"Seleno, why don't you date someone? Magka edad lang tayo pero ako engaged na kami ng girlfriend ko oh.." Sabi ni Uzzi. Sabay pakita nung sing-sing niya sa kaliwang kamay niya.
Hinahangin ang buhok niya kagaya ko. Pareho kaming naka polo at slacks, katatapos lang kasi ng pagsamba. Linggo ngayon. Tumupad kami ng madaling araw.
I raised my hand na may hawak na coke in can.
"Good for you dude." Tumungga ako at uminom.Gumuhit sa lalamunan ko ang acid. Napailing ako.
Rinig ang alon ng dagat at tirik ang araw. Nakasandal kami sa kotse ko. Nagdala lang kami ng tig isang coke na iniinom nga namin ngayon.
Nandito kami malapit sa beach na pinupuntahan ko kung saan ko din nakita si Lithuania nung isang araw.Binili ko itong lupa. And Uzzi will help me with this business. A resort. My very own beach resort. Uzzi will build a restau inside, branch nung business nila ng fiancé niya. Cleobella Lincoln's Restau Blast. Tapos the rest, akin na. Cottages, pool, hotels, lahat. I have capital. I have the money to support this business. I just need a partner. Sakto si Uzzi, food industry. Para sa service na ko mag focus.
Pinili ko ang space na ito kasi maganda talaga ang lugar. May private beach din sa kabila, pero hindi naman malakas 'yon ayon sa research ko.
Why beach resort? Ewan ko din? Ito ipinaisip ng Diyos sa'ken habang nagpapanata ako eh.
I asked God for a business na hindi ko kailangang ma stress ng sobra. Yung makakapag enjoy and unwind padin ako. Siguro sabi ko, pahinga muna sa mga duguang trabaho. Lalo na dapat hawak ko ang oras ko. Yung hindi makakahadlang sa tungkulin ko.
Oras ng tupad at ensayo ang pinaka priority ko sa ngayon.
Nangiti ako. Imagine? Dati ibang iba ang buhay ko. Pero in a snap?
Kay buti ng Diyos..
"May pamamahayag tayo sa linggo. May akay ka na?" Biglang nagsalita si Uzzi.
"Wala pa. Pero hahanap ako." Sabi ko.
"Gusto mo ng kasama mag akay?"
Alam ko nanaman ang tono ng pananalita nito.
"Bro, babae nanaman?" Tanong ko.
"Yes, Seleno.. mas masarap mag akay na may kasabay."
I laughed,
"I know but.. hayaan mo muna ako. Haha!"Umiling nalang siya bago lumagok ng coke. Porket engage na ang isang 'to ah?
Tinignan ko ng diretso ang dagat. Pagpalain nawa ng Diyos ang binabalak ko sa espasyong ito.
Babae? Oo, napakadaming masisigla at magaganda sa lokal. Sa kabilang lokal. Sa kabilang distrito. Pero hindi ko 'yun priority sa ngayon eh?
Crush? Wala din eh? I don't know. Madami talagang kahanga-hanga sa lokal pagdating sa kasiglahan at sa pananampalatayang taglay ng mga kababaihan, pero yung matatawag kong crush na pinagtutuunan ko ng pansin o atensyon? Wala talaga.
My heart is.. not ready for that.
After her.
Alam ko 'yun.
I know myself.
I know my heart.
Nang gumaan na ang hawak ko ay tinapon ko ito sa basurahang lata na nasa malapit sa'min. Shoot!
Saka ko hinarap si Uzzi.
"Ikaw, may akay ka na?"
"Yeah, yung isang waiter namin doon sa Restau. Minimisyon ko 'yun eh." Ani Uzzi.
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...