Warning: Super fast forward
-
AFTER 2 YEARS
"Are you ready with your first meeting together with the Directors as a member of ATP Group?"
Nakasabit ang kamay ko sa braso ni Daddy.
I nod, "Yes Dad."
"Well then.... It'll be really quick kasi maghahanda ang lahat para sa party mamaya."
"Yeah, sure Dad. I need to prepare my gown also."
"So.."
Huminto si Dad. Ako din.
Inalis ko ang kamay kong nakasabit sakaniya. Umayos ako ng tayo.Nandito kami sa tapat ng pintong kulay itim. Nasa loob ng silid na ito ang mga malalaking tao sa kumpanya.
Ilang buwan matapos kong maka graduate ay nag training akong agad dito. Sa DGU Baguio ako nag OJT bilang admin assistant doon. Dahil sabi ko, babalik lang ako dito sa Zambales, kapag tapos na ako sa pag-aaral ko.
And natupad naman iyon. 5 months training with my Dad, Lolo and Lola are enough. Hindi ako naglalalabas with my friends. Ni hindi ko pa nga sila nakita ulit mula nang makabalik ako dito sa lugar namin.
Tinulak ni Daddy ang pinto, nauna siyang pumasok.
Natahimik ang mga tao sa loob. Hindi ko pa sila nasisilayan.
Nakatayo na si Daddy sa gitna. Seryoso siya doon.
Tinignan niya ako. Tumango siya. Ngumiti ako bilang tugon.
Sinilip ko muna ang paahan ko. Kumikinang ang kintab ng black 5 inches high heels ko. Maikli at hapit ang itim na paldang suot ko. Kita ang kalahati ng legs ko. Okay lang, pantay naman ang kulay ko.
Pinatungan ko ng itim ding coat ang puting tube ko.Mukha akong executive!
Well, I am.
Diniretso ko ang ulo ko at tumingin sa gawi ni Daddy atsaka tumayo ng matuwid.
Iginalaw ko ang ulo ko, nakatali ang maikling buhok ko. Nararamdaman kong hinahangin ang bangs ko.
I wear my smile bago humakbang papasok ng kwarto.
Nang marating ko ang pwesto ni Daddy, ngumiti ako sakaniya bago ko hinarap ang mga taong naroon.
"Good Day! My name is Maria Lithuania Gabrella, Chief of Finance."
Nakarinig ako ng palakpakan. Inilibot ko ang paningin ko. I saw.. Sixto, Jacco, Jeyco.. Vinno? Na ipinagtaka ko, akala ko ba sa sports nagfocus ito? At ibang mga familiar at hindi familiar sa akin, subalit.. ang gusto kong makita ay wala.
He's not here.
"What a great night, Lithuania! Ngayon nalang kita ulit nakita." Idinikit ni Tita Janica ang pisngi niya sa pisngi ko.
"Kayo din Tita. I missed you!" Bati ko pabalik.
"Where's your Mom?" Tanong niya.
"With Dad po." Nilingon ko ang dako nila Mommy at Daddy. Nakikipag kwentuhan sila sa mga tao.
"Pupunta muna ako doon.. Let's go, Fal."

BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
AcakSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...