Secret: Eigtheen

1.4K 43 19
                                    


I was in my pjs nang lumabas ako. Me, thinking that Irish at Jamie already went home is stupid. I spent almost half an hour to do my halfbath kaya naisip ko na wala na sila. Pero syempre imposible 'yon, lalo na't nakikita ko rito sa mini living room si Irish.

Pansin kong naiilang siya, naka-uniform pa rin siya't asa tabi niya ang kanyang bag. "Isaac told me that, I can ask you to borrow a pjs or anything namasusuot ko for tonight." Kaya naman kahit wala ako sa mood, pinapasok ko siya sa kwarto para makapag linis siya ng sarili niya.

Hindi ko pa rin alam kung bakit andito ang dalawang kaibigan ni Isaac. Hindi sa, hindi sila welcome pero dude it's already 8 in the evening, hindi ba dapat nagdidinner na sila sa bahay nila?

Tinignan ko si Irish na nakatayo pa rin sa pintuan. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari dito, hindi ba dapat inaaway niya ako?

She's weird tonight.

"What are you doing? Why standing up there if you can sit there sa sofa?" I asked her weirdly, like di pa talaga siya uupo sa sofa pag di ko sasabihin?

"Asa kwarto ko na tayo, you can drop the act now, go magalit ka na sakin kaysa para kang ewan diyan." Sabi ko sa kanya habang naghahanap ng pwede kong ipahiram pamalit niya. I really wonder why she's here.

Tinuro ko sa kanya ang cr kaya naman deretso siya doon at nang madaanan ako'y inabot ko ang damit na maari niya nang suotin. "Hey, baba ka na lang after mo ah?" Napatigil maman siya sa pagpasok dahil sa sinabi ko.

"Uhm, can you wait me here?" Wala naman akong nagawa kaya naman pumunta ako sa kama ko at nagcellphone na lang doon.

Nagtingin ako sa instagram, unang nakita kong post ay sa isang celebrity, kaya nanan nag scroll ako hanggang sa may nakita akong post ni kuya Aaron, It was posted 15 hours ago. A picture of a coffee and some papers.

Woah, I didn't know na nagpopost din ng ganito si kuya. Plus marami rin itong likes and comments pero wala namang caption.

That's why I decided to pay a visit sa profile niya. His latest post was a room painted a light green color and there's also a queen sized bed.

aaronmeldin fixing this room for my lil'sis.

There was a thousands likes. Woah, I didn't know na ganito sila kasikat. I wonder, what my school mates will react if they know I'm a Meldin? Will they even like me?

Sabagay, di na rin naman lilipas ang mahabang panahon bago nila malaman.

Sumilip ako saglit sa group chat naming magpipinsan sa intsagram. 'Yong iba kasing pinsan ko walang facebook, The only social media account they have is instagram and twitter. I know, all of them has a telegram. We're messaging each other doon minsan.

Come think of it. Meldin is known that has only a boy gender in generation. Now I ruined that. Natatawa ako sa naisip ko. Magpapalit na rin kaya ako biglang lalaki? ewan ko.

I smiled before I opened our group chat.

meldinaaren
I will build a university soon! dapat survey muna ano oras nagigising ang isang student or instructor. Classes will starts at 10! highschool or college. aish!

cloudiorito
ha! gaya mo naman sila sa'yo. Puro ka kasi babae sa gabi kaya late ka nagigising.

meldinbrrn
That's because girls are fun to play with. Unlike you, kuya Cloud, we are still free and not tied.

aaronmeldin
Why don't you just support the new branch of my hospital? 

siiiiid.m
hala andiyan ba si doc. lagot kayo.

Every Seconds With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon