. And itong si Selenophile.. May trabaho na.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon