22

85 5 2
                                    


Isang linggo mula noong nagbakasyon ng isang araw dito ang mga kaibigan ko, kasama si Selenophile.

Isang linggo mula noong encounter namin sa rooftop.

Uh? Dumadami ang encounters namin ah?

First, sa party. Second, sa CSSG office. Third, sa beach. Fourth, sa DGU Baguio, and Fifth, yung sa rooftop.

And lahat ng conversations namin from those moments ay nababaon sa ala-ala ko.

Why?

Do I like him?

Inilagay ko ang kanang kamay ko sa may tapat ng puso ko. Pinakiramdaman ko itong mabuti. Normal naman ang tibok nito.

Umiling-iling ako.

Why???

"Anak, may problem ba?"

Nakuha ni Mommy ang atensyon ko. Nanunuod kami ngayon ng Movie, it's a cartoon, "Strange Magic" ang title. Parehong nakataas ang mga paa namin sa sofa na inuupuan namin. Nasa magkabilang dulo kami.

"A-ah, wala po." Sagot ko.

Sumasandok ako ng ulam at itinatabi ko ito sa kanin na nasa plato ko. Nasa cafeteria kami. It's lunch time. Mahaba haba ang lunch namin ngayon. Two hours.

"You done?" Tanong ni Kath. Nauuna siya sa'ken. Kaya't nauna siyang natapos maglagay ng food sa plato niya.

"Yeah." Sagot ko.

"Di ka kukuha ng salad or gelatin?" Tanong niya.

"A-ah, kukuha.." Sabi ko sabay sumandok ako ng tig isang kutsara.

"Yan! Kailangan mo ng sweets eh! Diba wala kang lovelife?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw ha.."

"Okay lang 'yan. Enjoy mo pagiging single mo." Ani Kath.

Tinungo namin yung bakanteng table sa may tabi ng bintana pero malapit lang sa exit ng cafeteria.

"Perfect!" Ani Kath sabay lapag ng hawak niyang tray sa lamesa.

Dahan-dahan ko ding inilapag ang akin.

"Two hours ang vacant natin ngayon right?" Tanong ko.

"Oo." She answered.

I nodded. "Enjoy your lunch!"

"Yeah, enjoy!" Sagot niya tapos nagumpisa ng kumain.

Gano'n din ako.

Food is good!

Nag i-enjoy kaming kumain ng payapa nang biglang may mapansin kaming nakatayo sa may gilid namin. Natigil kami sa pag nguya. Ibinaba ko din ang kutsara at tinidor na hawak ko.

"R-rex?" Sabi ni Kath sabay tingin sa gilid ko.

Si Rex nga ito. Tinignan ko siya. Maayos ang uniform niya ngayon. Naka black dress shoes din siya. Naka ID.  Pero napansin ko ang isang hikaw na krus sa isang tainga niya.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon