30

71 8 0
                                    

Nine o'clock in the evening. Kasisimula lang ng talent portion. Nandito kami sa court.

Required manuod lahat ng kasama sa cheering. Gosh! Ayoko sana. Kasi syempre, maliban sa lalaban si Rex ay Judge naman si Seleno. Pareho silang iniiwasan ko eh.

"Ania, ang gwapo naman pala ng isang manliligaw mo! Aba! Mas matangkad at mas makisig kay Rex! Mukhang ang bango bango! At ang ayos ng buhok." Si Kath ito.

Napatingin naman ako sa gawi ni Seleno. Nakasuot siya dark red long sleeve polo, naka tacked in sa kaniyang faded maong pants, may belt siyang kulay golden brown at naka boots 🥾 na kakulay ng belt niyang suot.

Kasama niya ang apat na Judge sa gitna. Sa pwesto namin na nasa gilid, nakaharap kami sa mga judge. So kitang kita ko ang bawat kilos niya, o nila. Kita ko kung paano siya bulungan halos minu-minuto nung katabi niyang babae. Teacher namin sa isang subject 'yan. P.E. Si Ma'am Shamae. Dalaga 'yan. Maganda. Matalino. Sexy. Single. Bagay sila!! Cute nila 'oh!!

Nang-iinit ang tenga ko ah?

"Kaya pala diyan ka na inlove ha!" Dagdag pa ni Kath.

Umiling ako, "Kath, hindi naman sa looks."

"Ay oo naman! Pero jackpot ka do'n!"

"Sshh.." Pinatahimik ko na siya kasi baka may nakakarinig na.

Wala naman akong balak ipagkalat na manliligaw ko iyang isang Judge. Lalo ngayong hindi naman kami okay dahil hindi ko siya kinakausap.

"Psh!" Sabi ko.

Nagtatawanan lang naman si Seleno at si Ma'am Shamae. What a perfect scenario!

Yung miss na miss mo na siya tapos ayan pa nakikita mo?

"Uy! Sino yung isang judge? Sobrang pogi! Apaka astig! Hala mukhang bet siya ni Ma'am Shamae oh!" Rinig kong sabi nung nasa likod namin.

Lalong kumikirot ang dibdib ko.

"I searched his name sa program, and he's Selenophile La Guardia. Pangalan palang pamatay na girl!! I staked him na sa facebook and shet? Famous! Kasama pala siya sa ATP Group. Stockholder! Mayaman!"

Kumunot noo ko, galing mag investigate ah? ATP nga yung company nila Daddy.

"Waaahh! Is he single?"

"Ayon sa relationship status niya sa facebook, he's still single daw!"

"Sheyt! I have a chance!"

"Loka! Ganyang tipo kay ma'am Shamae ang mga liligawan nun! Yung may narating na sa buhay. Yung hindi estudyante palang!"

Parang kumirot ang puso ko sa narinig ko. Gano'n ba yun Seleno? Tinitigan ko sila ni Ma'am Shamae. Kailangang laging mag usap pagka lalabas ang isang contestant??

Hindi nalang manuod ng tahimik?!

And he's not calling nor texting me mula ng umupo siya dyan sa mesa nila.

Nakikita ko naman ang cellphone niya na nakalapag sa harap niya.

At nasaksihan ko pa nga silang mag selfie ni Ma'am Shamae kanina!!

"A-ah, K-kath.." Kinuwit ko si Kath.

Nilingon niya ko, "Hhmm?"

"Labas lang ako. May uh, bili lang ako water." Sabi ko.

"Samahan kita?"

"Uh, hindi na. Gusto ko ding maglakad lakad sa may soccerfield mag-isa."

"Uh, bumalik ka agad ha? Mukhang wala kang interest sa talent portion. Sa Q and A manlang, ha?"

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon