12

106 6 5
                                    

Papasok palang kami sa entrance ng gym ay rinig na ang sigawan, palakpakan at kung anu-ano pang ingay ng kung anong bagay sa loob. Naglalaro ang mga star players kaya malamang ay ganyan kaingay.

"Dito..." Hinila ni Mao ang kamay ko.

Kita kong patungo kami sa may harap kung nasa'n si Dina.

Huminto ako. "Ah, Mao--"

"Oh?" Huminto din siya.

"Pwedeng tawagin mo nalang si Dina dito? Ahm mag-uusap kami eh? Maingay sa loob." Malakas kong sabi kasi sumabay sa sigawan.

Naka shoot si Brigs!

"Dina?" Sigaw pabalik ni Mao.

Tumango ako, "Oo!"

Binitawan niya ako tapos sumunod sa sinabi ko.

Nag crossed arms ako sabay inilibot ko ang paningin ko. At nagulat ako, nang mapansin kong lahat yata ng mata ay nakatutok sa akin, with may pag-aalalang tingin or gulat na ekspresyon gano'n.

Lahat ng mata ng nanunuod. Anong meron?!

"Lithuania!"

Narinig ko ang boses ni Brigs sa likod ko.

And the last thing I know, may dumaang bola sa harap ko. Habang naka bend ako at inaalalayan ni Brigs ang katawan ko. Nasa likod ko ang kanang kamay niya. Ang isa ay nasa wrist ko. Nakataas ang kanang paa ko, dahil muntik akong matumba!

Gosh! Si Brigs!

Magkaharap ang aming mga mukha.

Nanahimik ang lahat. Maging ako, dahil shet? Bola nanaman? Kakaalis lang ng benda sa ulo ko ah?

After a moment, naramdaman kong itinayo niya ako.

Tapos nagpalakpakan ang lahat! With sigaw sigaw pa ang iba. Nakangiti si Brigs. Nakangiti siya!

Umatras ako ng isang hakbang.

Natigil ang laro, dahil nandito siya sa akin. Eh player siya. Sinilip ko ang likuran niya kung nasa'n banda sina Dina at Maori. Nakatayo silang pareho. Ang sama ng tingin ni Dina sa akin. Nakikita ko!

"Uh, thanks.." Sabi ko pero di ako nakatingin kay Brigs. Diretso lang ang tingin ko kay Dina. Binabasa ko ang iniisip niya. Bakit gano'n? Bakit may galit ang tingin niya?

Kaibigan ba talaga kami? I mean, bakit niya ko pinag seselosan ng ganiyan? Doesn't she trust me?

"A-are you fine?" Tanong ni Brigs.

At nagulat ako nang bigla niyang inilagay ang likod ng palad niya sa noo ko. Tinabig ko itong agad. Still di ko siya tinitignan.

Nakita ko si Dina na naglakad papunta dito.

At akala ko, pupuntahan niya kami. Pero.. Nagulat ako nang lumampas siya at tuluyang lumabas sa gym.

"Dina!" Tawag ko sakaniya.

Hindi siya lumilingon. Galit siya. At naglikha ng ingay sa gym yung pagdaan ni Dina sa amin na parang hangin.

Syempre? Alam ng lahat na siya ay girlfriend ni Brigs. Anong iisipin nila nang makita nila na nilampasan niya lang kami matapos akong tulungan ng boyfriend niya?

Eh ba't kasi sila nagsigawan?!

Urgh!

Tinignan ko si Brigs, kita kong nanahimik lang siya. Bullshit!

Tinalikuran ko siya bago ako naglakad palabas ng gym.

"Dina!" Tawag ko sa gitna ng open field.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon