33

55 8 0
                                    

Hindi ako makatulog. Nasa kwarto ko ako. Sarado na ang mga ilaw.

Nakahiga lang ako at nakatingala sa kisame ng kwartong ito. Wala naman na akong nakikita sapagkat madilim na.

I bite my lower lip.

Nararamdaman ko parin ang mga labi ni Seleno sa mga labi ko.

Napangiti ako.

Shooot! Naaala ko ang kinanta ni Rex kanina sa talent niya.

It's 3 am and I'm still here awake!
Beautiful face keeps flashing on my mind!

Argh! Tama ba yung lyrics???

Tumagilid ako ng higa.

Ang saya saya ng puso ko.

Naguguluhan ako.

Hindi ba dapat papayag ka lang na halikan ka ng isang tao, kapag may relasyon kayo?

Aba!

Hindi pa kami ni Seleno. Nililigawan niya palang ako. Pero nahalikan niya na ako?

Well, uh, ito na siguro yung sign para sagutin ko na siya?

Wala na naman ng kulang eh?

I mean, mahal niya ko, at mahal ko nadin naman siya eh.

Saka isa pa, para hindi na din ako mag isip ng kung anu-ano pa. Bago manlang siya bumalik ulit sa Zambales, ay maging kami na.

Okaaaaay na Lithuania! Nakapag isip ka na. Matulog ka na!

"8.. 7.. 6.. 5.. 4.. 3.. 2..1!" Sigaw ng trainor namin.

Nag wa-warm up kami ngayon. Ready na ang lahat. Ang mga props. Ang ilang mga dancers, kagaya ko ay nakasuot na din ng aming full costumes at make up. Si Kath nandoon pa sa loob inaayusan, nahuli siya dahil inasikaso daw yung baby niya. Manunuod daw kasi kasama ni Dan mamaya.

Naisip ko naman bigla na may manunuod din para sa akin. Waaaaahh!!

Busy akong inaayos ang pompoms na hawak ko. Dalawa ito. Kulay gold. Navy blue and white kulay ng costume namin.

"Ang ganda ganda mo, Ania!"

Nalingon ko si Kath na kagagaling sa loob ng dressing room. Katatapos niyang ayusan.

Naka full costume and make up nadin siya.

"Ikaw din, Kath!" Puri ko pabalik. Napaka ganda nito. Napaka swerte ni Dan sakaniya. Matalino, Maganda at mabait pa.. higit sa lahat ay mabuting Ina sa anak nila.

"Hindeeeee, iba ang iyong mga ngiti ngayon." Aniya.

"Talaga?" Dahil sa sinabi niya ay lumapad ang ngiti ko.

"Oo. May nangyaring maganda kagabi? O may magandang mangyayari ngayon? Hhmm.." She's teasing me.. Agh! Umeepekto.

"Hindi ko sure.." Sagot ko. Kinakabahan ako eh. Ewan ko kung dahil sa kami na ang next performer or dahil sa plano ko ng sagutin si Seleno mamaya.

Umirap si Kath na parang kinikilig, "Nakita ko si Suitor mo eh.."

"Selenophile?" Tanong ko. Kasi hindi ko pa nakita si Seleno mula kanina.

Umiling siya, "Rex."

Medyo disappointed ako sa narinig ko. Wala pa ba si Seleno? Akala ko ba manunuod siya bilang manliligaw ko? Oh baka naman, isusurpresa niya akoooo? *^_^*

Kinikilig ako!!

Nag inhale exhale akooo saka hinarap si Kath ulit,
"Oh? Si Rex? Saan?"

Kita kong Kagat-kagat niya ang pompoms niya, dahil inaayos niya ang buhok niyang nakapusod.

CONVERTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon