05

125 9 0
                                    


Pagpasok namin sa pinaka event place, sobrang bongga ng ayos hanep!

Kala mo naman may magaganap talagang kasal eh.

Nako ka, Christy!

Umupo kami nina Sixto at Maori sa pang apatang table.

"Ang bongga gurl ha?" Ani Maori pagkaupo namin.

"True!" Tugon ko.

Inilibot ko ang mata ko. Hinanap ko naman kung nasa'n ang table ng para sa pamilya ni Daddy. Nakita ko doon si Lolo at Lola, aweee I miss them!

Tapos mga tito at tita ko sa father side, kasama mga pinsan ko.

Okay naman sila sa'ken. Mababait ang pamilya ni Daddy actually. Siya lang etong ewan kung saan pinaglihi.

"Lalapit muna ako sa parents ni Daddy." Sabi ko kina Sixto at Maori.

"Oh sure!" Ani Maori.

"Basta contact-in mo yung tatlo ha?" Sabi ko.

"Yes. And pinagdala ko na din sila ng mga matinding evidence."

"Very Good, Maori! Sixto! You chose a right gurl!"

Pagkasabi ko no'n, nag blush si Sixto. Argh!! Kilig na kilig nanaman yun lang.

Bago pako maalibadbaran sa kakesohan ng dalawa ay lumakad na ako.

Bawat madaanan ko na kilala ko ay binabati ko. Gano'n din naman sila sa akin.

Nang makalapit ako sa table nina Lola ay agad siyang tumayo para salubungin ako.

"Lithuania Apo!" Aniya.

Pinaulanan niya ako ng halik sa noo at pisnge ko.

After niyang ma satisfied,
Nagmano ako sakaniya maging kay lolo at sa mga tita at tito ko.

Kinawayan ko lang yung mga pinsan ko. Apat sila. Mga bata pa. Ako panganay sa apo eh.

"Nakita ka na ng daddy mo?" Tanong agad ni Tito Junemar.

Umiling ako, "Kadarating ko lang po."

"Puntahan mo siya." Sabi ni Lolo.

"Hihintayin ko nalang po ang paglabas niya dito. Tutal ay malapit naman na pong magsimula." Sabi ko.

"Dito ka na sa amin umupo." Ani Lolo.

Sabi na nga ba't mangyayari eto eh. Well, hindi ko naman pwedeng tanggihan kasi talaga namang dapat dito ako uupo dahil pamilya ako.

"Sige po." Sabi ko. Umupo ako sa tabi ni Tita Pina. Siya yung pinaka close ko. Bunso siya nila papa. Tatlo silang magkakapatid. Ang anak niya ay 3 years old. Napaka kulit.

"Hello tita pina!" Sabi ko.

"Hi! Buti at pumunta ka." Alam kasi niyang ayoko sa desisyong ito ni Dad.

"Opo ah!" Sabi ko nalang.

"Kung pwede lang talagang tutulan ito eh." Aniya ulit. Oo ayaw din niya ang kung ano mang magaganap.

Don't worry tita. I have a plan. *wink*

"Tita Nasa'n pala si Jireh?" yung anak niya na favorite ko kahit ang kulit sobra.

"Nasa lola niya. Mommy ni Tito Mak mo."

Tito Mak, yung husband niya. Siguro'y iniwan nila dahil baka mainip lang dito. Lalo't gabi na din.

"Ah okay po." Sabi ko.

Maya-maya ay nagsimula na ang event. Katext ko si Maoriya. Papunta na daw sa venue yung tatlo.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon