40

99 10 0
                                    

Hawak ko ang clearbook ko. Nakapatong ito sa lap ko.

Katatapos kong nanalangin sa Ama.

Katatapos ng panata ko para sa araw na ito.

Nagtakda kasi ako ng pansariling panata gabi-gabi.

Nag ensayo kami kanina, tapos after nun, hindi pa ako agad umuwi.

Madami akong pinanalangin. Unang una ang katatagan ng puso ko. Pangalawa, sana mabuksan puso ng mga mahal ko sa buhay. Pangatlo, yung negosyo ko. Hindi ko nais yumaman ng sobra gaya ng pamilya ko, ang gusto ko lang ay may magamit ako sa mga pang araw-araw kong pamumuhay higit sa lahat sa mas lalong masiglang paglilingod ko sa Diyos.

Kasal na nina Uzzi at Bella bukas. Yun din ang grand opening ng La Guardia Beach Resort.

Apelyido ko ang ginamit ko. Apelyido ng pamilya ko. Mahal na mahal ko sila. Bigla silang pumasok sa isip ko. Laman sila ng mga panalangin ko sa Diyos. Mukha akong matapang sa labas. Sa harap ng mga kapatid. Sa harap ng ibang tao. Pero pag nakaupo ako dito mag-isa at kausap ang Ama, humahagulgol ako. Iniiyak ko lahat. Gaya tuwing tumutupad. Sa bawat pag-awit ko, ramdam ko ang pagsama ng Ama at alam kong biyaya 'yun sa buhay ko.

I really miss my Family. My Friends... Kahit hindi na bumalik yung trabaho ko sa kumpanya, kahit sila nalang.

And..

And her..

Maria Lithuania Gabrella.

Pumatak ang luha ko. Nangiti ako.

Wala akong pwedeng itago sa Diyos.

I still care for her. Big time!

Two months mula noong nakita ko siya sa beach. After nun, hindi ko na siya nasilayan muli. Wala narin akong balita sakaniya. Basta ang alam ko, maganda na ang posisyon niya sa kumpanya. She's on the board of directors na agad.

Binalita 'yun sa'ken ni Vinno.
Oo, my bro.

I received a call from him last night. Galit padin siya. Hindi ko din alam ba't siya tumawag at binalitaan ako. Akala ko makikipag ayos na siya. But when I invited him for a coffee, he immediately ended the call.

Again, I was left dumbfounded.

Hindi ko alam kung anong problema nila, bakit galit na galit sila sa Iglesia. I really don't know.

Siguro ganoon talaga.

Wala kasi silang alam eh?

Hindi ako pwedeng magreklamo dahil alam kong malalampasan ko ito. Walang pagsubok na ibibigay ang Diyos na hindi ko kakayaning lagpasan. Yan ang sinasampalatayanan ko.

Tumayo ako.

Bitbit ko ang clearbook kong naglakad palabas ng kapilya.

Isiningkit ko ang mga mata ko nang mapansin ko ang isang babae na nakasuot ng puting dress at puting headband. Nasa kabilang gilid siya, sa pwesto ng daan ng mga babae. Sarado ang ilaw dito sa loob ng kapilya pero dahil sa kulay ng suot niya ay napansin ko siya.

Nakayuko siya.

Papasok siya, ako palabas.

Nang matapat siya sa akin, kahit magkabilang gilid kami, napatingin siya.

Nagkatinginan kami.

It's Falon.

I know her.

Isang mang-aawit dito sa lokal.

We're not that close. Tahimik kasi siya 'yan.

I smiled at her.

She smiled back, pero halatang pagod ang mga mata niya. Umiwas din siya agad ng tingin.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon