48

37 8 7
                                    

Ang aga aga kong nagising. Wala namang ganap. Tapos na ako tumupad kahapon sabado, bilang mang-aawit.

Today is sunday. Wala naman na akong ibang gampanin dahil sa ngayon, mang-aawit palang naman ang tungkulin ko. Pero lagi kong banggit sa mga panalangin ko na dagdagan pa ito. Na pagtiwalaan pa ako. Na huwag hayaan ng Ama na mabitawan ko ang tungkulin ko, bagkus mas dumami ang hawak ko. Sabi ko dalhin ako ng Ama sa kung para saan ako. Sa kung saan ako mapapakinabangan ng Iglesia.

Isa lang 'yan sa napakarami kong ipinagpapanata sa Ama.

Tinungo ko ang bintana ng kwarto ko. Sa ikalawang palapag ito kaya't malawak ang tanaw ko sa labas.

Hayyyy!! Ang ganda ng panahon today!! Maaraw, mahangin. December is approaching!!!!!!

Siguro kung may boyfriend lang ako, dating day namin ito supposedly. Eh kaso wala. Hindi pa binibigay ng Ama sa'kin yun. Ang gusto lang yata ng Ama sa ngayon, umusad ako kay Seleno.

Alas syete pasado ng umaga. Bumaba ako sa kusina, naka suot pa ako ng ternong pantulog ko na kulay pink. Satin ang tela nito kaya't madulas sa balat.

Balak kong magtimpla ng kape atsaka ako maliligo. Hindi ko rin alam kung bakit maliligo na ako agad, siguro mag-iisip nalang ako ng pagkakaabalahan today. Ide-date ko siguro ang sarili ko. No work ako pag sunday, oh please. Ayokong ma stress ng weekends. Kaya weekdays lang ako nagpapagambala sa trabaho.

Si Falon naman na pinaka kaibigan ko sa lokal, ayaw daw lumabas. Broken hearted daw. Kasi yung wave pala ni Seleno sakaniya ay "napindot lang" sakeeeeeet diba?

Mapanakit ka Seleno!

Pero buti nalang hindi sa'kin napindot. Swerte ko parin.

Handa na din akong mag move on sa Kaniya. Oo baka matatagalan. Pero, who knows? Baka may isang kadiwa na sumagip sa'kin sa pag-iisang ito.

Bakit nga ba ako mag mo-move on? Last pulong namin kadiwa sa lokal, nagtanungan lang naman kung single, taken o may liligawan at niligawan na ba yung mga lalakeng dumalo. At itong si Seleno? Sinabi niyang "May liligawan na ako."

Naka move on na nga siguro siya.

Maging masaya nalang tayo for him.

Kahit shiiiiiiittt, ang sakit sobra. Pero wala eh? Ama nagpapahintulot ng lahat ng bagay.

Maybe ako ang "nauna" pero di ako ang "wakas"

Kasi syempre, ano pang magagawa ko? May liligawan na yung tao.

"Ma'am, coffee po?" Tanong ni Nanay Josie. Isa sa kusinera namin.

"Ay opo." Sagot ko.

Umupo nalang ako sa upuan sa dining.

"Black lang po." Dagdag ko.

"Sige ma'am. Hindi po masyadong mainit diba?"

Tumango ako. She knows.

Nang maitimpla ang kape ay agad ko itong inubos. Ang gusto ko kasi yung kalahating hot water at kalahating warm, ayoko nang pakiramdam na napapaso ang dila ko.

Bago ako tumayo, napansin kong naglalabas ng kung anu-ano sa ref si Nanay Josie.

"Ano pong meron?"

"Nagpahanda po si Ma'am Lucila ng almusal. Tinawagan po ako." Aniya.

"Oh? Okay.." Sagot ko nalang atsaka ako dumiretso sa kwarto ko.

Naligo ako at nag blower ng buhok. Pinatuyo ko ito. Para after kumain eh diretso na akong lalabas. Nagsuot ako ng simpleng maong shorts at tee shirt na kulay puti. Kumuha ako nang nakasabit na sling bag na kulay black at naglagay ako doon ng shades. Mainit ang panahon. Nagsuot din ako ng doll shoes na kulay white.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon