37

96 7 0
                                    

Ibinaba ko ang cellphone ko. Ibinalik ko ito sa bulsa ng jogging pants ko. Tumawag lang si Mommy na kailangan kong makabalik sa Mansion ng bago mag alas syete ng gabi. It's okay. Alas Sinco Kinse palang naman  ng hapon.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Puting buhangin na ang naaapakan ko kaya't alam kong malapit na ako. Nakikita ko na din ang mga ibon na lumilipad, nagpapakalaya sa  himpapawid sa ibabaw ng asul na dagat.

Tinatahak ko ngayon ang daan papunta sa isang public beach dito sa iba. This is my second time na nagawi dito sa lugar na 'to after I went back here in Zambales.

Bumagal ako nang marinig ko na ang mga alon ng tubig. At halos humiyaw ako nang maaninag ko na ang wari'y mga kristal na tubig. Ang ganda ganda! Hindi ko deserve ang ganitong tanawin!

Kumikinang ito dahil natatamaan pa ng matinding sikat ng araw. Anywys, I am here to watch the sunset. Nag jog lang ako papunta dito. I'm wearing a sports bra only.

Noong unang balik ko din dito, pinanuod ko din ang sunset. Hinding hindi ako magsasawa sa sunset. Dati sunrise lang gusto ko eh, ngayon.. well.. people change.

Tahimik ang paligid. Tanging paghampas ng alon sa dalampasigan  at ang huni ng mga ibon ang maririnig.

Maging ang private beach na malapit dito ay tahimik rin. Mabuti at walang tao dito. Gusto kong mapag-isa.

Huminto ako sa paglakad nang may makita akong kahoy. Medyo hingal pa akong umupo doon. Bumagsak sa buhangin ang mga paa ko.
Tinignan ko ang mga pagod kong sapatos.

Napagod ako sa pagtakbo! But I need to do a regular exercise. Wala pa akong time magpa enroll sa gym, at hindi ko alam kung magkakatime ba ako, kaya eto manlang pagtakbo ay nagpapakasipag ako.

Tinignan ko ang dulo ng dagat. Ang sarap sarap titigan ng dagaaaaaat!

Okay lang tumakbo, basta beach ang dulo. Beach hihinto. Kasi deserve mo ng ganto kasarap na hangin at ganto kagandang view after mo mapagod tumakbo!

Haayyy! Nag crave ako sa ganitong sceneries! Na miss ko ang Zambales!

Pero syempre nakakamiss parin sa Baguio, lalo na pati mga tao doon dumadagdag kaya nagiging espesyal ang lugar nila.

Si Rex, haayyy.. Napailing ako.
Si Rex na masugid kong manliligaw. Natatawa ako!

Hanggang ngayon pinadadalhan ako ng bulaklak sa bahay. Natutuwa ako, oo. Pero iba eh? Nirereject ko siya eh pero hindi tumitigil eh? Hindi ko nga alam kung jinojoke nalang ba ako nun at inaasar eh?
Hindi naman siya makulit. Hindi na naulit yung nangyari sa CSSG office na tinanong niya ako ng gano'n. Actually nagka time kami mag bond tatlo nila Kath sa Baguio during school days eh. Pero ang nararamdaman ko talaga ay di magbabago. Kaibigan lang ang turing ko sa taong 'yun. Kung ano ang tingin ko kay Kath ay ganoon din sakaniya.

Ang effort lang talaga niya. Hindi ko alam kung may patutunguhan yung sinasabi niyang panliligaw niya.

Mahuhulog kaya ako sakaniya?

Diba may mga gano'n naman?

Yung kahit hindi mo gusto ang isang tao, magugustuhan mo kapag .. uh, kapag tumibok ang puso?

Eeehh kasooo nga! Sa isa padin tumitibok ang puso ko. Ang puso kong walang balak mag move on.

I remember Kath. Hindi ko manlang nasabi na huminto na si Selenophile sa panliligaw noon pa. Hindi talaga ako nagkwento. Kahit kay Rex. Alam nila na kaya si Seleno parin ang gusto ko ay dahil nanliligaw padin ito. 2 years na t3h? Eh balak ko na ngang sagutin 'yun agad noon.

Kaya itong si Rex, ang alam niya nakikipag kumpitensya siya.

Nako! Dapat ba sinabi ko para huminto siya?

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon