MARIA LITHUANIA GABRELLA'S POV
Tinalikuran ko siya. Nagulat ako! Hindi ko alam na siya ang may ari ng resort na ito.
Naririnig ko pa ang pagtama ng takong na suot ko sa inaapakan ko.
Nasasagip ng paningin ko ang magagandang halamang nakapaligid dito. Ang sarap sa mata. Pero nakakainis! Kasi yung may-ari nakakainis eh! Really? Itong public resort na lagi kong pinupuntahan, in privatize, at si Selenophile ang may-ari? Really?!
Aaaghhh!!
"Lithuania!" Rinig kong tawag sa akin ni Vinno.
Isa pa 'to. Ano ginagamit niya ba ko para inisin Kuya niya?
I'm not an object.
Sumama ako kay Vinno kasi galing kami sa business meeting kanina sa isang restau. Ang sasarap nga ng food doon eh. Tapos may free pang dessert kasi wedding day daw nung mga may-ari.
"Lithuania?"
Nasa tabi ko na si Vinno. Naabutan niya na ako.
"What's with the Babe thing, Mr. Vinno?"
"Look, I'm sorry..." Mag e-explain pa sana siya. But I cut him off. Alam ko namang he didn't mean any of that. He just wanted to piss Seleno off. I know that.
"It's okay. Just.. gusto kong mapag-isa." Sabi ko. Naku, sobrang haba mag explain niyan sa mga meetings eh. Baka gayahin ngayon.
"How? Sa kotse ko ka sumakay." Aniya.
"Mag ta-taxi nalang ako mamaya."
"Oh, okay. Sorry ulit? I hope hindi mo sineryoso?"
Tumango ako, "Yeah. See you at work tomorrow."
"Okay, then.."
Tumalikod ako. At naglakad. Sinundan ko ang buhangin na inaapakan ko.
Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. Hindi gaanong malamig ngayon. Sakto lang. Para yakapin ako ng hangin at pagaanin ang pakiramdam ko.
Resort niya ito?
How could he turn this spot, his?
Saan na ako pupunta kapag gusto kong mapag-isa?
Nung nalaman kong kino-construct ito, nalungkot ako ng sobra.
Kasi akala ko yung katabi lang nito. Pero bakit pati itong spot na ito sinakop?
Huminto ako.
Tumigil sa paglakad.
Sa kinatatayuan. kong ito mismo, dito ako nagdrama noon. Sumigaw-sigaw at inilabas ang hinanakit ko dahil sa dinadala ko tungkol sa gusot sa pamilya namin.
At si Seleno,
Si Seleno ang nakakita no'n.
Hanep 'yan!
Seleno..
They all hated him.
Even me, diba?
BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
RandomSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...