10

110 7 0
                                    

Nasa office ako ng CSSG. Kapag wala akong ganap. Klase or what. Dito ako tumatambay. It's like dito ako na re-relax. Dito ako nakakapag isip ng payapa. Dito ako kahit papano nakakadama ng katahimikan.

Hmm, dun sa tambayan namin ng tropa tumatambay ako dun kapag gusto ko ng kausap. Kasi nandoon din sila.

Pero pag gusto ko ng tahimik, dito ako.

Ang lungkot ko. Hindi ko alam kung bakit, shet! Hindi ko maintindihan. Dati pag itinulog ko, nawawala naman na. Pero bakit ngayon umabot hanggang kinabukasan? Bakit hanggang ngayon na bago na ang araw, nasasaktan parin ako.

NAMIMISS KO NANAY KO!

I tried calling her pero alang sagot.

Galit ako sa tatay ko kasi laman sila ni Christy ng tabloid. Usapan ang pagiging engaged nila.

Naiisip ko si mommy. Alam ko na mahal pa niya si daddy. Alam ko yun. Kasi naalala ko dati, nakukwento niya noong bata pa ako kung paano sila nagkakilala ni daddy at kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Alam ko yun. Na nangungulila siya ngayon. Pero bakit ba umiiwas si mommy?! Bakit niya hinahayaang agawin ni Christy ng tuluyan si Daddy?!

Ang sakit.

Hindi manlang nila ako inisip.

Hindi ko din naman alam kung bakit ako sobrang nasasaktan ng ganito eh. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit hindi ako kagaya nila na handang mag move on nalang sa lahat. Ang bigat sa dibdib. Dala dala ko palagi.

Hindi na ito maaalis.

Bilib ako sa mga kabataang, iniwan din naman ng isang magulang pero ang tibay tibay. Nagagawa nilang mamuhay ng normal. Na masaya. Na walang inaalala.

Ewan eh, hindi ko naman kasi kayang hayaan nalang? Si Daddy, tuluyang ikasal sa iba?

Ayoko. Ayoko. Gusto kong mabuo ang pamilya namin. Ayokong mapunta siya sa iba. Kahit galit ako sakaniya, ayokong tuluyan siyang mawala.

Hindi ko alam kung dapat pa ba tong nararamdaman ko eh, pero shet.. Galit ako sakanila. Pero Mahal na mahal na mahal ko sila.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo na dala ko. Ang aga aga umiiyak ako!

Sniff sniff

Gusto ko na ng someone na maiintindihan ako.

I need someone to make me feel I'm worth it.

Na kayang iwasan ang mga bagay na nakakasakit sa akin, na kayang gawin ang mga bagay na makakapag pasaya sa akin.

Aaaaarrrghhh. Yes! That's the lovelife I always wanted. Hindi yung puro lokohan lang.

I want something serious.

Yung kayang alisin yung lungkot ko at times.

Yung.. Hindi ako iiwan. Kahit saglit. Yung di ako bibigyan ng sakit gaya ng ginagawa ng mga magulang ko ngayon.

"Are you done?"

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Kumurap ako ng tatlong beses. That voice.

Hinanap ko siya.

Luminga-linga ako. And there, I saw him.

Sa may pinto ng rest room. Nakasandal doon. Naka crossed arms. At nakatingin ng diretso sa akin, gamit ang walang ekspresyon na mukha.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko ng malakas.

I don't care if he's our adviser sa CSSG. Badtrip ako ngayon at huwag siyang dumagdag.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon