16

167 7 0
                                    


Pagpasok ko sa boarding house ay dumiretso na ako sa kwarto. Tulog na tulog na si Yza. Ako naman.. Hindi ko alam. Medyo inantok din ako doon.

Napagod? Or just felt so much comfort?

Inilapag ko ang cellphone ko sa side table, hindi naman lobat yan eh. Bago ako humiga sa kama.

Argh!

I'm so sleepy...

Pagkadilat ko ay agad kong sinilip ang kama ni Yza. Wala siya. Oh? Thursday pala ngayon. May pagsamba sila. Madaling araw yun laging wala pag Thursday eh.

Bumangon na ako. Anong oras na ba? Siguro'y pauwi na din si Yza.

Humikab ako bago ko sinuot ang tsinelas na pang loob ko. Ah! Lambot sa paa!

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa side table.

Pinindot ko ang power button.

What time is it?

Wait? Kaninong cellphone ito?! Hindi ito akin! Ang lockscreen photo ay black and white na picture ng isang lalake. Sir Seleno?!

Ito yung picture na nakita ko sa Facebook niya.

Time is 6:35am.

Oh my gosh!

Asan ang cellphone ko?! Don't tell me.... Nagkapalit kami?!

Nakalabas na ako ng kwarto. Nasa kusina na ako.

Umupo ako sa may dining table.

Pilit kong inaalala ang mga pangyayari kagabi.

Bago ako tumayo sa pagkakaupo sa buhangin ng dagat ay hawak ko ang cellphone ko. Tapos.. Tapos.. Omo?! Nailapag ko sa upuan doon! Sa backseat! At hindi ko naman in check yun doon kasi lumabas lang naman ako para sana kunin yung cup na kalat ko. Pero doon na ako umupo sa passenger's seat!

At yung cellphone na nando'n ay kay Sir Seleno! Yun ang naibulsa ko bago ako lumabas.

Nako!!!!!

I checked the phone na hawak ko. May lock ang screen pero nakikita kong mga 3 missed call kagabi. Sheeeeym?! Siya siguro iyan?!

Nako! Ako hindi ko napansin eh! Agad natulog ako kagabi pag-uwi.

~

"S-sorry, hindi ko na kasi na check kagabi. Nakatulog na akong agad pag-uwi." Paliwanag ko.

Nandito kami sa CSSG office. I'm with Sir Seleno. Naisoli na namin ang phone ng isa't-isa.

"You don't have a password." Aniya.

"I don't. Wala namang kailangang itago." Sabi ko.

Eh, wala naman akong nakakatext or what.

"May nabasa akong text accidentally. Sorry." Sabi niya.

Nagulat ako, "Weh? Kanino?"

Kinalikot ko phone ko. Globe, 8080, 4438.. And Brigs?

From: Brigs

Ania, let's meet. Sa brusko cafe. After dismissal.

"Bakit nagte-text pa siya ng ganito? Ang hirap na nga ng sitwasyon namin ni Dina. Tsk." Sabi ko.

"May gusto sa'yo si Brigs?"

Umiling ako, "Ewan ko ba sakaniya."

"Bakit? Ayaw mo siya?"

I rolled my eyes, "Girlfriend niya yung kaibigan ko. Si Dina."

"Oh? They're in a relationship pala? Then why is he texting you?"

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon