35

64 6 0
                                    

They say, kapag mahal mo ang isang tao, walang kahit na anong magiging dahilan para iwan mo ito.

Wala kahit ano.

"Galit ka ba sa akin, Ania?"

Kita ko kung paano ang pagkislap ng mga ni Kath ngunit may halo itong pag-aalala at lungkot.

Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang straw atsaka inalalayan ito para masipsip ko ang strawberry juice.

"H-huh? Hindi?" Sagot ko.

"Eh bakit ang tamlay tamlay mo? Pakiramdam ko ay nagalit ka dahil sa nagpadamay ako kay Rex kahapon. Pasensya na ha?"

"Naku, Kath.. Okay lang 'yun. Mabait naman si Rex eh. Naunawaan niya ako."

"So, binusted mo?"

Tumango ako, "Oo."

"Pumayag?"

"Uh, oo?"

"Oh edi wala ka ng problema. Focused ka nalang kay Selenophile na isa mong poging manliligaw din." Aniya na parang kinikilig pa.

Tinataas baba niya ang kilay niya habang kumakagat ng chocolate bar na hawak niya.

Sumikip ang dibdib ko pagka rinig ko ng pangalan niya. Maisip o maalala ko lang siya ay parusa sa akin.

"A-ah, siguro.." Sagot ko nalang sabay kuha ng isang kisses sa plato.

Binabalatan ko ito, tinignan ko si Kath atsaka nginitian bago ko sinubo ng buo ang hubad na tsokolate. Sumandok din ako ng soft icecream sa baso gamit ang stick-o na nakatusok dito.

"Sarap noh?" Aniya.

Tumango ako, "True.."

"Alam mo mas masarap na kisses?"

Humigop ulit ako ng strawberry juice, it's my fave!
"Ano?" Tanong ko.

"Kisses ng taong mahal mo!" Aniya.

Binitawan ko ang straw atsaka ako lumayo sa mesa. I coughed!

Napahawak ako sa dibdib ko.

Jusko!

"Kisses?" Tanong ko.

Naalala ko nga.. ang mga halik namin ni Seleno. Ilang beses nga ba?

"Bakit? Hindi ka pa ba nahalikan noong mga past relationships mo?"

Past relationships? "Hindi pa.." Tugon ko.

"Sagutin mo na si Seleno, para maranasan mo na ang tamis ng unang halik!" Aniya. Ipinaghawak niya pa ang dalawang kamay niya atsaka itinapat sa dibdib niya.

Yeah, sabi ko nga, kailangang maunang sagutin bago payagang humalik sa'yo.

Eh kaso, nauna yung halik eh.

Pero balak ko naman na siyang sagutin eh.

Kasi nga naisip ko, na nahalikan na niya ako.

Kaso... Ugh!

Ayaw kong isip isipin pag may kasama ako. Lalo si Kath. Hindi ko balak ikwento ang nangyari. Na hindi na kami okay ni Seleno.

Na umalis ako kagabi habang umuulan, tapos hindi manlang niya ako sinundan.

Hindi ba't ang ibig sabihin lamang nun ay wala na siyang pakialam?

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sobrang bilis niyang nagbago?

Noong isang araw lang ay ang saya saya naming dalawa.

Tapos bigla kahapon, gano'n? Babanatan niya ako ng gano'n?

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon