41

49 8 0
                                    

Pag-uwi ko sa condo, dumiretso ako sa closet ko. Nakatitig ako sa mga damit ko.

Hhmm.

Wala akong dadalhing gamit. Lalo na pangtupad ko. Dadaan nalang ako palagi dito sa condo dahil mas malapit parin naman ito sa kapilya. Kabilang kanto lang. At maaga naman ako lagi kung gumayak kaya hindi ako mauubusan ng oras 'yan.

Hindi ko alam pero ayokong maniwala agad kay Daddy.

He's my Dad.

And I know him.

Hindi parin siya masaya. Alam ko.

Anytime, Maaaring magkaroon ulit ng problema.

Pero natutuwa ako. Sobrang saya ko! Na makakabalik ulit ako sa Mansion. I really miss them!!!!!

Humiga ako sa kama ko matapos ang night routine ko. Hawak ko ang phone ko.

"cuddling in bed and falling asleep together is probably the best feeling in a relationship"

Binasa ko 'yan, sa isip ko lang. Nakita ko lang na in share ng kapatid ko sa facebook. Aba? Mukhang uunahan pa akong magka girlfriend ni Vinno ah?

I hugged my pillow.
Yeah, that was probably the best part of being in a relationship. Pero bilang Iglesia Ni Cristo, may limitasyon tayo.

I know alam naman ng lahat iyon.

Huwag sasadyaing gumawa ng kasalanan. Huwag gagawin ang mga bagay na pang mag-asawa lang.

Iglesia Ni Cristo is very well strict in regard to pre - marital,  post -marital sex, and such. Sa batas ng Diyos, mali talaga. Kaya ipinatutupad ang pagbabawal nito. They are implementing the law as Christian Doctrines inside the church.

And, bilang Seleno noon? I am proud with myself for not doing it at least once before. Ever since, I really am aware that it is a sin to God. I had only one ex girlfriend. And I did not try to sleep with her during our days. Yeah. Uhm. I don't wanna tell more about her. It's all in the past. Sobrang dami ng nangyari. Hindi ko na nga maalala na dumaan pala ako sa ibang babae?

All I think now.. is.. her.

Argh! Umiling ako at idinuro ang mukha sa unan na yakap yakap ko.

Basta ngayon, I want to focus on my present life.

Ang pagsunod ng lubos sa mga utos at alituntunin ng Diyos.

Kailangan ko ng matulog at magpahinga dahil busy day bukas. Kasal na ni Uzzi at Bella. Ang saya saya naman!

Yung mga kaibigan ko sa kadiwa, ayun magiging buklod na. 😍

~*

"Akisha? Is everything prepared?" Tanong ko sa manager ng aking resort. Nauna na ako dito sa resort after ng kasal sa kapilya. Marami pang ganap doon sa kapilya, picture and video taking.
Nandito ako sa entrance ng hall na gaganapan ng reception and program, nakita ko na syang nakatayo dito eh.

"Yes Sir! Sabi, In 30 minutes darating na daw yung newly weds with the guests. So naghihintay nalang po ako dito to make signal sa iba." Sagot niya. Habang inaayos yung earphone na suot nya. It's a radio. Meron din akong suot, of course, to keep me updated.

Naka bun siya, at lahat ng babaeng on duty for this event. Wearing a red dress. Lahat silang mga babae while red polo with black bow tie ang mga lalake. Dahil white and red ang motif ng kasalang Uzzi at Bella.

She's a college fresh graduate. Sa kursong business ad. Operation management. Siya ang in hire ko because I trust her. She has a good grade in her OJT, sa isang five star hotel sa manila. So, di na ko lugi diba? And ofcourse, Iglesia Ni Cristo member siya. Mang-aawit.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon