FAST FORWARD 🤍
"Happy Anniversary!!!" Bati sa akin ni Seleno mula sa kabilang linya.
Napangiti ako. Nagising lang ako sa tawag niya sa phone.
"Happy Anniversary My Seleno!" Tugon ko. Nakapikit pa ang mga mata ko. Niyakap ko ang unan na nasa tabi ko.
"Sayang wala ako dyan." Aniya.
"Uhm.. okay lang. Naiintindihan ko naman. Saka diba uuwi ka naman next week? Sa pinas ka mag new year?" Sabi ko.
He sighed.
"Yes. But still, I wanna be with you today. Anyways, Twelve months na tayo, Mahal!""Oo ngaaaaaa.." Sabi ko.
"Awww? Are you still sleepy, Mahal?"
Tumango ako kahit wala naman siya dito para makita 'yun. "Oo."
"Anyway, tumawag lang ako to greet you! Sleep ka na ulit! Patungo ako pagtupad ngayon."
"Okay, Mahal! Ingat ka! I miss you!" Sabi ko.
Namatay ang tawag.
Gabi doon at umaga dito. Nasa States siya. Some business matters. May land sila doon na pag-aari ng lolo niya, na magandang pagtayuan ng beach resort, kaya ayun under construction ngayon. La Guardia Beach Resort version 2.0! Nakaka proud! Boyfriend ko 'yan!!
Sabi ni Seleno, 2 years ito halos gagawin dahil malaki-laki ito. Nag invest ang daddy niya sa beach resort niya and it just happened na sumikat ito worldwide. Nakilala ang Zambales dahil dito.
Hindi ko iyon ipinagtataka. Ipinagpapanata namin iyon dalawa.
Malayo kami ni Seleno ngayon sa isa't-isa. Pitong buwan na kaming LDR. At sayang nga talagang hindi kami magkasama ngayon sa aming first anniversary as a couple.
Pero sa awa ng Ama, going stronger kaming dalawa. Nagtakda kasi kami ng Panata dalawa mula nang maging kami.
Walang malayo sa dalawang pusong nagpapanata.
Marami kaming ipinagpapanata. Para sa aming sarili. Sa mga pamilya namin. At ang isa.. na maawa ang Diyos sa amin at ibigay na ang pagkakataon at tamang panahon para kami pagbuklurin.
Next year ang aming target. So one year nalang halos, buklod na kami! Gosh! Excited ako! Haha!
Akala ko mapag-iiwanan na ako eh! Haha! Buti nalang, someone saved me. My seleno..
Kinikilig ako!
Pero.. natawa ako sa sarili ko nang humikab ako.
Inaantok ako ulit.
"Happy First Anniversary sa inyo ni Seleno, Ka Lithuania!" Sabi ni Ka Kreesha. Kapapasok niya sa pinto. Nginitian ko siya.
"Salamat!" Tugon ko. Nakita ko ang baby bump niya. She's two months pregnant. Hiniling pala siya nung manggagawa na destinado ng kabilang lokal. Ikinasal sila last year.
Natawa ako sa isipan na pinagselosan ko siya. Eh may boyfriend naman pala.
Narito kami sa kalihiman ng lokal. Sinamahan ko si Falon, naghahanda na kasi ang isang iyon para maging buklod na. Kumukuha na ng patotoo sa lokal.
Aba'y naunahan pa nila ako! Nasa may bungad lang ako. Hinihintay siya.
Umupo si Ka Kreesha sa upuan sa harap ko.
"Kamusta si Ka Seleno? Napaka mananampalataya nun Ka Lithuania, bagay na bagay po kayo." Sabi niya.
She's always like this. Napakalambing. Napakamagalang. Bagay nga talaga siya sa isang manggagawa ng Diyos.

BINABASA MO ANG
CONVERTED (COMPLETED)
NezařaditelnéSpoiler's copy paste: "I'm going to fight for this til the end, Ania. At kapag sinagot mo na ko, kapag tuluyan mo na kong pinapasok sa buhay mo.. kapag may karapatan na ko.. Huwag mong hayaan na sumuko ako. I need you. We need to fight for this toge...