Nandito ako sa mall, I'm with Dina and Maoriya. Si Yza, hindi sumama sa amin. Pag masama ang layunin ng aming lakad, excuse 'yon palagi. Okay lang. Para kahit papano may banal sa tropa. Balance parin.
"Girl, wear red!" Ani Dina sabay taas nung daring dress na nakasabit doon.
Umirap ako, "Gurl, para naman akong mang-aakit niyan."
"Black!" Sabi naman ni Maori, sabay pakita nung black dress na backless.
"I like it gurl! Kaso parang ang common nung black na kulay."
Gusto ko yung something na simple pero sinisigaw no'n yung hate ko sakanila.
Oo, naghahanap ako ng outfit na isusuot ko sa engagement party ng Daddy ko with His Babae.
"Wait girls..." Sabi ko tapos kinuha ang phone sa bag.
Tinawagan ko yung secretary ni Daddy.
Ilang ring palang naman ay sinagot na."Hello, Mr. Fortt?" Bati ko
"Yes, Ma'am Maria Lithuania?"
Oh, I really like the way he call me with my first and second name. Napaka formal.
"Alamin mo nga kung anong kulay ng dress ang isusuot ni Christy sa party bukas ng gabi."
"Ni Ma'am Christy po?"
Ayun si Christy. Yung bagong aasawahin ni Daddy.
"Yes. And please, wag mong i Ma'am. Dahil gagawin ko ang lahat para di matuloy ang kasal." Sabi ko naman.
"Ma'am Maria Lithuania, kung ano man po ang masama ninyong binabalak ay huwag na ninyong ituloy.. Magagalit lamang si Director Gabrella."
"Secretary Fortt. Kelan pa ko nagka pakialam sa galit ni Daddy? Basta ang tinatanong ko ano ang kulay ng isusuot ni Christy!"
"Ah-- Sige sige po!! It.. Itetext ko po maya maya."
"Ngayon din. Hihintayin ko in one minute."
Sabi ko sabay pinatay ang tawag.Mabait 'yang si Secretary Fortt. Close nga kami nyan eh. Hindi ako matitiis nyan.
At ayun nga, wala pang isang minuto ay nag text na. So she's planning to wear a violet dress huh?
"Girls, hanap tayo ng violet dress. Go go go!" Sabi ko kina Dina at Maori.
At ang ending... Nakahanap nga kami. It's a long dress. Abot sakong. Hapit siya sa katawan ko. And open ang balikat. Pa V line ang harap. Wala namang makikita, oo na flat chested ako.
Saka mas okay 'yon sakin. Mas hot tignan kapag V line sa harap tapos walang cleavage na nakikita. Wala.. for me lang ha.
"Sobrang bongga nito sa'yo gurl!" Ani Dina. Nandito kami sa fitting room. Katatapos kong sinukat yung dress.
And Oo nga, bagay na bagay sa'kin.
Bongga!!!
"Yza, ako na magligpit ng pinagkainan." Sabi ko. Katatapos lang naming mag dinner ni Yza. Nasa dorm na ako ulet.
Nag volunteer nakong magligpit dahil siya naman ang naghanda ne'to. Pag-uwi ko kanina, nakaluto na eh.
"Sige sige!" Kita ko ang paghilot niya sa kaniyang braso. Nabanggit niya kanina na hindi okay pakiramdam niya eh. Feeling ko nga magkakasakit siya.
Pero, nag-aalala ko.
"May lakad ka ngayon?" tanong ko."Ah yes. May Panata kami. 8pm" Walang pag-aalinlangan na sagot niya.
Sinilip ko wristwatch ko,
"Oh? 7pm na. Gayak ka na." Sabi ko. Alam ko naman kasing kahit pa may nararamdaman siya ay dadalo parin siya doon. Sabi kasi niya noon DOON NIYA NA IAALAY ANG BUHAY NIYA, KAHIT PA DOON MISMO SA PAGLILINGKOD SIYA ABUTAN NG KAMATAYAN.Sa ilang buwan na naming pagsasama sa dorm na ito ay nakakasanayan ko na ang mga termino na ginagamit nila sa kapilya nila.
