17

106 5 0
                                    


@Brusko Cafe

Kita ko sa parking ang kotse ni Daddy. Waaaah! Seryoso talaga?? Anong meron? Si mommy nandito? Hmmm?

"Uy wait mo naman ako!"

Nilingon ko si Yza. Hinahabol niya ako. Eh nauuna na ako, excited halatado!

Ano ba, hindi ko na nakakausap nanay ko. I missed her!

Pagpasok namin sa Cafe, my parents are there..

Magkaharap sila. May mga foods sa mesa. Ang ayos ni mommy. She's wearing a green dress and cream pumps
Dad of course is wearing a suit.

"Ayun sila.. Yza.." Sabi ko.

"Sis, family reunion pala ito!" Sabi ni Yza sa likod ko. "I should go na."

"Hah? Wait--"

*PAK!!*

Napahawak ako sa pisngi ko. Shet? What's that?

Napatingin ako sa gilid sa lakas ng sampal. Nagtama ang mga mata namin ni mommy. Maging si daddy ay nakatingin. Nagulat sila dahil parehong naglakihan ang mga mata nila.

Sinong sumampal sa'kin?

Hinarap ko siya. Fudge?!

"Dina? B-bakit mo sinampal si Ania?!" Hysterical na tanong ni Yza.

Lumapit si Yza sa'ken. Ako'y nanatiling nakahawak sa pisngi ko.

"Anong problema mo?!" Sigaw ko.

"Wow?! Talagang pumunta ka?! Napakalandi mo!"

Kumukunot ang noo ko sakaniya. She's making a scene! Mabuti't konti lang ang tao dito. But my parents are here..

"A-anong sinasabi mo?" Sabi ni Yza.

Ako'y shookt. Di ako makapag react. Naiinis ako!

"Huwag kang makialam Yza. Akala ko iba ka. Akala ko hindi ka dumadamay pag kalokohan ang ginagawa. But now.. Hindi ko na talaga alam kung sino ang tunay kong kaibigan."

Nanahimik si Yza. Knowing her, di talaga makikipag sagutan 'yan.

"Huling huli ko kayo!" Sabi uli ni Dina.

Nagtataka ako. Inayos ko ang buhok ko. Bago ako nagsalita,
"Anong sinasabi mo?"

"Magkikita kayo dito ni Brigs right?! Nabasa ko ang text niya sa'yo." Sabi niya na parang naiiyak pa.

Lumingon ako sa gilid. Si Mommy at Daddy nakatayo na. Si Dad halatang pinipigilan si Mom na sumugod sa'min.

Hinarap ko si Dina, nanlilisik ang mga mata ko. Ang saya saya ko kanina!

"Dina, hindi ako gano'n klaseng babae." Natatawa kong sagot.

Maya-maya ay dumating si Brigs. Hinawakan niya ang balikat ni Dina. Naka school uniforms pa kaming lahat nakakahiya!

"Bitawan mo ako Brigs! Di ba magkikita kayo dito?!" Sabi ni Dina na nagpupumiglas kay Brigs.

Si Brigs naman, di nagsasalita. Eh gagu iyan. Naalala ko nga at nag text siya ng gano'n kagabi. Si Sir Seleno pa nga ang nakabasa.

"I'm here for my parents, Dina." Sabi ko.

Ituturo ko palang ang aking mga magulang ay nagsalita siya.

"Parents? Meron ka ba no'n?"

And shit? Ang sakit!

Natigilan ako doon.. Meron nga ba?

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon