Tahimik ang naging biyahe, nakatulog na rin ako nang di ko namamalayan. Nagising na lamang ako nang tigil na ang sasakay. asa garahe na kami ng bahay.
Balak ko sanang dalhin ang dalawa, kaso hindi magandang ideya 'yon, lalo na't biglaan.
Sa huli'y napagpasiyahan ko na lang din na tumuloy na sa kwarto ko.
Mabilis na lumipas ang araw, ngayon ay araw na ng martes, ibig sabihin bukas na kami gagawa ng gawain namin para sa report. wala namang pinag bago ang mga gawain, pwera lang sa hindi kami gaanong nakakapag usap ngayon ni Isaac.
Ang bell ang siyang naging hudyat na tapos na ang huli naming klase. deretso ako sa sakayan, wala naman akong gagawin ngayon pwera lang sa mag-isip ng mga maidadagdag bukas.
"Umuulan!" rinig kong sabi ng mga estudyanteng nag hihintay rin. sakto naman ang buhos ng ulan, wala pa akong dalang payong!
Wala akong nagawa kundi ang sumugod at makipag unahan. basang basa na ako dahil sa dami ng mga estudyanteng nag-aantay rin doon sa silungan. nakasilong lang ang halos kanan kong balikat. wala rin akong magawa dahil lumalakas.
"Bayad ho." Abot ko ng bayad, sa wakas nakasakay na ako ngayon sa jeep. Ang basang bag ko ay nakapatong sa hita ko, tumataas kasi ang palda ko pag umuupo, lalo na ngayong basa. kinuha ko ng panyo sa bag para mag punas. Nabasa lang rin ang panyo kaya di ako ganoon napunasan.
Mabilis ang naging biyahe o sadyang okupado lamang ang isip ko ng hindi ko malamang bagay? tahimik lang akong pumasok sa loob ng tahanan.
Nagpalit lamang ako ng damit, balak ko pa sanang manuod ng kung ano ano sa youtube. nagsuot lamang ako ng oversized t-shirt at isang loose short. Dahil mas komportable ako sa ganitong ayos ngayon.
Ramdam ko ang pagbigat ng mga talukap ko nang makaupo ako sa kama. Kinuha ko lang yung phone ko at nag alarm. I should be wake up tomorrow by 7 or 8 I think..
Nagising akong mabigat ang pakiramdam. parang di ko kayang gumalaw o tumayo man lang. Di ko masyadong maibuka ang talukap ko, pero pinilit ko paring bumangon para bumaba.
"Nang Lita.." tawag ko nang makaupo ako sa may lamesa. "Oh! akala ko pumasok kana ija! 'yon pa naman ang sinabi ko sa asawa mo." tila natataranta niyang ukol. iwinagayway ko lang ang kamay ko, tanda na bahala na.
"Bakit ganiyan ang hitsura mo? hindi kaba papasok?" tanong sakin ni nanang, nagmulat ako, kahit hindi gaano kalinaw nakita kong palapit ang kamay niya sa leeg ko, ramdam ko ito at sa noo ko naman. "Nilalagnat ka!" hindi ko na alam ang nangyari. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako at sobrang bigat ng mga talukap ko.
Nagising nalang ako nang painahigop ako sabaw pero sinuka ko lang ito, di ko nagustohan ang timpla kahit na tingin ko ay masarap ito. I'm still craving for my brother's soup. 'yon lagi ang napapahigop sakin tuwing nag kakasakit ako.
"Nang, I want my kuya's soup.. " Tila nanghihina kong sabi sakanya. "Jusko hija! tatawag ako sa asawa mo para masabihan kapatid mo! marimar oo! marimar! Hello, Isaac! "
"Eh andito pa pala! may sakit bumili ka ng gamot pag uwi! sige pasabihan rin kuya niya na may sakit si Amara. Salamat, anak."
Siguro dahil ito sa lakas ng ulan kahapon, dapat pala nakisabay nalang ako. Mabilis pa naman ako dapuan ng sakit, katulad ngayon. Pinilit kong tumayo at pumunta sa kwarto, naghilamos ako at nagpalit lamg ng damit. Nagtali lang rin ako ng buhok dahil naiirita ako sa buhok kong dumidikit sa leeg at mukha ko.
Naalala kong ngayon nga pala kami gagawa nung sa report namin, paano na ako? malapit na siguro dumating mga yun, anong oras na rin kasi.
Kinuha ko mga dapat na gamit, laptop, books, ballpen at paper. Ramdam ko pa ring sumasakit ang ulo ko, bumibigat parin ang talukap ng mata ko. tagal ni kuya.
BINABASA MO ANG
Every Seconds With You
Teen FictionMELDIN SERIES #1: Amara Collette Meldin Title: Every Seconds With You Status: Complete Date Started: March 18 2019 Date Finished: December 29, 2020 Amara Collette was arranged to a marriage for merging business, well that's what she knows. But what...