"Anak, maraming salamat, dahil sa'yo magkakaroon ako ng pagkakataon na makaharap muli si Avery. Makakapamuhay na ako ng payapa at hindi binabagabag pagkatapos nito."
Ngiti lang ang itinugon ko kay Mommy.
Ramdam ko na sobrang masaya siya. At masaya ako para sa kaniya. Buong buhay niya, nabubuhay siya sa nakaraan dahil nagsisisi siya sa mga masasamang bagay na nagawa niya noon sa isang tao. Masaya ako na bilang anak niya, natulungan ko siya para magkaroon siya ng pagkakataon na ayusin lahat. Para sa ikapapayapa na rin ng kaniyang kalooban.
Lahat gagawin ko para sa iyo, Mom. Ipaglalaban ko ang kasiyahan ng pamilya natin.
Nandito kami sa salas, hinihintay ang text ni Ka Avery. Yza told me to approach her like that. Ganu'n daw kasi ang tawag niya. Edi sige.
"Hindi ba sasama si Daddy?" Tanong ko.
"You know your Daddy is a busy person. Buti nga eh yung pangako niyang date namin every saturday night, laging natutuloy." Sagot ni Mommy.
"I'm a busy person too, Mom. You now, I'm now a loss in the company." Sabi ko.
"Hayaan mo na siya. Eh hindi ko nga alam kung saan tayo pupunta eh. But, It must be something elegant, kasi pinag dress tayo eh. I wonder how wealthy Avery became."
"They run an icecream parlour na lumaki hanggang sa nagkaroon ng different branches nationwide. Her first son managed to build a coffee shop, too. And their businesses are doing fine, pero mas mayaman pa rin tayo. We own a corporation, Mom."
"Up until now, I'm still confused what wealth really is."
"Wealth?"
I suddenly got confused too. Ano nga ba talaga ang kayamanan? Ang pamilya ko, ginugugol ang buong buhay para mapalago ang kumpanya na pinaghirapan pa ng mga ninuno ko. Para eto, magtamasa kaming mga henerasyon nila, ng magandang buhay.
Masaya naman kami.
*phone beeps*
Binasa ko ang text.
"Mommy, tara?" Yaya ko kay Mom.
"Nandyan na sila?"
Tumango ako.
Nakasuot ako ng Maria Lezia Brand na Midi dress. Kulay dark green na floral. While my mom is wearing a body con dress, may cardigan din siyang nakasabit sa kamay niya. Baka daw kasi lamigin siya, anong oras na kasi. It's 6:35 ayon sa wristwatch ko.
Paglabas namin ng Mansion, nakita ko agad ang isang Van na kulay black.
"Di ka magdadala ng sasakyan?" Tanong ni Mommy.
"Sabi ni Tita Avery, siya din daw maghahatid sa'tin pauwi eh." Sagot ko.
Nakita kong bumukas ang pinto ng Van sa harap at bumaba ang isang mid woman na shoulder length buhok. Naka suot ng White body con dress, and as I observed it, Maria Lezia brand ito dahil may ganyan ako kulay Mustard yellow.
"Avery Gail?"
Umangat ang kilay ko nang marinig ko si Mommy na binanggit iyon.
"Heyyy!! Lucila!!" Bati naman nito.
Oh, Is she?
"Hi Tita!" Bati ko nalang paglapit niya.
"Hello, Dear Maria Lithuania, tara?"
Sa bihis ni Tita, alam ko na kung saan kami pupunta.
Nakatanaw ako ngayon sa gusali na minsan ko nang napasok, noong isinama ako ni Yzavania duting their prayer meeting noon bago kami umuwi sa dorm, college days.

BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
AcakSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...