23

75 5 0
                                    

"Christy, she's my eldest. Her only brother died. Just last year. That brother of him, my only son, Albert, committed suicide because of someone. Because of a man. Nagkagusto ang nag-iisang anak kong lalake sa kapwa nito lalake. They're bestfriends. Straight yung lalake. Yung anak ko yung hindi. Hindi ko alam pero may mga gano'n talagang tao eh. Hindi naman nila ginusto na maging gano'n sila. Pero nagkamali lang siya nang dahil lang hindi niya nakuha ang gusto niya, ay tatapusin niya na ang buhay niya. Albert committed a sin twice. I'm a Christian that's why I know na mali ang paniwalaan mong may ibang kasarian, Babae at Lalake lang ang nilikha ng Panginoon. At mortal sin din ang kitilin mo ang sarili mong buhay. To make the long story short, si Christy hindi niya matanggap na nawala ang kapatid niya dahil sa ganung dahilan. Dahil sa isang lalake. At pakiramdam niya kailangan niyang gantihan lahat. Kaya ayun, naging ganyan siya. Pinasok niya ang buhay ng kung sinu-sino. Gusto niyang masira ang buhay nila gaya kung pa'no nasira ang buhay ng kapatid niya dahil sa isang lalake."

"W-who's the guy? Na nagustuhan ng kapatid ni Christy?" Wala na dapat akong pakialam sa identity nung lalake but something's pushing me to ask her.

Kinikilabutan ako.

Ngumiti si Ma'am Nemia, "Rex Muega."

Lumaki ang mga mata ko, "Shit." Malutong kong banggit.

The governor's son?

"Walang may alam no'n. Only Albert, Me, Rex, Christy.. and Selenophile."

"S-selenophile?"

"Yeah. Christy and Selenophile were in a strong relationship before that. Legal sila sa'kin. They were happily inlove with each other, I know that. Pero nasira iyon mula noong nangyari yung mapait na karanasan naming lahat sa nangyari kay Albert."

"Naghiwalay sila dahil do'n?"

"Yeah. Mas pinili ni Christy na gumanti sa gano'ng paraan eh. I don't know. Something is wrong with her also. Maraming beses nagmakaawa si Seleno to fight for their relationship pero wala eh. Hindi ko alam. Selenophile can be a perfect husband for her and a son-in-law for me. Bilang Ina, ang sakit sakit. Kasalanan ko 'to. Hindi ko sila napalaki ng maayos. Bakit sila nakakapag desisyon na gano'n."

Halata mo kay Ma'am Nemia na nasasaktan talaga siya sa lahat ng nangyari.

Maging ako na hindi sila ka ano-ano ay nasasaktan sa mga narinig ko.

"I-I'm sorry.." Tanging nasambit ko.

"No. I'm sorry. In behalf of my daughter, I really apologize. Nasabi sa'kin ni Seleno lahat."

"U-uh" Wala akong masabi.

"I know hindi sapat na nalaman mo ang totoo para mapawi yung sakit na naidulot sa iyo ng anak ko. Kasi hindi naman talaga reasonable na manira ng buhay ng ibang tao dahil sa kung anong pumasok sa isip mo. Alam ni Christy na mali 'yon pero nabulag siya. Nadala siya sa sakit na nararamdaman niya. Naaawa ako sa anak ko."

Ramdam ko ang sakit sa bawat pagbitaw niya ng salita.

"Everything's gonna be alright, Ma'am Nemia." Sabi ko.

Ngumiti siya, "You have a pure heart, Hija."

"Thank you po." Sagot ko.

"Hintayin ko nalang ulit na bumalik sa akin ang anak ko. Babalik pa kaya siya?"

"Babalik po. Magtiwala lang po kayo at huwag niyo siyang sukuan. Pagmamahal ng isang Ina ang pinakasustansya sa buhay ng isang anak. Darating po ang panahon na hahanapin niya 'yun."

Ewan ko. Sa dami din ng pinagdaanan ko siguro kaya ako nakakapag advice ng ganito.

"Salamat, Hija. Ingatan mo si Selenophile ha? Napakabuting bata no'n."

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon