"Lithuania, kanina pa kita hinahanap!" Sigaw ng kaibigan kong si Falon, mahaba ang buhok niya hanggang bewang na malalaking kulot ang dulo nito. Bagay sa kaniya. She has the same height as me. Nang matabi siya sa akin ay pansinkong napagod siya sa ginawa niyang pagtakbo dahilan nga'y napahawak pa ang kanang kamay sa dibdib niya. Samantalang ang isang kamay niya ay bitbit ang clearbook niya.
"Hey! Ba't ka naman tumakbo? Maaga pa naman ah?" Bago niya ko tinawag I checked the time on my black watch na guess ang tatak and it's just 7:05 in the morning. 8:30 ang tanging pagtitipon naming mga mang-aawit. Naa black and white kami. Itim na closed shoes. At pinadala ang mga clearbook namin.
Natagpuan niya ako dito sa gate. Nasa may gilid ako. Kadarating ko lang din. Katatapos ko lang iparke ang kotse ko sa may malayo kung saan ako itinuro ng SCAN kanina.
"Eh, excited ako eh! I really like you on your full bangs! Bagong ayos?" Tanong niya.
Tumango ako, maaga akong gumayak kanina.
"Yeah, uh, kanina lang. Just by myself. Okay lang ba?"
Nanatiling maikli ang buhok ko na abot balikat at naka full bangs parin. Naka half pony lang ito at nakasuot ang ribbon ko doon pero hindi nakapusod ang buhok ko. Nanatili itong ladlad ngayon.
"Oo ang ganda mo! Kaibigan talaga kita!" Aniya.
Ngumiti ako, "Ikaw din! Ang saya mo yata?" Kita kong parang blooming siya. Gawa ng highlighter din sa may magkabilang cheekbone niya.
"Kasi namaaaaan!! Nag chat sa'kin si Seleno kagabi!!" Mahina ngunit matining niyang banggit.
Seleno, yes, crush na crush niya nga ang kadiwang iyon. My, uh, my Seleno.
Kinagat ko ang labi ko. May kung anong kumurot sa puso ko. Nag chat ito sa kaniya? Samantalang ako, walang natatanggap na chat mula doon. Kung hindi ito takda o link ng mga online pamamahayag, maliban doon ay wala na. Wala manlang siyang chat na pwede kong replyan pabalik. Alam ko naman kasing sent to many yung mga 'yon kaya hindi ko na ginagawang mag reply. Mamaya ay magpasalamat ako tapos ay i-seen niya lang naman.
"Ano namang sinabi niya?" Kyuryus ako. Syempre.
"Wave!" Masiglang sagot niya. Kinikilig pa ito. Well, sinong hindi kikiligin sa wave ng isang Selenophile La Guardia?
Wave? Tumaas ang kilay ko. Anong ibig sabihin nun? Is he trying to get Falon? Lalo't alam ng halos lahat ng kadiwa sa lokal na crush na crush siya nito? For sure alam niya din kasi lagi silang tinutukso. Pero si Seleno, mukha namang hindi interesado. In fact mas close siya kay Kreesha. Si Kreesha yung binanggit noon sa akin ni Yza na nali-link kay Seleno. And totoo naman.
Sa totoo lang, madami naman silang nagkakagusto kay Seleno. Masigla. Pogi. Mananampalataya. Business man. Sobrang responsable sa tungkulin. Ano pa bang hahanapin mo? Lahat na nasa kaniya. Kaya nga tuwing nakikita o nakakasama ko siya, halos mabingi ako sa maraming tunog ng tambol sa loob ko palagi. Lagi kong nakukumpirma na mahal na mahal ko parin siya. At ang makita siyang wala ng nararmdamang iba sa akin ay sobrang sakit sa akin.
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
SonstigesSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...