Panata ay yung pananalangin na may nakatakdang oras.
"Osigi sigi." Aniya. Kita kong dumiretso na siya sa aming kwarto.
Ako naman, dumiretso sa lababo, maghuhugas ng plato. Hahahah!
Oo nga pala, yung daddy ko.. Oo, director siya ng company ng family nila. Iniwan niya kami noong bago pa ako mag graduate ng Elementary. Hindi ko alam. Bata pa ako no'n. Ang napansin ko lang noon, ay lagi silang away ng away ni mama.
Sinusustentuhan niya naman kami ni mama. Pero naiinis parin ako sakaniya. Kasi kung noong bata pa ako, parang okay lang sa'kin na wasak kami. Kasi di ko naman naiintindihan. Pero ngayong tumatanda na ako, naiintindihan ko na na mali si daddy. Mali na dahil lang sa kung anong dahilan noon ay iiwan niya kami.
Hindi kami okay ng daddy ko. Kinakausap ko siya kapag kailangan lang. Kapag nagpupumilit siya or kapag may importanteng bagay na pag-uusapan.
And sila ni mama? Talagang wala na. Hindi manlang sila gumawa ng paraan noon para maging maayos pamilya namin.
Ipinagkait nila sa'kin ang masaya at buong pamilya, habang lumalaki ako.
Oo na, kabaliktaran ko si Yza. Kung siya laging positibo, ako... eto, kahit yata positibo nagagawa kong negatibo.
After kong maghugas ng plato ay paalis naman si Yza. Nakasuot siya ng floral dress, tapos doll shoes.
"Dalagang pilipina yeah~" Kanta ko nang masilayan ko siya.
"Dalagang Iglesia Ni Cristo yeah~" Sabi niya naman.
Natawa ako doon.
"Sige Ania, labas lang ako saglit ha. One hour lang akong mawawala."
"Sige! Mag cellphone lang ako." Sabi ko.
Tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Ako naman tinungo ko ang kwarto, humiga ako sa kama ko.
Dalawang double deck ang narito sa kwartong ito. So bale, tig isa kami. Sa left side sakaniya. Right side sa akin.
Maganda itong dorm na nakuha namin dahil bukod sa hindi masyadong mainit dito ay sagana pa sa tubig.
Tubig is life eh.
Tiles din ang aming tinatapakan at talagang ang seguridad ng compound ay maaasahan. Halos puros estudyante kaming narito sa compound.
Hinila ko ang kumot ko na napunta sa may paanan ko. Naramdaman ko naman ang cellphone ko sa may braso ko. Inalis ko ito sa saksakan.
Isa pang maganda dito, bawat kama may katabing saksakan. So anytime pwede ka mag charge hehehehz
Hmmmm, ano kayang gagawin ko?
Ayoko pa ituloy yung binabasa kong story sa wattpad. Ayokong tapusin eh huhuhu feel meeeee?!
Kaya ang ginawa ko, nagbukas nalang ako ng aking data connection. Agad namang nag litawan ang mga notifications mula sa iba't - iba kong social media accounts.
Una kong binuksan ay ang facebook. At nagkalat sa newsfeed ko ang posts about sa Foundation day ng DGU. My school. Dela Griego University.
Oo nga pala 'no. Sunod sunod nanaman ang event nyan. Wala nanamang mga klase! Hahahah!
Dela Griego University. Dito ang alma matter ng mama ko. Si Lucila Ferrer.
----
SA LAHAT NG NAKABASA NA NG "COME WITH ME" , DITO NIYO MALALAMAN NAGING BUHAY NI LUCILA FERRER! AND UPDATE NARIN SA BUHAY NG MAHAL NATING SINA AVERY AND REGAN.
![](https://img.wattpad.com/cover/152373460-288-k368250.jpg)
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
AcakSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...