Sa isang araw na ang Anniversary ng DGU. Nag final practice nadin nga kami kanina ng cheerdance.
"Lithuania, kaya hindi ka ginugulo o pinupuntahan ni Rex kasi busy siya sa practice nila for pageant. Bukas na ng gabi ang preliminary stage! Talent at isang Q and A ang ganap bukas."
Nandito kami ni Kath sa cafeteria. Taking our merienda.
It's 3pm.
Nakwento ko kasi kung anong nangyari noong araw na nag-usap kami ni Rex at kung anong napag-usapan namin. Ewan. Kath became my kakwentuhan about kay Rex. Maigi nadin 'yun!
May isang tao na may alam ng lahat kung ano talaga kami ni Rex."Sana nga't maging busy nalang siya sa ibang bagay palagi." Sabi ko naman.
Kumuha ng isang pirasong fries si Kath sa plato sa harap namin. Kinain niya ito bago nagsalita,
"Boto ako kay Rex!"
"Bakit naman?"
"Grabe kaya yung ginawa niya sa court nun? First time in history! Andaming patay na patay doon ano! Plus lalo na yung mga sinabi niya sa'yo.. 'Call me desperate, I am' ansabe!!"
Natawa nalang ako sa panggagaya niya sa boses ni Rex.
"Aysus, doon ka talaga inlove kay Selenophile eh 'no.." Sabi niya pa.
"Pansin mo?"
"Oo. Kamusta naba kayo? Siguro kung kilala ko din yun, at laging nakikita, baka maging boto din ako sakaniya for you.."
Ngumiti ako, "O-okay naman kami."
Pero hindi. Ilang araw ang lumipas, hindi ko siya pinapansin sa calls or texts man. Ewan ko! Tinetest ko ba siya? No! At sino ako para gawin 'yun?
Binibigyan ko lang siya ng pagkakataon para ilayo niya ang sarili niya sa akin.
Sarili ko lang makakaintindi sa'kin.
Tignan mo ngayon? Wala naman siyang ginawang kasalanan nun. Hindi niya naman ginusto yun. He even sent screenshots ng chats ni Christy sakaniya na nagso-sorry dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng halik. Psh!
Ang naiisip ko?
Hindi ba niya na miss yun kasi diba nagkikiss naman sila noong sila pa?
Hay ewan ko ba!
I am making scenarios in my head.
Ganito ako.
Hindi niya deserve yung babaeng magulo kagaya ko.
I'm broke.
"Ah, Lithuania, sabi mo kanina diba may lakad ka?"
"A-ah, oo! Nandito kasi si Maoriya. Yung isang kaibigan ko. Sinama siya ng boyfriend niya. Nandoon lang sila sa office."
"Oo nga pala, nakwento mong kaibigan mo ang girlfriend ng magmamana ng School na ito."
Nangiti ako, "Oo. Sobrang bait ni Sixto."
Naalala ko nanaman. Anak siya ni Tito Fal na ex ng mama ko.
Small world!
"Ikaw din nga eh. Nung una akala ko hindi mo ako mapapansin. Akala ko mahirap kang i approach. Kasi sinisigaw ng look at ng mga gamit mo na galing ka sa mayamang pamilya eh."
"Naku, sino ako para hindi mamansin ng kung sino?"
"Napakabuting tao mo, Lithuania. Deserve mo yung pagmamahal galing sa isang tao na hindi kailanman magbabago. Sana makapamili ka ng maayos kung sino sa mga manliligaw mo yung papayagan mong tuluyang maging parte ng buhay mo."
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...