18

129 7 0
                                    


Nasa dorm kami. Nag e-empake ako. Si Maori, Dina at Yza ang kasama ko.

Girl bonding lang. Bago ako aalis sa isang araw.

"Hindi din ako nalulungkot masyado, kasi alam ko kung gaano kasaya ngayon si Ania. Yung mommy niya makakasama niya." Sabi ni Maori.

"Nako, Oo! Yung iniiyak niya. Ayan na, ibinigay na sakaniya." Sabi naman ni Yza.

"Sobrang saya ko din para sa iyo, Ania. Napakabait ng Mommy mo. Pinatawad niya agad ako." Sabi naman ni Dina.

Yes, after kasi naming mag usap sa guidance ay sinundo ako ni mommy sa school tapos in invite niya na din si Dina. Syempre para maging okay din sila.

"Ang hirap lang isipin na hindi tayo sabay-sabay ga-graduate! Dahil diba doon ka na hanggang fourth year? Pero, we'll support you sa lahat." Ani Yza.

"Bessywap wag mo kaming ipagpapalit doon ha!!" Ani Maori.

"Nako! Bisitahin niyo nalang ako doon kapag bakasyon niyo! Sabay naman ng vacay diba at same school parin naman, tayo. Magkaibang branch nga lang. DGU Baguio ako. Kayo DGU Main."

"Pag pupunta doon si Sixto ay sasama ako!" Sabi ni Mao.

"Aw sure, Gurly!" sabi ko sakaniya.

Ang happy lang. Na kahit pa aalis ako. Atleast maghihiwa-hiwalay kami na walang may samaan ng loob.

Tinignan ko si Dina, she's busy with her phone. Argh! The gap between us is now gone. I mean, parang walang nangyari.

And mas naging feel comfortable ako towards her kasi wala naman na sila ni Brigs.

"Shet!"

Nagulat kami nang magsalita ng ganyan si Dina.

"Huy!" Saway ni Yza.

"Opxx, sorry gurl." Ani Dina kay Yza.

Bawal nga pala mag mura, our angel is here hihi

"Ano ba yun, Dina? Nagulat kami!" Reaction naman ni Mao.

"Guys, my mother just received flowers. Ngayon lang. She just texted." Paliwanag ni Dina.

"Oohhhh, Wooow!" Sabi namin.

"Wait here's the message attached sa flowers,  Dear: Ms. Susan, accept this flower. It means I like your daughter. Yun lang!"

"Oh? Like before? Diba si Brigs nagpapadala?" Tanong ko.

"Sabi ni Brigs siya nagpadala noon. I mean, hindi niya sinabi. I just assumed.. kasi sino ba namang iba nagkakagusto sakin at magpapaalam sa magulang ko?"

Nagtinginan kaming apat.

"WHAAAAT?! SO YOU MEAN HINDI SI BRIGS ANG NASA LIKOD NG MGA IYAN? SO SOMEONE.. SOMEWHERE IS?!"

Reaction talaga ni Maori, panalo!

Natawa nalang kami ni Yza.

"Ang sweet naman ni guy, parents mo unang nililigawan." Ani Yza.

"Hala, sana all!" Sabi ko.

"Who is he?!" Natatarantang tanong ni Dina sa sarili.

"Basta balitaan mo ako kapag nalaman niyo kung sino ha?" I told them.

Tumango si Mao at Yza. Si Dina aligaga parin sa phone. Ka text ang nanay.

"Boto na ko dyan kung sino man iyan!" Sabi ko.

"AKO DIN!!" Sabi naman ni Maori.

Kaya nag high five kami.

"Naku mag-iingat ka parin, Dina." Paalala naman ni Yza.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon