13

111 4 0
                                    

Sobrang tamlay ko! Wala si Yza dito sa bahay, and wala din siya sa klase namin kanina. Nasa Church nila siguro 'yun?

Dun lang naman yung pumupunta pag di nagpapaalam sa'min.

Andaming nangyari ngayong araw. Nakaupo ako sa kama ko. Pinakinggan ko ang paligid. Sobrang tahimik!

Pero mas gusto ko ito, meron bang lugar na ano.. yung tahimik, payapa, yung ano.. yung mararamdaman mong panatag ka habang nando'n ka gano'n?
Yung kahit walang tao, o wala kang kasama, pakiramdam mo may yumayakap sa'yo? Yung pag nando'n ka automatically gumagaan ang pakiramdam mo?

Sa ibang planeta siguro?

Hayz.

Kinuha ko nalang ang tinake out kong fries, burger and coke sa mcdo kanina. Ipinatong ko sa kama ang burger at fries. Ang coke ay nasa side table ko. Cravings!

Nadadaanan kasi pauwi dito mga fast-food chains. Kaya minsan, kapag di namin maharap ni Yza magluto, te-take out nalang kami.

And ito nga, nag take-out na ako. Dapat ba pinag take out ko si Yza?

Hmm..

Sinimulan kong buksan ang burger. Inamoy ko muna ito bago ko kinain. Hindi ko alam, hindi ko malasahan. Wala akong gana >___<

Kumukuha ako ng fries at isinasabay ko sa burger. Ako yung tao na di nag ke - ketchup sa fries. Ewan ko, feeling ko nasisira lasa hehehehehe!

Agh! I dunno na!

Nang maubos ko ang lahat ay humiga lang ako. May trashcan naman sa tabi ng kama namin kaya doon ko na itinapon ang mga kalat.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table ko. Walang texts from anybody. Time check, 8:15PM.

Bakit gano'n? Para kong ewan. May hinahanap hanap akong atensyon gano'n!

Hindi kaibigan eh. Ewan!

Ugh! Naalala ko nanaman si Dina. Really?! Dina?!

Nag back read ako sa convo namin ni Dina. Wala kami halos napag-uusapan. Tanong sagot lang. Simple texts ng normal friends. Pero wala namang issue iyan. I mean, para sakin kaibigan ko siya. And she mean to me.

We have the same group of friends. Nasa iisang circle kami. Bakit niya kailangang sabihin ang mga bagay na yun?

Oo na, may kasalanan din ako. Kasi nag walk out ako. Hindi kami nakapag usap ng maayos. Pero nasaktan kasi ako. Sobra.

I mean, hindi ko naman sana balak kwestyunin yung relasyon na meron sila ni Brigs eh. Kasi oo may mga texts si Brigs sakin nung mga nakaraan pero hindi ko naman alam na he's in love with me? Kanina ko lang yun narinig, at kay Dina pa.

Pero nung sinabi niyang kaya niyang i question yung friendship namin dahil sa lintek na relationship nila, dun ako na hurt.

Like, why? Mahal niya si Brigs, so ako hindi niya mahal?

Ako yung lagi niyang kasama pag wala si Brigs. Kami magkakasama, magkakadamay, naging totoo ako sakaniya. Kami yung una niyang nakilala, kesa kay Brigs.

Sumisikip ang dibdib ko. Ito nanaman hehe! Kung hindi sa pamilya, sa kaibigan naman problema ko.

Naiisip ko mga moments namin with Dina. She's.. I love her!

Patulo na sana ang luha ko nang marinig ko ang pagbukas at muling pag sara ng pinto. It's Yza, for sure. Pinunasan kong madali ang mukha ko.

At tama nga, siya nga. Nakasuot siya ng black dress, may bitbit siyang tote bag.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon