43

59 8 0
                                    

"Ania, ready ka na ba bukas sa paghaharap niyo ng Ka Avery Gail?" Tanong sa akin ni Yza.

"Uh, actually kinakabahan ako." Sagot ko.

Hinalo ko ng straw ang iced coffee na nasa harap ko. Kita ko ang buo buong tubig na nasa labas ng cup. Majineeet kaya iced ang in order ko.

Nandito kaming mag kakaibigan sa Eenchi's Coffee shop. Pag-aari ito ng Anak ni Avery Gail Evans. Yung taong tagal ko ng hinahanap. For my Mom. Maraming chances naman na dapat kaming mag mi-meet 'coz she's close to Yza naman pero laging di natutuloy. Minsan busy siya, madalas ako. Pero finally bukas! Magkikita na sila ulit ni Mom. At may pupuntahan daw kami. Bonding maybe?

"Mas nakakakaba parin nung unang beses akong ipakilala ni Eenchi bilang girlfriend niya ano!" Sabi niya.

Natawa kami nina Mao at Dina sa tinuran ni Yza.

Oo, ang boyfriend ni Yza ay yung may-ari ng Coffeeshop na ito. Mag iisang buwan na sila this month. At ang Yzavania, todo isip kung paano sila magce-celebrate.

I rolled my eyes sa isipang iyon.

But,

I admire them as a couple for being so sure. Sooooobrang lantad o bulgar sila, going here and there shouting and showing how much they love each other. Di ko nga alam kung matutuwa ba ako, part of me want to suggest na mag hinay hinay si Yza, kasi first boyfriend niya eh. She's totally inlove right now. Baka mamaya eh sobra siyang masaktan. Pero naiisip ko nalang Eh ang mahalaga, same sila ni Eenchi. Napaka sweet naman din nun sa kaniya eh. Kaya nga siguro siya ganyan ka confident.
Sana all nga eh.

I've never been in a relationship na ganyan ka kilig o ka saya. Yung mga pasts ko, wala naman mga 'yun eh. Ngayong adult na ako, ni hindi ko nga ma consider sila bilang mga ex ko. Hahaha! Buhay ko naman 'to eh! Pag sinabi kong di ko sila ex, di ko sila ex. HAHAHA!

No serious feelings involved naman eh. But I remember crying because of small things before patungkol sa mga 'yun. Gosh!

Nagsitayuan mga balahibo ko! Cringeee!

Di ako yooooon!!

Anyway, Yung branch neto sa baguio, 'yun yung pinuntahan namin ni Seleno noon kung saan kami huling nag-usap.

Ewan ko ba. Nakakatawa lang na bakit ang liit liit ng mundo. Konektado sa buhay ko ang mga bagay bagay.

"Hayyy!! Nag post nanaman si Eenchi!! Naka tag ako sa isang post. He sees me daw as his future huhuhu!" Sabi ni Yza.

Umiling ako.

"Hayyyy!! Soooobrang inlove ang kaibigan natin." Sabi ni Dina. "Ganyan din kami ni jowa noon."

"Oo nga!! I remember nung bago bago palang kami ni Sixto!!"  Sabi naman ni Mao.

"So ako yung walang entry?" Bigla kong nasabi.

Nagtawanan kaming lahat.

"Hindi mo kasi sinagot yung anak ng governor ng baguio eh!" Sabi ni Dina.

"Si Rex? Jusko! Nagdrama nga 'yun sa'kin nung isang araw na hanggang ngayon nangungulila parin siya sa late ex-girlfriend niya."

"Grabe! Kinikilabutan ako!" Niyakap ni Dina ang sarili niya.

"Oo!"
Hay nako ako rin, talagang kinikilabutan. Dahil soooobrang loyal naman ni Rex. Ilang years ng wala yung babae. Aaaat, sabi na nga ba! Infatuation lang naramdaman nun sakin letse siya! Mabuti nalang at hindi ako nahulog dun.

Teka, do I still consider myself lucky?

I giggled.

Eh hanggang ngayon nga hulog parin ako sa taong, buhay nga, di ko naman makuha.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon