Pamilya.
Pitong letra.
,
Buong pamilya.
Dalawang salita.
'Yan ang pinaglaban ko noon. Maraming kinaharap. Maraming pagsubok na pilit nilampasan. Nangangarap na tuparin ng Diyos ang mga hiling sa dagat na sana.. maging maayos ang aming pamilya.
At hindi ako nabigo.
Dahil buo kami ngayon.
Umaayos na ang relasyon ng Mommy at Daddy ko. They're starting from the bottom again. Nagliligawan ulit, I guess.
Hindi nga talaga madaling ibalik ang samahan na sinira ng panahon at maraming bagay. Ilang taon din akong naghintay para makita ulit ang mga titigan at ngitiang ganyan ng Mommy at Daddy ko.
Nandito ako sa salas, at nakikita ko mula rito ang mga magulang ko. My Mom is cooking, while my Dad is hugging her from the back. Nag kukulitan sila. Yung mga maids eh nakatayo lang doon at pinagmamasdan sila. Gaya nila, kinikilig din ako.
Humigop ako ng kape sa tasa, atsaka ngumisi.
Hindi nag office ngayon si Daddy at hindi rin niya ako pinapasok. Mabuti nalang at katatapos lang naman ng Monthly report. Meaning eh hindi naman gaanong busy. May sasabihin daw siya sa amin. Naghahanda nga sila ng dinner namin.
Ang Lolo at Lola ko na nasa states, tumatawag lang sa amin madalas.
Kaming tatlo lang ang narito sa bahay at sobrang nakatulong naman dahil nagkaroon kaming tatlo ng oras para sa isa't-isa.
Kung noon itong malaking bahay na ito, ramdam ko na sobrang malawak dahil halos hindi kami nagkaka kitaan. Sinasadyang hindi magkita.
Pero ngayon? Pakiramdam ko napakalapit na namin sa isa't-isa.
At sa pinapanuod ko ngayon, isa lang ang masasabi ko..
SANA ALL.
SANA LAHAT.
Sana all may kayakap.
Sana all kasama 'yung mahal niya.
Sana all mahal ng mahal niya.
Sana all talaga.
Yung couple na naglalambingan sa harap mo.
This view maybe a paradise, but on the other side, parusa sa akin.
"I really.. miss you, Seleno." Bulong ko sa sarili ko. Atsaka ako nagpakawala ng hikbi.
Why is this happening to me?
Bumabalik yung pakiramdam ko noon.
Kung gaano kasakit yung kinakaharap kong pagsubok noon, sa pamilya, gano'n yung nararamdaman ko ngayon.At hindi lang..
Hindi lang..
Kasi mas masakit.
Seleno, I still love him.
I really do.
Bumibigat ang paghinga ko.
Itinakip ko ang likod ng palad ko sa bibig ko. Dahil tuloy tuloy na ang agos ng luha ko.
Ang sakit.
Bigla ko siyang naalala.
Yung mga panahong masaya kami.
Magkasama kami.
Those times were extra!
Miss na miss ko na siya :—((
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...