Nang mag serve na ng dinner ay hindi na ako bumalik sa table nina Tita Pina. Tinext ko nalang siya na okay lang ako dito kina Maori.
"Maori, samahan mo ako sa rest room." Sabi ko Kay Maori.
"Samahan ko pa ba kayo?" Tanong ni Sixto.
"Hindi na babe, wait mo nalang kami. Bantayan mo din foods." Sagot ni Mao.
Naglakad kami papunta sa restroom. Tahimik dito. Wala ding ibang tao.
After naming umihi at mag retouch ng konti ay lumabas na kami ng rest room.
"Nagugutom ako." Sabi ni Maori.
"Nagugutom ka? Nasa'n na pala yung tatlo?"
Kita kong hinawakan niya ang tiyan niya. "Papunta na daw eh. Tawagan mo kaya."
"Sige. And hintayin ko na din sila sa labas." Sabi ko.
"Huh?"
"Matatapos na ang event, hindi pa din nagugulo. Kailangan ko sila para matapos na ang pantasya ni Christy na pakasalan si Daddy."
"I mean, bakit hihintayin mo pa sa labas?"
"I want to make sure if they'll really come, Mao. You know, I waited for this. Gagawin ko ang lahat para masira si Christy ngayong gabi. Gaya ng pagsira niya sa pamilya namin."
"Sige, tara sa labas."
"No Mao. Balik ka na doon kay Sixto. And text text tayo. Balitaan mo ko sa ganap sa loob. And nag-aalala ako, gutom ka na.. Kumain ka doon."
"Aweee, sige sige!!" Aniya tapos bumalik na sa loob.
Ako naman, humarap sa exit. Hihintayin ko doon yung tatlo para narin masabi ko kung ano ang gagawin nila sa loob.
Pero nagulat ako nang may humawak ng mahigpit sa right wrist ko.
"What the--!!" Hindi ko naituloy dahil nang lingunin ko siya ay bigla niya kong hinila palabas.
Nagpadala lang ako dahil ayokong lumikha ng eskandalo. Lalo't may guard sa may exit.
Why is this guy named Selenophile doing this?!
"Let. Go. Of. Me!!!!" Pagkasabi ko nyan ay binitiwan nga niya ako. Dahil nandito narin kami sa labas.
Niyakap ako ng malamig na hangin.
"B-bakit ka umasta ng gano'n?" Tanong ko.
Nakatingala ako ngayon sakaniya.
Imbes sumagot siya ay hinawi niya pataas ang buhok niya. Sumama naman ito agad. Halatang ang lambot lambot nito.
"Miss Gabrella, right?" Sabi niya. His voice is somewhat... like uhh with authority.
"Y-yes." Sagot ko. And bakit ako kinakabahan?
Eh kasi, parang galit siya! May nagawa ba ko?
"Sorry pero, naguguluhan ako. Bakit mo ko hinila dito? And parang may galit ka..."
"I heard your conversation with your friend kanina. About, Christy. I don't know what your plan is and I don't care about it, pero if this involve Christy Martin I wouldn't allow it."
Nalaglag ang panga ko sa tinuran niya.
"And who are you para sabihin 'yan?"
"You didn't know me, and huwag mo ng hilingin na kilalanin pa ako. Dahil kaya kong maging pinakamasamang tao, protektahan lang ang babaeng mahal ko."
At dun ako mas lalong nagtaka. As in kumunot ang noo ko. Nasusuka ako...
"You mean to tell me..." Shocks! Bobo din naman pala ne'to. Gwapo na sana.
"Yes, kung ano man ang iniisip mo ay tama ka. Matalino ka naman siguro."
"Isa ka lang naman pala sa mga lalake nung Christy na 'yon eh!" Sabi ko. Diba may tatlo na kaming nakausap, may isa pa pala. What the heckk.... Kaya pala siya umiyak kanina?
Gosh!
"Wala kang alam. I'm more than them." Ma awtoridad niyang banggit.
Wow?
"Hello! Pare pareho lang kayong niloloko nung Christy na 'yon! At isa pa, alam ko at nahahalata ko ngayon na mahal mo nga siya, the way you talk.. Like that.. Pero yuck? Hindi ka ba nasasaktan ngayon, ikakasal na siya sa iba?! Huwag mong pigilan yung plano ko."
Nagsalita siya ng dahan-dahan.
"Alam mo, para kang kulang sa aruga."Wow?
"Excuse me?" Gosh! He's getting into my nerves. Mali na pinuri puri ko siya mula kanina.
"Para kang kulang sa pagmamahal. Para kang hindi pa nagmahal."
Nanahimik ako doon. At para akong naiiyak. Kasi shet, tama naman yung sinasabi niya kulang ako sa pagmamahal. Pero hindi pa ako nagmahal? Boy, I'm doing this insanity dahil mahal ko ang daddy ko.
Pero bakit kailangan niyang sabihin 'yon sa harapan ko mismo? Why now? Ang saya saya ko kanina!
"You know why?" Tanong niya.
Umirap ako, tumingin ako sa gilid. Para kasing any minute from now, tutulo na ang luha mula sa mga mata ko. Nararamdaman ko na.
Ang sakit niyang magsalita. It's like someone's shooting bullets in my chest..
"Kasi, kung nagmahal ka na... Maiintindihan mo kung bakit pinipigilan kita. Na kapag talagang mahal mo, susuportahan mo sa gusto niya kahit pa sobrang nasasaktan ka na.." Sabi niya.
Napaka.. Amp... Hinarap ko siya.
"Ang sinasabi mo ba, hayaan kong maging masaya si daddy doon sa babaeng alam kong maraming taong niloloko?!" Sabi ko.
"May dahilan si Christy kaya niya nagawa ang mga iyon. I know her." Mahinahon niyang tugon.
Tumingala ako. At naramdaman ko nalang ang pag patak ng luha ko sa pisngi ko.
Yung babaeng sobrang hate na hate ko, ipinagtatanggol lang naman ng isang nilalang. Ang sakit!
"Bullshit! Kahit ano pang dahilan niya.. Mali parin siya!"
"Sinong hindi nagkakamali?"
Wala. Lahat.
Pero alam kong, mas tama naman ako sa kaniya.
"Kung ikaw Mr. La Guardia, para sa'yo.. Ang ibig sabihin ng pagmamahal ay sumuko nalang agad kahit alam mong may paraan pa, pwes ako hindi. Huwag mo kong itulad sa'yo na duwag. Mahal ko si Daddy, mahal ko ang pamilya namin kahit na ako mismo hindi ko nararamdaman yung pagmamahal nila. Oo, tama ka nga siguro.. Kulang na kulang ako sa pagmamahal. Kaya nga nilalaban ko 'to! Kasi sa kahit anong pagmamahal dito sa magulong mundong ito, pagmamahal ng isang buong pamilya ang hinahangad ko. So pasensya na ha, kung nasasaktan ka dahil gusto kong sirain buhay niyang pesteng babaeng mahal mo! Mali ka din siguro eh? Kaya ka siguro iniwan. Kaya naghanap ng pagmamahal 'yan sa iba, kasi hindi mo iningatan."
Nakita kong parang nagagalit siya.
Well, ginalit mo din ako Mr. La Guardia. At pag ako nasaktan, dumadaldal ako.
"Come to think of it, ikaw din pala ang may kasalanan kung bakit naligaw iyang pesteng Christy na 'yan sa buhay namin! Is that the love na pinagmamalaki mo Sir?"
"W-wala kang alam."
Pagkasabi niya nyan,Tumalikod siya bago umalis. Pumasok na siya sa loob.
"Gago!" Sambit ko sa kawalan.
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...