38

104 10 2
                                    

Selenophile La Guardia's POV

Pinihit ko ang volume ng speaker ng kotse ko. Nag intro ang music. Napangiti ako! I know this song!

This is one of my favorite song na kinanta ng mga kapatid sa MusiKo.

Nababahala ako sa lakas ng kaba ko.
Pinagpapawisan din ang mga kamay  ko  na nakahawak sa manubela. Kahit na katatapos ko lang namang maligo. Nag dagat ako. At hindi ko inaasahan..

Nakita ko siya.

Si Maria Lithuania.

Natigilan ako.. Nakatitig lang ako sa windshield. Gabing gabi na. Ang dilim na ng paligid.

Nakauwi kaya siya ng safe?

Napailing ako.

That girl...

Hayyyy..

"Walking with you, I pray of having you..
in my life.. in my life.."

Hindi na ako dapat manghangad pa ng iba. Nasa loob na ako ng tunay na kawan. Positibo ang pananaw ko sa lahat ng bagay sa ngayon. Naiintindihan ko ang lahat.

Oo, May kani-kaniyang pananaw ang bawat tao. May mga sariling desisyon.

At pagdating sa isang paksa na madaming nagtatalo, Ang iba hindi nila maintindihan kung bakit kailangan pang ang tao ay magpalit ng relihiyon.

Gaya ko nung una. Kaya naiintindihan ko ngayon kung bakit gano'n. Kung bakit may mga nawala..

"Holding you.. I feel the love that's true..
in my heart, in my heart.."

Napakasakit pala? Na gusto mo lang namang gawin yung tama, yung para sa'yo na right decision mo for your life, tapos may mga mawawala..

"When I close my eyes..
I see your sweetest smile.."

My family was hurt. I converted to the Iglesia Ni Cristo because I did believe everything they teach. "Sinampalatayanan ko", is the right term. Na hindi naintidihan ng pamilya ko.

Tinanggalan ako ng mana. Inalis ako sa posisyon ko sa kumpanya.
Ang mga magulang ko hindi ako kinakausap.
Pinaalis ako sa bahay.

Hindi ako lumayo.

Sila ang pinaalis ako.

Ilang taon naba? Two? Or more?

I don't know.. Hindi ko naman namamalayan.

"I will do everything for us to be together,
I'll be here by your side, from now until forever.. Ooohh
And I.. will love you
until our days are through.."

My sibling, Vinno, was my bro and go to person.
We're best friends. We even share the same room kahit pa malaki ang bahay.
Pero.. Galit siya sa'ken ngayon.

He left sports.
Dahil inilagay siya ng Daddy ko sa company.
Of course my fam won't let go of the position I used to have. My dad's already on politics and they only have Vinno to replace me.

Vinno loves basketball so much. He do.
And I love the way he loves it.
I support him fully!
As his older bro. Napakagaling niya 'dun!
I also play basketball pero he's far way too better than me.

Pero iniisip niyang dahil sa'ken, nawala yung pinakagusto niya.

Sabi niya susundin niya si Dad dahil gano'n niya kamahal ang pamilya.
Hindi daw kagaya ko na pinagpalit lang dahil sa Iglesia.

Gosh, that kiddo! Gusto ko siyang hilahin papuntang kapilya!

"Looking at you,
I see the true beauty of you
in your eyes, in your eyes.."

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon