"Kath, pa'no ka na inlove?" Tanong ko. Gaya ng tanong ko kay Mommy kagabi.
Kita ko namang hinigpitan niya ang kapit niya sa totebag bag niya. Naglalakad kami ngayon palabas ng campus. Tapos na ang klase namin ngayong araw.
She's slender. Hindi mo mapagkakamalang may anak at asawa na siya.
Kita ko ang pag ngisi siya sabay iling.
"Ako? Highschool ako no'n. Magkaklase kami ni Dan. Nasa high rankings nga kami eh. Naglalaban kami sa highest honor, minsan pareho kami."Tumatango lang ako. Pinagmamasdan ko siya. Oo, matalino nga ito sa klase si Kath. Swerte ko nga't siya ang naging kaibigan ko dito. Magtatatlong buwan na ako dito sa DGU baguio. Iba padin sa dati kong school, the environment and its people. Pero nasa school naman ako para mag-aral kaya walang dapat ireklamo. I miss them but this is for the best. Same lang ofcourse ng quality ng learnings sa DGU Zambales at DGU Baguio.
"No wonder na nainlove nga kayo sa isa't-isa." Sagot ko kay Kath.
"Pag matatalino, tanga sa pag-ibig."
Nagulat ako. Pero parang may tunog pagsisisi sa bawat salitang binabanggit niya.
"Hindi naman siguro, nagmahal lang kayo."
"Yung anak ko, si Rica, 3 years old na siya."
"Uy oo nga! Nakabili na ako ng gift for her!" Masigla kong singit.
"Oo nga. Simpleng handaan lang."
"Ano ka ba, okay lang 'yun. Ang mahalaga babaunin nung bata yung alaalang yun hanggang pagtanda niya. Ang mahalaga buo ang pamilya niyo at masaya kayo.."
Natawa siya atsaka umiling. Kumunot ang noo ko pero tumawa nalang din ako.
"Haha! Oh bakit?" React ko."Masaya? Oo, minsan. Pero iba kasi eh.. Yung hindi naman pinaghandaan. Aksidente lang din na nabuo siya. Inlove kami nung mga panahong 'yun pero hindi kami nag-isip. Hayy.. Mas deserve niya pa sana yung mas maayos na buhay. Yung pamilya na, pamilya nga talaga. Yung naninirahan kayo sa tahanan na pinag-ipunan niyong mag-asawa. Yung makikita mong nakasabit dun ang mga litrato na graduate kayo ng college pareho. Yung may sarili kayong sasakyan na ipinundar niyo mismo. Yung tahanan na pangarap ng lahat. Kasi ngayon? Hindi gano'n."
Yumuko ako. Nabanggit nga niya na nakatira sila sa bahay ng pamilya nila Dan. Oo nga't wala pa silang sariling bahay, at hindi pa sila nakapagtapos ng pag-aaral.
"Hindi sana nahihirapan ngayon si Dan na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho."
"N-nagsisisi ka ba?" Tanong ko.
Umiling siya, "Hindi. Pero nanghihinayang? Oo."
"Bakit?"
"Madami sanang mas magagandang bagay ang nangyari at mangyayari kung hindi kami nagkamali sa mga pasya namin noon. Hay!"
"Kunan mo nalang ng lakas si Rica. Napaka cute nung batang 'yun!" Sabi ko nalang.
Hay, buti nalang nakakapag voice out si Kath. Ako kasi hindi ko kayang magsabi sa iba ng nararamdaman ko o naiisip ko lalo pag kalungkutan ito.
"You're strong." Sabi ko pa.
Ngumiti siya, "Salamat, Lithuania.. Kaya ikaw.. naku! Pag nagka boyfriend ka, huwag kayong magmamadali ha?"
"Naku, oo naman."
"Madaling magsalita pero pag nando'n ka na mahirap na.." Aniya.
"Haha! Oo!"
"Sa mga unang buwan ng relasyon niyo, talagang buhay na buhay yung mga sex hormones. Huwag kayong papadala doon ha?! Huwag na huwag kang papayag pag sinabi niyang magkulong kayo sa kwarto, Huwag kang maniwala sa sasabihin niyang mag-uusap lang kayo." Aniya tapos nagulat ako nang kumindat siya.
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...