Naghahanda na ako ngayon para sa party mamaya. Yes, that engagement party ni Daddy with Christy the bEEEchh!Nandito ako sa parlour na pinagtitiwalaan ko.
"Masyado na yatang humahaba hair ko? Parang gusto ko na i maintain lang na hanggang balikat." Sabi ko kay Judy.
Si Judy yung baklang parlorista.
"Sis, hindi naman eh. Hanggang balikat mo parin."
"Ah gano'n ba?" hahahah, bakit kasi may pagkakataong ganto. Yung akala mo humahaba na, hindi pa pala.
Pati ba naman buhok ko pagdududahan ko.
"I like your dress huh? Bagay na bagay sa'yo. Panigurado ay malalampasan mo ang ayos ni Christy mamaya."
"Kaya galingan mo. Pagandahin mo ako lalo. After dyan sa hair. Sa make up naman." Sabi ko.
"Yes sis!" Sagot naman niya.
Hay nako, inis na inis parin talaga ako. Yang si Christy kasi, bata pa 'yan. Matanda lang sa'kin ng 3 years? Naabutan ko pa nga 'yan sa DGU eh. Isa siya doon sa mga cheerleaders na nang-aakit ng mga basketball players tuwing may laro. Psh!
Naging karelasyon siya ni Daddy last year lang. Pagka graduate niya ng college. Education kurso niya. Pero para sakin, di siya edukada.
So ano 'yon? Hinintay siya ni Daddy na maka graduate? Waw! SweeeeeEEeEeett!!!
At saan sila nagkakilala? Basta ang alam ko adik sa facebook tatay ko. Malamang doon.
"Start na ko sa make up, Lithuania." Ani Judy.
Tumango lang ako. Bago ko inayos ang aking upo.
Pagkarating ko sa Venue ng event, which is isang hotel na pag-aari din ng company nila Daddy ay hindi muna ako lumabas ng kotse.
"Bakit pa ako pinasundo sa'yo Secretary Fortt? Hindi mo ba nabanggit sa amo mo na manggugulo lang naman ako sa party niya?" kinakausap ko ang nasa driver's seat na si Mr. Fortt. Sinundo niya ako sa parlour kanina. Eh balak kong sumabay kay Sixto kasi invited family nila.
Eto nga hawak ko ang cellphone ko. Nasa'n na kaya sila?
"Ma'am Lithuania, maging masaya ka na lamang po at ikakasal na ang daddy mo."
"Seriously, Mr. Fortt? Yung nanay ko sinisira niya buhay niya dahil sa nangyaring hiwalayan nila. Nadadamay din buhay ko. Dapat si daddy din. Dapat lahat kami nagdudusa. Walang sasaya."
Oo. Nagiging masamang masama ang ugali ko kapag pamilya namin ang usapan. Pamilya pa nga bang matatawag?
Psh!
"Lithuania, naka usap ko ang ma'am lucila, at agad siyang pumayag sa ideya. Hindi ba't pinirmahan nga niya ang annulment nila ng daddy mo noong nakaraang buwan?"
Tinigilan ko ang pag ti-tipa ng mensahe sa cellphone ko. Atsaka hinarap si Mr. Fortt. Tinignan ko ang reflection niya sa salamin sa harap.
"Secretary Fortt, may pamilya ka na diba?"
Kita kong inayos niya muna ang salamin niya bago sumagot. "O-Opo."
"May mga anak ka na? Meron na diba?" Alam ko kasing meron dahil nakikwento niya. Nasa elementary palang. Dalawa.
"Opo."
"Bilang isang responsableng Ama ng isang pamilya, papayag ka ba na yung mga anak mo, lumaki na walang Ama? Na walang Ina? Na wasak ang pamilya?"
Umubo siya bago sumagot,
"H-hindi po.""Kasi mahal na mahal mo mga anak mo. At Nakikita ko yun sa'yo. Kasi nagsisikap kang mag trabaho eh. Kaya, Kahit siguro hindi na kayo ayos ng asawa mo, never mo siyang iiwan para sa mga anak niyo. Magtitiis ka lang, para lang masabi at makita ng mga anak niyo na buo kayo. Na kahit may problema, hindi niyo babanggitin sakanila, kasi gusto niyo panatag lang sila."
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...