24

68 5 0
                                    

"Please use this.." Kinuha ko ang panyo ko sa bag ko tapos iniabot kay Rex.

"No.. I'm~"

Pinutol ko siya, "Please.."

Kinuha niya ang panyo sa kamay ko. Pinunasan niya ang basa niyang mukha.

"Mauna kang lumabas.." Ani Rex.

Lumunok ako, na realize kong oo nga pala. Naiwan kaming dalawa sa loob ng washroom.

Dali-dali akong tumalikod at lumabas.
Agad kong hinanap ang CCTV na nasa gilid.

Shit!

Pinapanuod kasi 'yan nina Sixto palagi. Pinapanuod ng buong faculty, admin at CSSG every end of the week. Alam ko 'yun, kasi I used to be an officer diba. Kapag may mga maling ganap, at nahuli doon, agad inaaksyunan. DGU campuses were surrounded by cameras. Kaya lahat ng kabulastugan ng mga estudyante ay nalalaman. Kaya ang mga estudyane, napipilitang gumawa nalang ng mabuti.

Pero shit?

Hinarap ko ang kalalabas na si Rex. Maayos na ulit ang itsura niya. Parang walang nangyari.

Hindi ko napigilan. Gustong-gusto kong magsalita.

"Lagi kang narereport sa guidance office dahil sa nilalapitan ka ng mga babae pero nirereject mo sila? Everytime na napapanuod kayo sa CCTV records, ang pinapaliwanag ng mga babae ay sila ang biktima?"

"Yeah, fuck that CCTV camera!" Aniya.

Umiling ako. "But you can speak yourself anytime! May hustisya sa school na ito, Rex."

"Hindi ko nalang papatulan."

"Pero, bakit ako? Bakit niyaya mo ako sa Inn? Kaya ka na guidance no'n. Nahuli ka ni Selenophile."

"I told you mag-uusap lang tayo."

"Why?" Nanginginig ako.

"Alam ko naman na hindi ka papayag eh."

"Why? We're strangers before! And.. hanggang ngayon naman."

"Ewan. It's just, napansin kong iba ka sa mga babaeng nandito."

Tinitigan niya ako.

I gulped.

Natawa siya, "Bye, Lithuania. Thanks for bringing me to the guidance office, nalaman ko pangalan mo."

Naglakad siya palayo. Ni hindi manlang ako nakapagreact sa mga sinabi niya.

Gosh! Lalong sumakit ang ulo ko!

"Sabi ko sa'yo eh, hindi dapat mag judge agad ng ibang tao. Tignan mo. Alam kong matino naman talaga 'yan si Rex eh. Walang dahilan para magrebelde 'yan. Bait bait ng angkan eh." Ani Kath. Nandito kami sa cafeteria, kumakain ng snacks. Alas tres ng hapon.

"Pero sobrang bait niya naman? Kung ako 'yun ay gagawa ako ng paraan at lalaban ako talaga hangga't mapatunayan kong hindi ako gumagawa ng masama." Sabi ko.

Hanggang ngayon ay gigil na gigil padin ako. Naiinis ako kay Rex kasi bakit wala siyang ginagawa?!

Nakwento ko kay Kath yung mga narinig ko kahapon sa loob ng cubicle eh.

"Sabagay. Gaya nung sinugod ni Winter dito si Rex sa cafeteria, eh yung girlfriend naman pala niya yung lumalandi sa kay Rex!"

"Nadine? Ano kayang department no'n?"

"Engineering din! Cheerdancer 'yon. Transferee din 'yan dito. Nauna lang si Rex ng ilang buwan. Marahil sinundan no'n si Rex dito."

"Speaking of, sasama ka sa cheerdance?" Tanong ko kay Kath.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon