25

101 14 0
                                    

"Close kayo ni Rex?" Nagulat ako sa tanong ni Seleno. Nakahinto na ang kotse niya at natatanaw ko na mula rito sa loob ng kotse ang bahay namin na bukas pa ang mga ilaw sa loob.

Maaga pa naman eh. Alas sais pasado.

"I- I don't know? Hindi. Just.. I just knew him." Sabi ko nalang. Hindi ko din naman alam isasagot ko? Saan ko ba nakilala si Rex talaga? And, bakit niya ko nilapitan kanina after ng game nila?

"We're roommates before sa military." Bigla niyang sabi.

"You went to military?"

"Yeah, magka batch kami."

"Woah?" Manghang-mangha ako.

I salute uniformed men eh!

"And, nagkwento na sa'yo si Ma'am Nemia?" Tanong niya.

Tumango ako, "Opo."

"Rex and Albert were bestfriends back then, lagi siyang nakikwento ni Rex sa'kin that they bond na parang magkapatid ang turingan. Kaya ang sakit para kay Rex na malamang.. you know.. na nagustuhan siya ni Albert." Paliwanag ni Seleno.

"Poor, Albert.." Kako. Naalala ko nanaman. He killed himself.

"Yeah. Ang pangit lang. Pinatay niya ang sarili niya. Hindi niya manlang naisip bago 'yun na dahil sa gagawin niya may taong mabubuhay sa ala-ala ng ginawa niya. Isipin mo kung gaano kasakit kay Rex na habang buhay pa siya, maiisip niya anytime na may nagpakamatay dahil sakaniya."

Yumuko ako. "He was wrong. But he was just hurt back then."

"Yeah.. We can't blame people for killing themselves."

Umiling ako, "Oo nga."

"Kung alam lang ng lahat ang aral sa bibliya tungkol sa mga tama at mali.." He murmured.

Kumunot ang noo ko, "Ano?"

"Huh? Wala. Ah, we're here at your house."Sabi niya sabay tinuro yung windshield.

"A-ah.." Hindi ko alam ang isasagot ko.

Pinapaalis niya na ba ako?

At bakit parang pag nagkasama kami, laging bitin for me?

Ay?!!!

Nagrereklamo?

Umiling ako sa isipan kong ewan kung anong ibig-sabihin.

Kinalas ko ang seatbelt ko. Gano'n din siya.

Sabay naming binuksan ang mga pinto ng kotse at sabay din kaming nakalabas. Iniayos ko ang pagkakasabit ng totebag ko sa balikat ko.

Tinignan ko siya.

He's so attractive for me!

Gosh?

Nag fa-flashback sa'ken yung unang pagkikita namin sa hotel, sa engagement party eklabu, naka ganyang porma din siya.

"Uh, Thank you..." Banggit niya.
Tapos he licked his lower lip bago yumuko.
Nakapamulsa siya.

Tinignan ko ang sapatos niya. Na tinitignan din niya. It's shiny! Gaya ng gabi ko ngayon, kasi, nakasama ko siya.

Wait, what, Maria Lithuania?!

"You're welcome." Sabi ko.

Nakatingin kami sa isa't-isa. Bakit nga ba nandito ito? H-hindi ko in-expect na magkikita kami ngayon.

Akala ko magiging ordinaryo lang ang araw ko.

Ewan ko. Hindi ba? Iisip-isipin ko nanaman ba ito?

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon