32

64 9 0
                                    

Nagbunutan sila kanina kung sino ang sunod-sunod na tatanungin. At patapos na ang Q and A dahil si Rex na ang kasunod. Pinakahuli siya eh.

Magagaling sumagot ang mga nauna. Humanga ako. Pinaghandaan nga ito ng bawat contestant. Magagaling talagang pumili ang mga department.

Naku syempre ang pinili nila ay yung alam nilang maitataas ang pangalan ng department nila.

"So, candidate number four, Mr. Rex Muega, this is your question.."

Huminga lang yung judge tapos nagsalita ulit.

Kita kong seryoso siyang tinitignan ni Rex pero nananatili ang ngiti nito.

"At your age, how do you fight stress and depression? And do you think, is it okay to share it to others who are dealing with these also? Why?"

Nagsalita ulit ang Host para sa tagalog translation ng tanong, "Sa edad mo ngayon, paano mo nilalabanan ang stress at depresyon? At sa tingin mo ba, maaari itong ibahagi sa ibang tao na nakakaranas din ng ganito?"

Itinaas ni Rex ang kamay niya at itinapat ang mic sa mga labi niya. Nagsalita siya,
"Thank you for that wonderful question.."

Tumango ang judge.

".. Well for my point of view, How do I fight stress and depression? I deal with it by being.. me. The real Rex Muega. I can share it to others, tips. Ofcourse, first, you need to face it and don't ever run from it. Don't ever think of doing inappropriate things that might've hurt anyone's feelings. Do not kill yourself just because you think there's nothing you can do to fix it. Don't lose hope. Because, if you cannot fix yourself, I know and I believe.. there's somebody out there can do it for you. You just need to find an inspiration to be the better you. That's all! Thank you!"

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos niyang sumagot. Maging ako ay namangha!

Ang galing niya!

Tama ang sagot niya!

Base ito sa tunay niyang karanasan.

Pero sa kabilang banda, hindi ako natutuwa.

Kasi sabi niya nung nag-usap kami. Na ako yung naging inspirasyon niya. Na ako yung dahilan bakit nagbabago siya.

"Mukhang mananalo si Rex!" Ani Kath.

"Pano mo nasabi?"

"Crowd favourite siya tapos ngayon ang galing pang sumagot."

"Well sabi niya nga.. He's Rex Muega." Sabi ko.

Tumunog at umilaw ang kotse tanda na may pumindot na ng key. Hinanap ko si Seleno.
Napangiti ako ng makita siyang naglalakad palapit sa'ken. Hinintay ko siya dito sa kotse niya eh.

"Lithuania.." Banggit niya sa pangalan ko.

"Seleno.." Sabi ko naman.

Ngayo'y nasa harap ko na siya.

"Antok ka na?"

Umiling ako, "Ikaw? Pagod ka ba?"

"Medyo.." Aniya.

"You hungry?"

Ipinikit niya ang isang mata niya,
"A.. bit?"

I giggled, "Tara sa bahay, pagluluto kita."

Kita kong sinilip niya ang wristwatch niyang gold na nasa kanang kamay niya.
"Girl, it's 2 am." Aniya.

"So?" Tugon ko.

"Well.. then.." Aniya bago Binuksan niya ang pinto, "Let's go?"

I smiled, "Yes.."

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon