"Isaac! payagan mo na kasi ako!" Kinukulit ko si Isaac na payagan ako sa weekend. Hindi ko alam, kahit di naman siya pumayag, in the end sasama at sasama pa rin ako.
Kagabi ko pa siya kinukulit pero di niya ako pinapansin, asa harap lang siya ng phone niya at mukhang may katext. edi sana all nay katext. mga kaibigan ko nga di man lang ako minessage after nila ako pagtripan kagabi.
"Papayagan kita, if you promise to be with me all day sa mga games namin." Napanguso naman ako, andoon talaga kami mamaya kinuha ng mga elites ang club namin para kumanta National Anthem mamaya bago mag start ang game nila. At ang mga ka-club ko naman ay ako ang pinili para kumanta.
"I'll be there okay? remember nanalo ako? gusto mo tabihan pa kita!"
"Talaga?" nakataas ang kilay nito. Inirapan ko siya. Para siyang baliw. Andoon naman for sure si Irish.
"Oo nga ang kulit mo."
Natapos kong kantahin ang National Anthem para sa laro ngayon, dumeretso na agad ako sa upuan ng mga varsity, sa tabi mismo ni Isaac ako umupo.
Andito na rin ang kalaban nila which is sila Jacob, kita ko sila mula sa kabilang dako ng earth, char. Joke joke.
May narinig akong tilian, kita ko ang tatlo kong kaibigan na ada harapan na namin. "Picturan namin kayo!" Naramdaman ko ang kamay ni Isaac na asa kabilang braso ko kaya alam kong naka-akbay siya sakin.
"1..2..3..smile!" Ngumiti kami, ilang picture rin yon, meron sa phone ko at meron din sa phone ni Isaac.
Nag-uusap kami ni Isaac nang mag ring ang phone ko. It was Jacob.
"Punta ka dito sa kabila!"
"Baka mag start na?"
"Hindi yan, magwawarm up pa kami."
"Isaac," Hindi pa ako nakakapagsalita muli nang magsalita siya. Excited ka gurl?
"Go, just be here before the game starts." Tumayo ito bago siya pumunta sa ibang players na nakatayo na. Nagwawarm up na sila, samantalang sila Jacob naman ay naka-upo pa.
Mabilis ang naging lakad ko papunta sa kanila Jacob. Kita ko doon si Ricky at Miguel na katulad ni Jacob ay nakasuot ng uniform nila.
"Hoy! huwag niyo talunin hubby ko ha? be a good bot kundi magagalit ako sa inyo."
Irap ang nakuha ko mula sa tatlo. Tusokin ko mga mata ng mga to eh.
"Picture muna tayong lahat!" May tinawag si Ricky na isa sa kasama nila at nagpapicture kami. parang nung sa Café, may mga solo pic sila sa akin at meron din kaming apat.
Sinabi ko rin sa kanila na baka payagan na ako sumama sa kanila kasi sabi ni Isaac kailangan ko lang naman siya samahan hanggang matapos ang laro nila.
Konting usap lang abg nangyari at bumalik na din ako agad sa totoong pwesto ko. Pinaalalahanan ko muna sila na huwag masyadong galing, char. bad yon dapat fair lang. ginood luck ko rin sila bago ako umalis.
"Tagal mo naman." Nakasimangot na bungad sakin ni Isaac.
"Anong matagal eh saglit nga lang 'yon?"
Alam ko nag lagay ako ng ilang towel sa bag ko, hinanda ko talaga para magamit, tulad ngayon. Nag warm uo tapos di man lang mag punas, ano mag papatuyo siya ng pawis? gusto niya bang magkasakit?
As a future doctor, I will advice that he should not let his sweats dry. Kasi once na matuyuan siya, there is a high possibility na magkakasakit siya. Sabagay, once na magkasakit siya ibig sabihin di siya makakapasok, pag di siya nakapasok medyo malalamangan ko na siya at di na kami mag ta-tie. Pero mabait ako ngayon, kaya naman pupunasan ko siya.
BINABASA MO ANG
Every Seconds With You
Teen FictionMELDIN SERIES #1: Amara Collette Meldin Title: Every Seconds With You Status: Complete Date Started: March 18 2019 Date Finished: December 29, 2020 Amara Collette was arranged to a marriage for merging business, well that's what she knows. But what...